DWIZ 882 – COMELEC, OSG PINAGKOKOMENTO NG PET KAUGNAY SA ELECTORAL PROTEST NI DATING SENADOR MARCOS

By Ashley Jose | DWIZ 882

Welcome sa kampo ni Vice President Leni Robredo ang pinakahuling kautusan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) hinggil electoral protest ni dating Senador Bong-Bong Marcos.

Ayon kay Atty. Beng Sardillo, legal counsel ni Robredo, makatutulong ang desisyon na ito ng PET upang mapabilis ang paglalabas ng desisyon hinggil sa nakabinbing electoral protest ni Marcos.

Kaugnay ito ng ginawang kautusan ng PET kung saan pinagkokomento nito ang Commission on Elections (COMELEC) pati na ang Office Of The Solicitor General (OSG) hinggil sa naturang isyu.

Dahil dito, kumpiyansa si Sardillo na pagtitibayin pa ng PET ang panalo ni Robredo bilang pangalawang Pangulo ng bansa lalo pa’t lumabas naman sa ginawang recount na talaga namang lamang si Robredo ng boto kontra kay Marcos.

Paliwanag pa nito, 2 beses na ring nanalo si Robredo at kung tutuusin nga matagal na aniyang tapos ang boksing, kaya’t nararapat lamang na matapos at madesisyunan na ang protesta ni Marcos.

Back to Blog