Daanbantayan, Cebu

Palitan na ang political leaders at mga operator, mga naglalakad para i-organize ang buong bayan ng Daanbantayan. Maraming salamat sa inyong pagdating at mas lalo na nung pumunta kami dito sinabi ko tag araw na…tumatakbo ako bilang kandidato para sa pangalawang pangulo sa darating na halalan. Pagkakilala ninyo po sa akin ay “anak ni Marcos iyan, anak ng presidente iyan” Pero po matagal na po tayo sa serbisyo publiko. Nagsimula po ako noong 1980. Ako ay naging bise gobernador ng Ilocos Norte. Noong 1983, ako’y naging gobernador ng Ilocos Norte. Dinala kami sa Amerika. Pag balik po namin naging congressman ako siyam na taon. Naging governor, congressman at ngayon senador. Lahat na po ng trabaho sa gobyerno nadaanan ko na, pwera na lang sa judiciary.

Ako ay laki ng local government. Kaya nung ako’y naging senador, ay sinabi ko kaagad na kailangan kong hawakan ang committee chairmanship ng local government. Dahil sa aking pananaw kailangan makilala ang mga lokal. Kailangan malaman natin kung ano ang pangangailangan, ano ang kakulangan sa serbisyo ng pamahalaan. Iyan po ang aking mga ginagampanan ng nakaraang ilang taon. Marami nap o tayong nagawa. Marami na po tayong naitulong. At pinaalala na ni Congressman Salimbangon na ako rin ang chairman ng committee on public works and infrastructure. Lahat po ng mga ginagawa ng Department of Public Works and Highways. Lahat pong tinatayo sa aming kumite po dinadaan kaya sinasabi ko ay napakapalad ko at binigyan ako ng pagkakataon sa ganyang klaseng mga posisyon para magsilbi sa taong bayan.

Kaya naman po hindi naman po siguro nakakahiya na humarap sa inyo at hingiin ang tulong at suporta ninyo dito sa nararating na halalan dahil po ang inyong tagapaglingkod matagal nang naglingkod bayan, matagal ng tumutulong, matagal nang nagsisilbing serbisyo publiko. At hindi lamang po yung inaantay lamang at nararamdaman lamang kapag halalan. Buo po ang loob ko at tapa tang aking pagtrabaho. Kaya naman po kung titingnan, maliwanag naman, lahat naman makita ang aking record at ang aking performance sa nakaraang ilang taon. Kaya naman po palagay ko madali kayong lapitan at hingiin ang inyong suporta. Ngunit po, hindi pa sapat iyon dahil nakakaiba po itong kampanyang aking ginagawa sa halalang ito.

Bukod sa pangangampanya ko, sa kandidatura ko bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, mayroon rin po akong kinakampanyang iba. Hindi po isang tao ito kung hindi ibang bagay. Alam niyo po sa pag-iikot ko bilang senador, bilang congressman, dahil chairman ako ng iba’t-ibang committee, umiikot ako para malaman at makausap ang ating mga kababayan. At ang ating mga kababayan tinatanong ko kung ano yung pagkukulang ng ating pamahalaan. Ano yung pangangailangan, ano ang mga problemang hinaharap ninyo. At alam niyo po ay hanggang ngayon ang naririnig kong mga problema ay pareho pa rin sa mga naririnig ko ilang taon na po ang nakaraan. Iyan pa rin ang mga problema. Ano ba ang naririnig ko sa inyo? Ang problema na kulang na trabaho. Ang problema na mataas na bilihin. Naghihirap ang agrikultura. Kulang ang eskwelahan. Kulang ang osiptal. At may isang malalang-malalang problema, iyang problema na ilegal na droga.

