Do Not Interfere in 2010 Elections, Bongbong Marcos Tells America

Do not interfere in 2010 elections, Bongbong tells America

HILLARY IS COMING TO ENSURE THE NEXT

PRESIDENT WILL BE AN ‘AMBOY’

Apart from protecting the interests of the United States on areas of security, trade and politics, US Secretary of State Hillary Clinton is visiting the Philippines to make sure that the country’s next president will be an ‘American Boy’ or ‘Amboy’.

This was according to Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., who was not convinced that Clinton’s coming to the Philippines is simply for goodwill or solidarity visit for typhoon victims.

Marcos said Clinton is visiting the Philippines to ensure that US under President Barrack Obama has the support of the next administration and that Mrs. Gloria Arroyo’s successor would be an ‘Amboy’ willing to serve US interest.

“History has proven that the US continues to adopt a policy of interference with the Philippines. The US has great interest in the Philippines that’s why it wants to make sure that our next president is someone they can control and who is willing to become its lapdog,” Marcos said.

Marcos said that the Obama administration will surely support a presidential candidate who will not oppose US interests in the country.

Thus, he urged all the presidentiables to prove that they are not mere lapdogs by condemning US intervention in the internal affairs of sovereign countries like the Philippines.

“Just last June, US Defense Secretary Robert Gates went to the Philippines and after that another US official, Director Leon Panetta of the Central Intelligence Agency, visited the country. I wonder why they keep on coming as elections get near,” Marcos said.

‘Wag makialam sa 2010 elections – Bongbong

HILLARY TITIYAKING ‘AMBOY’

ANG MAGIGING PANGULO NG PILIPINAS

Upang mapangalagaan ang interes ng Estados Unidos partikular na ang usapin ng seguridad, kalakalan at pulitika, titiyakin nito na ang susunod na magiging Pangulo ng Pilipinas ay ‘American Boy’ o ‘Amboy’

Ito ang tahasang sinabi ngayon ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte kaugnay sa pagbisita ni US Secretary of State Hillary Clinton sa bansa sa dahilan umano na makikiisa at tutulong ito sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Ayon kay Marcos, ang pagbisita ni Clinton ay upang siguruhin ng administrasyon ni President Barrack Obama na ang susunod na presidente ng Pilipinas sa darating na halalan ay isang ‘Amboy’ na magsisilbi sa interes ng Estados Unidos.

“Pinatunayan ng kasaysayan na ang ‘polisiya ng pakikialam’ ng US government sa Pilipinas ay magpapatuloy. Malaki ang interes nila sa ating bansa kaya sisiguruhin nila na ang susunod na presidente ay hawak nila sa leeg,” pahayag ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na tiyak na susuportahan ng Administrasyon ni Obama ang kandidatong hindi kontra sa mga polisiya ng pamahalaang Amerikano tulad ng umiiral na hindi pantay na kalakalan at pananatili ng tropang Amerikano sa bansa.

Kaugnay nito, hinamon ni Marcos ang mga presidentiables na patunayang hindi sila kontrolado ng Amerikano sa pamamagitan ng pagkondena at pagkontra sa patuloy na pakikialam at pagsasamantala ng Estados Unidos sa Pilipinas.

“Nitong Hunyo lang, si US Defense Secretary Robert Gates ay nagpunta sa Pilipinas tapos sinundan pa ito ni CIA Director Leon Panetta. Nakapagtataka naman kung kaylan malapit na ang eleksiyon saka sila dumadagsa sa Pilipinas,” dagdag pa ni Marcos.

Back to Blog