Consultaion with the Barangay Chairmen of Tuguegarao

Brgy. Captain: Magandang umaga po Senator! Actually, dalawa po ang katanungan ko ngayon. Ang una po, nasabi po ninyo na kayo ang Chairman ng Local Government sa Senado. Ang unang tanong ko po, may nabanggit po kayo kanina na tunggkol doon sa retirement ng mga elected official lalong-lalo na sa barangay, down to kagawad and anything hanggang sa baba. Sa pagkaka-alam po ninyo, last term kona po, as Barangay Captain, it’s my third term. Gaano ho kayo effective? Ako ho sir, kayo ho hanggang 2016 na senador.

Sen. Bongbong: Pipilitin namin matapos, malapit nanaman, kasi tapos na sa Senado, hinahantay nalang namin yung counter part bill sa House na medyo na distract kasi kaming lahat, napunta lahat ng oras namin dito sa BBL, dahil pinipilit ngang maipasa kaagad. Kaya’t palagay ko, kakayanin. Kakayanin dahil eleksyon na, ibigsabihin pwede natin konti paki usapan, syempre importante sabihin ko sa, na importante na tulungan niyo kami rito, para mapasa na kaagad, hindi naman pwedeng hindi-an ng kahit sinong congressman ‘yan dahil sasabihin bakit ayaw niyo sa barangay, ayaw ninyong tulungan ang mga barangay. So, politically nasa advantageous sa oras at talagang target namin is applicable na by the end of this term. ‘Yun ang gusto naming matapos, at gagawin parin namin ang lahat kasi walang tigil naman, malapit nang magkaroon ng resolution itong mga batas na nasa harap namin, na minamadali nga, at inuuna, pina-prioritize at basta’t gagawin parin namin ang lahat para maabot namin yung original na target. The by the time na mag, na may mag retire after this term, na applicable na ‘yon. So, kailangan mapasok na sa sususnod na budget. Na yung 1% of the 60% ay makuha na namin. Makuha na natin para sa pondong ‘yan.

Brgy. Captain: Maraming salamat po senador. Sana ma cover-up ako. Ang pangalawang question ko po, ang honoraria po kasi ng Kapinates ay base lang po sa IRA namin. Ano kaya, kasi ang iba, ang ibang barangay yung sweldo po, yung honoraria po ng tanod nila, kaparehas lang po namin. Eh nag ba-base po kami sa laki ng IRA. Ano kaya ako senador kung ipa standard niyo po, standardize napo natin ‘yung mga honoraria po ng mga kapitanes na kagaya ko.

Sen. Bongbong: Ang logic kasi dyan, ay halimbawa, ikaw kapitan ilan ang population mo sa barangay mo? Yung botante nalang.

Brgy Captain: Yung voting population po? One thousand (1000) mahigit po, 1,200 mahigit.

Sen. Bongbong: Ang problema kasi, hindi standard ang barangay, eh. Mayroong mga barangay 25,000 ang population, meron ding… kami mayroon kaming barangay sa Ilocos Norte isa lang ang barangay sa bayan naman. So naglalaban sila, yung mayor pati yung barangay captain, pareho lang ang botante nila. Kaya ganyan kalalaki ang… sa palagay ko, kasi honorari calculate ‘yon sa available funds, hindi sweldo. Sweldo standard ‘yan eh. Kasi ho, because you are supposed to be elected officials, dapat nga kinukuha ang honoraria ninyo sa IRA ninyo. Ang aming tinitignan is yung mga calculation ng IRA. Bakit natin siguro, sa ngayon ang calculation ng IRA, land area, income population. So ‘yun ang tinitignan namin, ang income at population tama naman, ‘yung lang area medyo napag tatalunan dahil, bakit naman yung sa land area. Pero ang sagot naman dyan ay kung malaki ang land area, malayo nag pupuntahan ng barangay officials para dalhin ang serbisyo ng gobyerno. So ‘yun ang pinag aaralan namin sa Local Government Code. But, tinitignan ang logic kasi dyan is that yung sine-serbisan mo na tao. Parang ganon ang logic dyan, pero parang ganon, pero dapat may standard tayo dyan, para atleast may minimum, para hindi naman mashadong lugi yung mga malilitiin na barangay.

Brgy. Captain: Kaya nga po, kasi wala pa sa minimum wage yung honoraria.

