Consultative Meeting with Visayas Coconut Farmers at Tagbilaran City

Napaka with feelings yung kanyang pagpakilala sa akin, at ako’y nagpapasalamat sa kanya at nais kong batiin ang ating mga liderato ng ating Coconut Farmers Federation at nandiyan ang, nangunguna ang ating Chairman, si Ka Efren Villasenor. Of course nakilala niyo na, si Ka Charlie. Andiyan ang ating mga lider from Region 7 and 8. At sa inyong lahat, Maayong Buntad, sa ating mga kapawa Waray. At magandang umaga po, magandang tanghali na, magandang tanghali sa inyong lahat.

Kagaya ng nabanggit ni Ka Charlie na ito’y nagsimula dahil alam natin, parang nangyari, meron kasing planong malaki, meron kasing malaking plano ang ginawa ng aking ama, noong siya’y pangulo pa na pagandahin, i-develop ng mabuti ang coconut industry. Bakit? Dahil tayong nandito sa Pilipinas ang napaka suwerte na halos kung sabihin, perfect lahat ng conditions dito para magsaka ng niyog at kahit wala tayong ginagawa o kaya tayo’y, hindi kayo, hindi niyo inaalagaan ang ani, hindi niyo tinatanim, ay magkakaroon parin ng niyog. Dahil yun ay siguro, yan ang swerte natin. Yan ang binagay sa atin ng Diyos na isang advantage na wala yung mga ibang lugar. At sa palagay ko, ito’y nakita ng aking ama at sinabing ito’y malaking pag-asa para makatulong sa ating bansa para makatulong sa Pilipinas at para makapag bigay trabaho at hanap-buhay sa ating mga Pilipino. At kaya naman noong siya ay Pangulo, ginawan niya ng systema ang industriya ng… ay ginawa na niyang sistema para hindi lang… hindi lang matulungan ang ating mga coconut farmers, kundi rin na ma-i-develop ang coconout industry. Kaya’t nagkaroon ng Coconout Levy Fund. At yang Coconut Levy Fund na iyan ay dahan-dahan pinalaki, dahan-dahan inipon, para magamit sa pagtulong at pagsuporta sa ating mga magsasaka at para din mapalakihin at pagandahin ang industriya ng coconut, na ang coconut industry. Yan ang kanyang plano noong nakaraan.
Ngunit, noong nagbago ang pamahalaan nung 1986 ay hindi na natuloy, at sinasabi na itong Coconut Levy Fund daw ay hindi daw tama ang pag kakakolekta kaya’t dapat daw ibalik lahat sa gobyerno at ang gobyerno ang gagamit. Kaya’t sa nakaraang tatlumpung taon, umpisa sa 1986, parang pinag-aagawan, dahil palaki na ng palaki ang Levy Fund, at hanggang ngayon pinag-aagawan at sinasabing sino ba talaga ang may may-ari nito. Saan ba talaga dapat gagamitin ito?

Siyempre, kapag ganyan na kalaki ang isang pondo, bilyon bilyong piso, labis sa isang daang bilyong piso, at ating pinagsama-sama, halos 200 billion pesos ang halaga ng Coconut Levy Fund. Pag pinagsama mo, hindi lamang yung gas, kung hindi pati na yung ibang asset, lambanog na hawak na kasama sa Coconut Levy Fund, e pagka ganoong kalaki, ay siyempre pagiinteresan. Kaya naman lahat ay gustong agawin yang Coconut Levy Fund. Kaya’t sa tatlumput taon, ay walang nangyari kung hindi kaso. Walang nangyari kung hindi yung iba’t-ibang grupo nagsasabing “sa amin yan”, ibang grupo naman “sa amin yan”. So habang tumagal ng tumagal, na hindi malaman ng mga sunod-sunod na mga gobyerno, na sumsunod na mga Pangulo, hindi malaman kung anong gagawin dito Coconut Levy Fund. Ang ninanais lang nilang gawin, kunin yung pondo, gamitin nila sa kagustuhan nila. Kaya naman e mabuti nalang ang inyong mga lider dito, sa COCOFED, ay sila naman ay pinagtanggol ang karapatan ng ating mga coconut farmer at ipinagtanggol ang pag-aari ng coconut farmers sa Coconut Levy Fund. Kaya’t hindi lamang sa korte, kung hindi sa ganitong mga pag-meemeeting, sa pagkonsultasyon sa ating mga coconut farmers, ay dahan-dahan, nagkaroon ng liwanag. Pero tumagal ng tatlumpung taon.