Nakikita ko imbes na gumaganda pag daan ng panahon, ang nangyayari ay parang lumalala pa ang problemang hinaharap natin. Alam po natin kung ano ang kailangang gawin. Sa agrikultura, ano ang gagawin natin? Kailangan natin pagandahin ang suporta, ang patubig, ang pautang, ang ating pagtulong sa ating mga farmer, ang farm-to-market roads, iyan po lahat kailangan nating gawin para tulungan ang mga magsasaka. Para dito sa mga problema ng droga, kailangan po nating ipagsama-sama ang lahat ng sektor ng lipunan dahil ang problema na iyan ay hindi problema ng pulis lamang. Ngunit, lahat po ito, tulungan natin ang ating mga guro. Suportahan natin sila. Pagandahin natin ang mga school building. Pagandahin natin ang kanilang mga libro. Iyan po lahat iyan ay mayroon naman tayong alam kung papaano gawin. Eh ang galing-galing ng Pilipino. At nakikita naman natin hinahahangaan tayo, hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. At kilalang-kilala na ang Pilipino at sila ang laging hinahanap ng mga malalaking employer at pag nakita nila ang aplikante ay Pilipino kunukuha agad, Kilala tayo na isang lahi na magagaling, masisipag, matatalino, mababait, hindi magnanakaw. Iyan po ang ating katangian.

Kaya po sinasabi ko, papaano nangyari ito? Na ilang taon na, pare-pareho ang problema, alam naman natin ang solusyon, ba’t hindi natin magawa? Kaya po sa aking pag-aaral, sa aking pag-iisip, tinitingnan ko po at sa aking pananaw, kaya po tayo nagkaganito at hindi nagbabago ang kabuhayan natin dahil sa nakaraang ilang administrasyon, sa mga ilang nakaraang taon, ang ating mga ibang lider ay imbes tayo ay pinagkakaisa, tayo po ay pinag aaway-away, tayo po ay pinaghiwa-hiwalay alang-alang lamang sa politika. At ito po ang nagiging sagabal sa ating progreso. Wala naman sa dinami-dami ng problema ng Pilipinas, wala pong isang tao, wala pong isang grupo, walang isang ahensiya ng gobyerno ang makakapagsabi sila lang ang kayang ayusin ang problemang iyan. Wala pong ganung klase, Kailangan po natin ang lahat ng Pilipino.

Pag tayo po’y nag-iisa, pag tayo’y naghahati-hati sa iba’t-ibang grupo, kahit tayo’y tapat sa ating pagtulong. Kahit tayo’y buo ang loob para sa pagpaganda ng kabuhayan ng ating mamamayan, ay kakaunti lang po ang ating magagawa. Ngunit, kapag ipinasamasama po natin ang kakayahan, ang galing, ang sipag, ang kaalaman ng bawat Pilipino, diyan po natin mararamdaman ang pagbabago, diyan po natin mararamdaman ang pagpaganda ng buhay ng bawat mamamayang Pilipino.

Kaya po dito sa aking kampanya, hindi lamang ang sarili kong kandidatura ang aking kinakampanya, kung hindi rin ang isang kilusan ng pagkakaisa muli ng sambayanang Pilipino. Iyan po ang aking layunin. Iyan po ang aking pinapangarap. *crowd applauses* Dahil po sa aking pananaw, ito ang tanging paraan para maramdaman ulit ng taong bayan ang pagbabago, ang pag-uunlad, ang pagpaganda ng buhay ng ating minamahal na mga kababayan. Ang pagpaganda ng ating minamahal ng bayan Pilipinas. Iyan po ang aking nakikita. Kailangan po nating balikan ang pag-iisip, hindi lamang sa taong bayan kung hindi sa ating mga lider, kailangan natin ibalik ang pag-iisip na tayo ang Pilipinas ay isang bansa, may isang diwa, may isang gawa.

Sa ganoong paraan po makikita po natin na pagka nagkaisa-isa ang Pilipinas, ang Pilipino makikita po natin lahat ng ating pinapangarap ay gagawin nating katotohanan. Dahil nasa ugali po ng Pilipino iyan. Wala po sa ugali ng Pilipino ang magkahiwa-hiwalay, magkaaway-away. Hindi po ba kapag tayo au tinatanong ng mga kaibigan na galing sa ibang bansa, sinasabi ano ba talaga ang galing ng Pilipino? Ano ba ang katangian ng Pilipino? Ipinagmamalaki natin na mayroon tayong bayanihan, na nagtutulungan kahit hindi magkakilala. Basta kapwa Pilipino, nangangailangan ng tulong, tutulungan natin. Mamahalin natin. Iyan po ang ugali ng Pilipino.

