Don Mariano Marcos Memorial State University 32nd Foundation Day

18-Jan-2013-DMMMSU-Foundation-Day-speech

To the President of Don Mariano Marcos Memorial State University, Atty. Benjamin P. Sapitula, to the administrators, officers, employees, to the teachers and students of this venerable academic institution, good afternoon.

Kadakayo amin apo, naimbag nga malem niyo!

Let me begin by taking this opportunity to wish all of you a happy new year, although a little bit delayed! May year 2013 be peaceful, safe, healthy, prosperous and meaningful for all of us.

Naimbag nga baro nga tawen niyo amin!

In a few weeks, the Lunar Calendar will also be ushering in the Oriental Lunar New Year. So allow me to also greet everyone: Kung hei fat choi!

Sa mga naniniwala sa Chinese zodiac at feng shui, ang 2013 ay ang “year of the water snake” o “year of the black snake”.

Kamag-anak daw ng ahas ang dragon, na napakaswerte sa mga Chinese. Kung kaya, kung anumang swerte o pagpapala na nakamtan natin noong 2012, ay maaari raw nating maipasok at maulit nitong 2013.

Sa kabilang banda, mahiyain daw ang ahas, ngunit kapag iyong ginulo o ginalit ay mabilis naman itong nanunuklaw at umaatake. Napakamisteryoso raw ng ahas kung kaya mag-ingat daw tayo sa taon na ito. Ang ahas daw ay akala mo malambot at mahina, ngunit ito raw ay matatag at tuso, kaya tingin ko kayang-kaya nating mga Pilipino na paghandaan, tiisin at tagalan ang anumang pagsubok ngayong taong 2013.

Matapang din daw ang dila ng ahas, kung kaya tayo raw ay dapat na mag-ingat sa ating mga pananalita. Iwasan daw natin ang mga maaanghang at mapanirang pananalita sa ating kapwa, lalo na ang mga tsismis at mga intriga.

Mukhang mahirap yata ‘yan! Sa mga hitsura ninyo pa lang ngayon, tila marami ang nag-aalala dahil mukhang mahihirapan silang tupdin ang payo na ito. Biro lang!

Kalaban din daw ng water snake ang apoy. Kaya ngayong taon, tayo raw ay mag-ingat sa sunog. Iwasan daw na maglaro ng apoy! Ito rin ay isang mensahe lalo na sa mga may-asawa. ‘Di ba?!

Sabi siguro ninyo: “Hindi ako naniniwala diyan! Hindi totoo ang lahat ng mga ‘yan! I hope you don’t mind my starting my speech in a light mood. You all know that I feel so at home here in La Union that right now I feel once again more relaxed as I join you in this gathering today!

Anyway, kidding aside, I sincerely wish that this year will truly be a better year for everyone, especially for this University, its officers, employees, teachers and students.

To continue, I was informed that I am to receive an award today for my so-called “invaluable contribution to the development of [the] University”.

I was also informed that this “invaluable contribution” stems from the funding that came from my Priority Development Assistance Fund (PDAF) as a Senator, or “pork barrel” in layman’s parlance, for the rehabilitation of the Sports Center of our dear DMMMSU. Before anything else, I want to sincerely thank all of you for the award and graciously but humbly accept it unconditionally and, as they say, “without any mental reservation or purpose of evasion”. Thank you! Dios ti agngina kadakayo amin iti panangbigbig niyo iti saan unay nga dakel nga naitulong ko kadakayo!

Of course, you really did not have to honor me with an award on the basis of my having given you a portion of my PDAF. The PDAF is your money; it is the money of the Filipino people. It came from you, the taxpayers of this country, through your prompt and correct payment of your taxes, which you have voluntarily self-assessed or which have been involuntarily withheld from your salaries. Having come from you, the tax collections belong to you. And it is but just and proper that it should be given back to you, in the form of tangible and useful projects beneficial to the public, whom we are committed to serve. As the common street sign or billboard that is hung beside a public works project says: “This is where your taxes are being spent.”
Bukod dito, eh sino pa ba naman ang magtutulungan, kundi tayu-tayo ring mga Ilocano?! Do not forget I got elected into the Senate primarily by the votes of the Solid North. So I can safely and honestly claim that here in La Union, MARCOS PA RIN ANG NUMBER ONE!