Ngunit, nagkaraoon narin ng desisyon ang Supreme Court. Ang sabi nila, na ang Coconut Levy Fund ang may-ari ay ang gobyerno. Pero hindi simple na pag-aari, ang ibig sabihin, ang sasabihin ng gobyerno, “Ayan. Kami na may-ari, kukunin na namin yan. Gagamitin na namin.” Ngunit, pinaliwanag ng mabuti ng Supreme Court na ang Coconut Levy Fund ay, it is owned by the government, ngunit it is a Trust Ownership. Ano ang ibig sabihin ng Trust Ownership? Kapag sinabing Trust Ownership, ibig sabihin, ang gobyerno na ang may may-ari ngunit hindi magagamit yang pondo na iyan kung hind para sa coconut farmers, kung hindi para sa coconut industry. Kaya’t iyan ang ibig sabihin ng Trust Ownership. Ibig sabihin, sila lamang ang tiga bantay ng pondong iyan. Sila ang hahawak ng pondong iyan. Ngunit ang dapat maging beneficiary ng pondong iyan ay ang coconut industry, ang coconut farmers.

Maganda sana ang resulta dahil sinasabi, maliwang na maliwanag, sinasabi ng Supreme Court na itong pondong ito, kahit hawak ng gobyerno, hindi ang gobyerno ang magsasabi kung saan gagamitin. Ang magsasabi kung saan gagamitin yan ay dapat yung mga coconut farmers din. Edi maganda sana ang naging resulta.

Ngunit ang ginawa nila, ay kinuriputan nila yung Trust, yung bahagi noong salitang Trust. Sabi nila, “Ah owner kami. Edi amin na iyan.” At gusto nilang ilagay sa treasury. Ibig sabihin, na kukunin ang Coconut Levy Fund, dadalhin, ilalagay sa bank account ng gobyerno, e wala na iyon. Gagamitin na nila kung saan nila gusto. Hindi ibig sabihin, hindi kailangan mapunta sa coconut farmers, kahit saan nila gamitin, kung gusto nila gamitin sa eleksyon, gagamitin nila sa eleksyon. Kung gusto nila gamitin sa ibang bagay para bumili ng tren para sa MTR, iyon pwede nila gamitin iyon, ay hindi dahil sa aming pananaw, ay maliwanag na maliwanag na itong pondong ito ay para sa inyo. Para sa coconut farmers. Para sa coconut industry. Buti nalang, etong sinubukan nila na gawin at nanghingi ng issue ng mga executive order ang ating Pangulo na ilipat ang Coconut Levy Fund kung saan nanggagaling at ilalagay sa General Fund ng gobyerno. Ang General Fund ibig sabihin, lahat pinag sama-sama na lahat ng pera na nang galing sa iba’t-ibang mga lugar at itong pondo ang gagamitin ng gobyerno para sa kanilang patakbo para sa kanilang budget.

Sabi namin, kung ganoon ang mangyayari, mawawaldas lang yan. Hindi mapupunta sa tamang lugar. Hindi makakatulong sa mga talagang kailangan at kung sino man na talagang may may-ari ng pondong yan. Ay yung pondo naman na iyan ay Levy nga iyan e. Dahil kinolekta sa inyo iyan noong tumatakbo ng mabuti yung coconut industry at ito nga ay para sa development.

Ngayon, again, kailangan nating pasalamatan ang inyong leaders more often dahil sila ang naglaban ulit sa Supreme Court. Ipinakita ang gustong gawin ng pamahalaan. Ang gusto nilang gawin ay iyon na nga, kukunin nilang lahat, kung saan-saan nila gagamitin. Ngunit, sumang ayon naman ang Supreme Court at nag-issue ng TRO-Temporary Restraining Order. Ibig sabihin, sinabi ng Supreme Court, “Teka! Ang gobyerno, hindi ninyo maaring gawin iyan. Hindi ninyo puwedeng ilipat ang Coconut Levy Fund sa Treasury ng gobyerno dahil hiwalay na pondo iyan.” At very, alam na alam natin, maliwanag na maliwanag, na itong pondo kung saan dapat gamitin iyan.

