Daily Tribune – Bilang ng presinto, doblehin na – Monsod

By Sebastian Navarro | Daily Tribune

Kaysa isulong ang pagpapaliban sa 2020 national elections, dapat umong dagdagan na lamang ng Commission on Elections (Comelec) ang bilang ng polling precincts para masunod ang health protocols laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay dating Comelec chief Christian Monsod, mas makabubuting doblehin na lamang ang bilang ng mga presinto upang hindi magkaroon ng problema sa pagsunod sa mga inilatag na health protocols ng gobyerno laban sa COVID-19.

“The Comelec can conduct elections in more precincts. There are enough teachers. There are provisions in the law who can be substitute teachers if there are not enough in the area and then you have the citizens arm,” saad ni Monsod.

Dagdag niya, dapat din umanong pag-aralan ng Comelec kung ang pagpapaliban ng eleksyon ang solusyon dahil marami pa naman umanong magagawa upang masigurong matuloy ang national elections sa ligtas na paraan.

“Damihan nila yung presinto, double the number of precincts or add 50 percent more precincts. They can do that,” ani Monsod.

Kung matatandaan, sinabi ng Comelec na pinaghahandaan na nitong gawing dalawang araw o higit pa ang botohan sa Mayo 9 sakaling magtutuloy-tuloy pa rin ang COVID-19 pandemic hanggang 2022.

“Yung sinasabi nilang two days, three days baka masyadong masikip, walang distancing, eh ‘di increase the number of precincts. There are solutions,” saad ni Monsod at dagdag niya, dati nang nagawa ito ng Comelec.

“They have increased the number of precincts so that the number of registered voters can be reduced at mare-respect yung distancing,” sabi ni Monsod.

Samantala, naniniwala naman si Monsod na hindi mag-aappoint si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong opisyal ng Comelec na posibleng magsulong sa pagpapaliban ng halalan.

“Let’s not jump to conclusions naman that the president will automatically appoint people who will do his bidding. Siguro naman maraming qualified people na hindi tuta,” sabi ni Monsod.

Back to Blog