Kaya sa pagiikot-ikot ko po, itong mensahe kong pagkakaisa ay madali kong ipaliwanag sa taong bayan. Madali pong maunawaan ng ating mga kababayan. Dahil po iyan talaga ang ugali nating Pilipino. Mabait, nagmamahal, at alam naman po nating lahat na walang nagmamahal po sa Pilipino kung hindi tayong Pilipino rin. Walang magpapaganda at magtratrabaho para sa Pilipinas kung hindi tayo mga Pilipino. Kaya panahon na siguro na tayo’y magkaisa. Panahon na para ipagkaisa na nating ang lahat ng sektor ng ating lipunan. Dahil po ito lang ang nakikita natin kung paano magproprogreso, paano tayo maguunlad. At kapag nagawa po natin ito, maririnig po natin, hindi lamang sa PIlipinas, maririnig po natin pati sa lahat ng mundo. Maririnig natin sa ating mga kaibigan sa iba’t-ibang bansa at sasabihin “Iyan ang Pilipino. Tingnan niyo sila, sila’y nagkakaisa, sila’y nagmamahalan, sila’y nagtutulungan kaya naman ang Pilipino taas noo kahit kanino.”

Iyan po ang aking paninindigan dahil ito po ang ating kailangang gawin ngayon. Ito po ang hamon sa atin ng panahon. Ito ang hamon sa atin ng ating mga kabataan, ng ating mga anak at ng kanilang magiging mga anak. Ang hamon po sa atin ay sana naman pagka dumating na ang araw na kami mga nakaupo ngayon sa posisyon na kami na nandito na nagsisilbi, pagka dumating ang araw na kami ay lumipas na, at ang mga anak na natin ang mga kabataan ngayon ay sila na ang naghahanap buhay, sila na ang nagsusuporta sa kanilang mga pamilya, sila na ang nagpapaaral sa kanilang mga anak na sana naman na ang iniwan natin sa kanila na Pilipinas ay isang lipunan na kinukupkop at tinutulungan ang bawat isang mamamyang Pilipino.

Dapat maiwan natin ang isang lipunan para sa ating mga kabataan, ang isang lipunan na nagbibigay pag-asa; nagbibigay ng isang kinabukasan na maliwanag at maganda para sa kanila na mayroon silang iniisip na malasakit ay hindi lamang ganyan na lang kung hindi may pag-asang gumanda, may pag-asang maging mas malawak ang kanilang paroroonan; mas maganda ang kanilang pagtingin sa ating pamahalaan sa ating bansa.

Iyan po ang ating layunin na pagka po dapat po naman ay ating gawin ito. Dapat po nating gawin ito para hindi mabigo ang hamon sa atin ng ating mga kabataan para naman ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na progreso na pagbabago. Iyan po ang aking pangarap. Iyan po ang aking panalangin para sa ating minamahal na Pilipinas. Sa suporta po ninyo, sa tulong po ninyo, sa tuluyan ninyong walang sawang pagmamahal sa inyong kapwa Pilipino, sa wala ninyong sawang pagmamahal sa Pilipinas; ito pong mga pangarap na ito, ito pong mga layunin na ito, ay gagawin nating katotohanan. *crowd applauses* At pagka nagawa na nati iyon masasabi po natin na naibalik na natin sa bawat Pilipino, naipagmalaki po ulit ang kanilang pagka Pilipino. Sa tulong po ninyo, sa suporta po ninyo, ito ay gagawin po natin. Samahin ninyo ako sa isang kilusan na pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Maraming maraming salamat po! Magandang hapon po sa inyong lahat!

Back to Blog