Kaya’t iyon ngayon ang naging sitwasyon. At noong nagkaroon na nga ng TRO hindi pa rin natigil. Meron ngayong batas sa Kongreso, nagsasabi na kailangan ilipat ulit. Ito ay hindi nila tinitigilan. At hindi kaya, hindi kaya sa executive order, kaya sinabi ng Supreme Court TRO muna, itigil niyo muna yung gagawin. Kaya nag sulong sila ng batas sa Kongreso na sinasabi itong Coconut Levy Fund ay dapat na ilipat sa Treasury, ginagawang batas. Kaya’t kitang-kita natin na talagang pinag iinteresan ng gobyerno, ng mga opisyal sa gobyerno ngayon, pinag iinteresan ang Coconut Levy Fund.

Ngunit, noong sa lahat ng mga pangyayaring ito, nag uusap-usap kami at sabi ko baka ito na ang pagkakataon na ituloy natin ang mga dapat na pinaplano noong panahon ng aking ama. Noong panahon na siya ay pangulo, natigil ang development ng coconut industry ng tatlumpu’t taon dahil nga pinag-aawayan ang pondong ito.

Ngayon, sabi namin, baka naman pagka naayos na natin lahat ito na ligal na gulo nangyayari dahil nga inaagaw nga yuung pondo ay siguro sabi namin, pag natapos na lahat iyan at maging maliwanag na sa lahat na ito ay para sa coconut industry, eka namin, baka ito na ang pag-asa na matuloy ang pag-develop ng coconut industry.

Bakit importante iyan? Alam naman ninyong lahat, dahil kayo ay magsasaka, alam naman ninyong lahat, dito sa administrasyon na ito, parang hindi talaga natulungan ang agrikultura. Alam naman natin na ang ating magsasaka ay hindi nasusuportahan. Hindi nabibigyan ng mga bagong irrigation. Hindi nabibigyan ng bagong, hindi nabibigyan ng pautang, hindi nabibigyan ng tulong sa, ng patubig, lahat ng ating kailangan ng mga farmer wala pa rin nakikita. Kaya’t marami tayong naririnig na sinasabi ng mga matataas na opisyal lalo na sa Department of Agriculture, na sinasabi, itong taon na ito tayo ay magiging self-sufficient sa palay, sa bigas. Sasabihin edi mabuti, pero after 1 month, after 2 months, mag aannounce sila na hindi pala, mag-iimport tayo ng palay at mas malaki sa inimport natin sa nakaraan dahil wala namang tulong ibinibigay sa mga magsasaka kaya pahirap ng pahirap ang ating agrikultura.

Papaano ngayon natin gagawin para maging maganda muli ang sektor ng agrikultura, dahil importanteng importante sa ekonomiya ng Pilipinas na matibay ang agricultural sector. Iyan ang pundasyon ng ating ekonomiya. Papaano nga natin pagagandahin ulit ito? Ngayon, alam naman natin yung mga puno ng gobyerno ay, mga pinuno ng gobyerno ay kailangan para magkaroon muli ng mas magandang sitwasyon sa agrikultura sa ngayon. Ngunit lagi natin naririnig na lahat ng pinag-uusapan ay palay, ang pinag-uusapan lamang ay mais. Ngunit sa aking panananaw, dahil sa nangyari tatlumpung tao, mula noong pinag-aawayan na itong forum na ito, maraming development and nangyari sa ibang bansa. Usong-uso ngayon ang niyog. Usong-uso ngayon ang produkto na galing sa niyog. At tayo naman ay nasa Pilipinas, ito ay malaking pag-asa para maging lider sa agricultural sector para pagandahin ulit. Napakalaki ng markado hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi sa labas. Kagaya ng nabanggit ni Ka Charlie, siguro masasabi natin lahat ng tao sa buong mundo kahit papaano araw-araw ay gumagamit ng kahit na anong kahit papaano ay may nagagamit na produkto na galing sa niyog.