Syempre, hindi ko rin naman talagang pupuwedeng pabayaan ang mahal nating Unibersidad na ito, na ipinangalan pa naman sa aking Lolo, na si Don Mariano Marcos, ang ama ng aking ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kaya nga po nagtitipun-tipon din tayo ngayon upang ipagdiwang ang araw ng ika-tatlumpu’t dalawang (32) anibersaryo ng pagkakatatag ng mahal nating Unibersidad, na nabuo at naitatag sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1778 na nilagdaan ng aking ama noong ika-labinlima (15) ng Enero 1981.

Kahit paano po ay kailangan ko itong pangalagaan. Kung hindi, baka magulat na lang ako na sa mga darating na araw na may bago nang Executive Order o batas na nagpapalit ng pangalan ng Unibersidad na ito at ipinapangalan na sa lolo ng ibang mataas na opisyal ng pamahalaan! Naku, kung mangyari man iyon, nakatitiyak ako na magagalit sa akin ang aking ama, pati ang lolo ko na rin. Huwag naman! Alam naman ninyo na kung hindi dahil sa lolo at ama ko, hindi ako nakatulong sa inyo at maaaring wala ako dito na nakikipagdiwang sa inyong lahat sa araw na ito!

Hindi rin ako nagdalawang-isip noong aksyunan ko ang liham ng Unibersidad na humihingi ng tulong sa pagpapagawa ng Sports Center. Ako mismo, alam ko ang kahalagahan ng isports o palakasan sa pangkabuuang kalinangan ng pangangatawan at katauhan ng ating kabataan. At kung maaalala ninyo, noong 2010, ako ang panauhing pandangal sa pagbubukas ng Regional Athletic Meet dito sa Region I, at nakita ko naman noon na hindi maayos na kalagayan nitong Sports Center. Kaya ipinangako ko sa inyong Presidente na tutulong ako! Ayon nga sa kasabihan sa wikang Inggles: “All work and no play makes Jack a dull boy.”

Ang tinutukoy ko po sa “palakasan” ay “sports”, at hindi po yung “palakasan” na iniisip ninyo na ginagawa sa politika o sa pamahalaan, kasi nakikita at nagugunita ko ang malikot na isip ng inyong Gobernador Ortega sa kanyang pilyong mga ngiti!

Hindi pupuwedeng sabihin na ang isang institusyon ng karunungan o paaralan ay nakapagbibigay ng pangkalahatang edukasyon at kaalaman sa mga mag-aaral nito kung wala naman itong sapat na kagamitan at pasilidad para sa isports at edukasyong pampisikal. Kaya naman, minabuti naming tulungan ang mahal nating Unibersidad na mapaigting ang kanyang pamamahagi ng edukasyon sa mga estudyante nito sa larangan ng isports at edukasyong pampisikal upang makamtan ng mga mag-aaral ang ating minimithing angkop at malusog na pangangatawan at kahusayan sa larangan ng palakasan at isports.

Hindi ko na po papahabain pa ang aking pananalita sa hapon na ito. Sa aking pagtatapos, mariin ko pong inuulit na nagpapasalamat ako sa inyong lahat sa pagkilala sa aking kaunting tulong-pinansyal para sa mahal nating Unibersidad . Ibinabalik ko naman po sa inyo ang akin ding pasasalamat dahil sa inyong ginagampanang tungkulin sa pagbabayad ng tamang buwis upang mapondohan ang ating mga pampublikong proyekto, at sa kabutihang idinudulot ng DMMMSU sa komunidad ng La Union, ng Region I at ng sambayanang Pilipino!

Ang inyong abang-lingkod ay isa lamang alagad ng bayan na siyang nangangasiwa upang maibalik sa Pilipino ang nalikom nating pondo sa mga pinaka-nangangailangan. At sa akin pong pananaw, ang ating mahal na Unibersidad ay tunay namang nangangailangan ng atensyon ng ating pamahalaan. Kaya tayo po ay tumugon at nakikipagtulungan upang mapabuti ang kalagayan nating lahat.

Ang mensahe ko lang bago ako magtapos, ipagpatuloy nating lahat ang ating adhikain para mapalaganap ang edukasyon at kaalaman sa mga mag-aaral sa ating rehiyong Iloko at sa lalawigan ng La Union. Makakaasa po kayo na katuwang at kabalikat ninyo ako at ang pamilyang Marcos sa palaging pagsubaybay at pag-antabay sa kalagayan at kaunlaran ng mahal nating Don Mariano Marcos Memorial State University!

Maraming Salamat po sa inyong lahat. Ika nga sa aking campaign slogan noon 2010: “Asikasong Bongbong, Asikasong Tuluy-tuloy!”

Dios ti agngina kaddakayo amin nga padak nga Ilokano! Naimbag nga malem niyo amin! Mabuhay kayong lahat.

Back to Blog