Kaya’t napakalaki ng pag-asa nitong industriya na ito. Kaya’t ito ngayon ay aming sinisikap. Ito ang aming gustong gawin. Ito ang aming pangarap na maayos na ang problema sa Coconut Levy Fund at magamit ang Coconut Levy Fund sa tama. Dahil mayroon tayong naririnig sa ibang opisyal sa pamahalaan na sinasabi “Alam namin saan gamitin iyan.” Mayroon silang ginawa na tinatawag na road map. Na road map kung saan gagamitin Ang Coconut Levy Fund. Pero nakakapag taka mayroon silang road map para sa industriya ninyo, hindi naman nakikipag-konsultasyon sa inyo. At iyong road map naman nila ay hindi talaga tinutukoy ang mga problema, ang mga pangangailangan ng ating mga coconut farmers. I don’t know kung nakapag briefing na po. I don’t know kung ano iyong tungkol sa ating sariling road map, kung gagamitin nila sa atin tree planting, sa insurance, para sa ating mga farmers. Para pagtulong sa ating mga farmers. Lahat yan, kung bakit pa natin kailangan makinig, bakit sila pa ang gagawa ay hindi naman sila ang coconut farmer. Hindi ba dapat ang mga coconut farmer ang kinokonsulta. Kaya’t iyan ang aming ginagawa ngayon. Pumupunta, umiikot, at nakikipag-usap kaya’t itong meeting natin ngayon ang tawag ay “Coconut Farmers Consultation”. Dahil kinokonsulta namin lahat ng coconut farmer kung ano sa palagay nila ang tamang gagawin dito sa pondong ito. Sa palagay ko malaki ang pag-asa na ang industriya at para sa mga magsasaka natin. Palagay ko kung talagang magawa natin na talagang magbibigay ng tunay na tulong ng para sa coconut farmers, ay itong industriyang ito ang mag aahon ng ating agricultural sector at sa ganoong paraan ay aahon sa ating ekonomiya.

Kaya naman, malaki ang potensyal ng coconut industry. Kaya naman kami sinasabi namin ay talaga naman palagay ko pagka nagawa natin itong trabaho na ito ay marami kaming matutulungan at hindi lamang ang bawat isang magsasaka at kanilang pamilya kung hindi narin ang Pilipinas. Dahil malaki ang magiging tulong sa ekonomiya ng Pilipinas. Dahan-dahan natin makikita ang magiging effect ng coconut industry. Ngunit kailangan natin gawin ang tama. Kailangan natin tiyakin na ang pag-manage ng kalaki-laking pondo na iyan ay ang patakbo at kung saan gagamitin, ang mga desisyun kung saan gagamitin ang pondong iyan ay dapat manggaling sa ating coconut farmers, ang inyong farmer leaders, lahat ng tunay na nakakaalam sa sitwasyon at sa kondisyon ng ating coconut farmers.

Kaya’t iyan ang aming ginagawa ngayon. At noong nag-uusap kami, ay sabi ko sayang naman kung walang tao sa loob ng gobyerno na ipaglaban ang karapatan ng ating coconut farmers at ipaglaban ang pagdevelop ng coconut industry. Kaya naman ay sinasabi ko na ako’y nagprisinta, na sinasabi ko sa inyong lahat, kung kayo ay papayag, kung kayo ay sasang-ayon, ako na ang magsasalita. Ako na ang magpapaalam sa ating mga, ako na ang magtuturo sa ating mga kasamang ibang opisyal, kung ano ba talaga ang plano. Kung ano ba talaga ang pangangailangan. Kung ano ba ang tama. Lahat ito ay aking sinasabi dala ng lahat ng ating konsultasyon, hinihingi ko na kayo ay suportahan ninyo ako at ako naman, kagaya nga ng sabi ko, ipaglalaban ko sa gobyerno at ipapaliwanag ko ng mabuti at kahit papaano kung kailangan makipag-away, makikipag away na rin ako para matiyak na hindi naman mawaldas yung pinaghirapan ninyo. Pero ninyo ninyo iyan. Kayo naman ang, kung hindi sa trabaho ninyo, kung hindi sa pagsasaka ninyo, ay walang Coconut Levy Fund. At ngayon nga na mabigyan na tayo ng kaunting linaw ng Supreme Court asahan ninyo na ako ay gagawin kong issue ito sa lahat ng maaring paraan. Sa lahat ng paraan. Gagawin nating issue ito at pagka susubok nanaman sila na agawin itong pondong ito ay ipagtatanggol natin. Kasama kayo, kasama yung ating liderato ng COCOFED, lahat ng ating mga kasamahan ay magkaka-isa para tiyakin na hindi mangyari itong pag-agaw diyan sap era ng Coconut Levy Fund para sa inyo. Kaya’t asahan po ninyo na ako’y nandito, na ako’y nandito at pagbalik sa Maynila ay tuloy-tuloy, gagawin ko iyang adbokasiya ng isang senador na ang coconut industry ay sa wakas magiging mas malawak, magiging mas maganda, magiging mas productive, at maraming matutulungan.

Nakita ko din iyong report na binabanggit ni Charlie na sinasabi nilang sinasabi na ang coconut farmers daw mismo, ang organisasyon ng coconut farmers mismo ang nagtitigil sa pag gamit ng Coconut Levy Fund. Paano naman nangyari iyon? Kayo nakakaalam kung saan gagamitin. Parang sinasabi ko, parang sinasabi sa akin, iyong pera ko, sinabi ng Supreme Court pera ko iyan. Ngayon sinasabi ko, huwag ninyong gagamitin iyong perang iyan para bumili ng laruan? Kailangan gamitin iyan para bumili ng pagkain. Sasabihin sa akin “Hindi. Kayo ang pumipigil”. “Hindi naman. Akin iyan, pera ko iyan. Bakit kayo ang magsasabi sa akin? Papaano niyo sasabihin na pinipigil namin.” In other words, ang totoo diyan, iyan nanaman, gusto nanaman nilang agawin. Huwag nating pababayaan iyan. Hindi natin pababayaan iyan. At pagtatanggol namin kayong lahat diyan.

Kaya mahirap kasi yung itong gobyernong ito marami silang ginagawa na hindi natin masyadong maunawaan kagaya ng mga lump sum na nakita natin. Ang laki-laki ng nakalagay na lump sum, ibig sabihin pag lump sum, ang sasabihin may pondo ito isang daang milyon lump sum. Hindi sinasabi kung saan gagamitin. Hindi sinasabi kung saan nanggaling. Hindi nagsabi kung sino may-ari. Hindi sinasabi kung papaano ang pag gamit ng pondong iyan. Bakit naman iba pang tao ang magsasabi sa inyo kung ano ang inyong pangangailangan. Bakit naman ang ibang tao pa na wala naman sa industriya ang magsasabi sa inyo kung saan dapat gamitin.

Kaya’t ang aming layunin, pagka natapos ang ating trabaho na ito, ang aming layunin ay magkaroon ng organisasyon na kung saan nakaupo na kasama ang ating mga representative na farmer leaders sa buong bansa. Na sila ay may boses doon sa organisasyon na iyon, at iyong organisasyon na iyon ang siyang mag dedesisyun kung papaano gagamitin ang pondong iyan. Ngayon kailangan muna naming tapusin itong mga ligal na problema ngunit ngayon pa lang ay nag paplano na kami at pinag-uusapan namin kung ano ba talaga ang pinaka maganda. Dahil nandiyan ang batas, na sinasabing dito gagamitin. Ang sabi ko baka gusto ninyong dagdagan at mabigyan niyo ako ng kaunting mga input na nanggaling sa inyo kung ano ba talaga ang dapat na organisasyon. Noong una iniisip namin foundation, kung hindi iyong GOCC o Government Owned and Controlled Corporation. Lahat sa ngayon ay pinag-aaralan namin. Ngunit darating din tayo sa desisyon. Darating ang araw na alam na natin kung ano ang dapat nating gawin. Iyan ang gagawin natin at ang susundan natin ay yung road map. Hindi ang road map na nanggagaling kani-kanino na hindi naman nauunawaan ang coconut industry, na hindi naman nagtrabaho sa coconut industry, hindi naman kumayod sa coconut industry, kung hindi dapat ang pakinggan ay kayo na nandiyan na may pangangailangan ng tatlumpung taon na nag-aantay ng tatlumpung taon na pinatulog ang industriya. Siguro panahon na na gisingin natin ulit. Gisingin natin ang industriya. Gisingin ulit natin ang plano. Ang original na plano na itong industriya ay mangunguna sa pag paganda ng agrikultura ng Pilipinas at ito ngayon ay sa palagay ko ang pinaka malaking pag-asa para sa ating agrikultura. Para sa ating ekonomiya. At iyan ang potensyal nitong industriyang ito kaya’t kahit papaano iyang trabaho ninyo, iyong pagtiyatiyaga ninyo, iyong pagsasaka ninyo ay sana naman, pagka’t pagdating ng panahon ay mabibigyan naman kayo ng pagkikilala at mabibigyan kayo ng tulong at dahil naman sa trabaho ninyo sa ilang taon na hindi nakita. Walang masyadong nabigay sa inyo, walang masyadong naibalik sa inyo, ngayon babaguhin natin iyang sistemang iyan sa tulong ninyo, sa suporta ninyo, sa ating tuloy-tuloy na pagpupulong at pagkonsultasyon sa palagay ko ito na ang panahon , siguro palagay ko ito na ang panahon na aahon ulit ang coconut industry at kikilalanin sa buong Pilipinas ang coconut industry ang bumubuhay ng agrikultura ng Pilipinas. Mabuhay kayong lahat! Magandang tanghali sa inyong lahat.

Back to Blog