Sen. Bongbong: Paano yung calculation sa inyo? Wala? Malayo?

Brgy. Captain: Wala po, malayo. Ang sample ko po, sa Ugac Sur at sa barangay ko. Yung tanod po ng Barangay Ugac Sur, mas palaki pa ata ang sinasahod kaysa sa akin.

Brgy. Captain: Anong honoraria mo Kapitan?

Brgy. Captain: Three Thousand. (3,000)

Brgy. Captain: Magkano ang tanod mo Kapitan (Ugac Sur)?

Brgy. Captain: (Ugac Sur) Three thousand five hundred. (3,300)

Brgy. Captain: Ganoon lang ‘yun, biro mo ang layo. Akin 3,000 ang tanod nila 3,300. Ang layo ng diperensya, kaya baka po may magawa po tayo doon senador. Salamat po.

Sen. Bongbong: Thank you chairman. Tignan nga natin. Sa standardize kailangan adjustable doon sa laki. Kasi kagaya sa Quezon City, mayroon nga, tatlo… yung pinaka malaking barangay doon ngayon is 35,000, so yung pinaka maliit baka 600. So mahirap e standard kasi maraming range. But anyway valid naman ang iyong sinasabi, titignan natin if there is a way kung may minimum man lang.

Brgy. Captain: Yes, salamat po. Senator, mayroon po talaga kaming concern sa IRA. Tuguegarao nalang po, there are four cities in Region 2, Santiago, Ilagan, Kawayan and Tuguegarao. Last year po,ang IRA po ng Santiago, gaya po ng sabi ko sa inyo ay almost eight hundred million (800,000,000), and then Kawayan almost the same, ano na, Ilagan is almost the same with Santiago, Kawayan was three hundred eighty-eight million (388,000,000), ang Tuguegarao po is almost three hundred fifteen million (315,000,000) kasi nabawasan tayo ng nine million (9,000,000) sa IRA, so mas malaki po ang Tabuc na napaka laking diperensya sa populasyon. So, kagaya ho ng sinasabi ninyo, nadahil malaki ang area. Itong center po ng Region 2, this is the center of governance ng Region. Dito po lahat ang mga Regional Centers. Andito po lahat yung educational centers, andito lahat yung mga estudyante. Yet, kami po yung pinaka maliit na IRA. Ang budget po namin ngayon is almost 600 million, more than, a little more than 600 million. Ang Ilagan ang budget nila is more than 1 Billion na. So ‘yun po, ang population po namin, yes ang pinaka marami Ilagan, pero maliit lang ang diperensya namin nito. Pero day time population po namin, amin po ang pinaka marami. Much much more than the other cities. Yun po ang medyo hindi balance, kaya medyo tamang tama pong pag aaraln niyo ulit kung paano ang distribution ng IRA. Yun sana talaga ang ipahiwatig namin sayo na, medyo hindi tama po yung distribution po ng IRA.

Sen. Bongbong: Kaya tayo, lalo na sa tungkol sa cities tungkol sa… tinitignan muna namin kung gano ka importante talaga yung land area. Dapat hindi siguro, dapat kasi population, maliwanag na talagang mas maraming kailangan tulungan. Yung income, kung mas mababa ang income ay kailangan din natin mabigyan ng tulong. Kayat ang pina plano kapag natuloy yung pagka calculate ng IRA at isama na ang lahat ng buong collection ng gobyerno isama na natin, ay bibigyan natin, pupunta tayo dun sa mga lower classification ng LGU, lower classification ng municipality, ng city, at tsaka province. Doon mapupunta yung pondong ‘yun para matulungan lalo na sa presyo ng doon sa… to support the cost of the… lalong lalo na sa agriculture, hindi mashadong problema ‘yan , pero sa health medyo mabigat, medyo mabigat sa IRA. Pero kung maganda naman ang inyong performance. Ano 380?

Brgy. Captain: 321.

Sen. Bongbong: 321 ang IRA mo, magiging 600 plus ang budget mo, ibigsabihin, ang laki ng collection ninyo. So yung doing well in that regard. Siguro yung investment plans ayusin nalnag para sa negosyo.

Brgy. Captain: Yes sir. Wala pang malalaki, wala pang establishments. Pumasok na ang SM, pumasook na ang… But I was able to talk to the president… kasi kakilalako naman sila sinabi nila, “Mayor, pasok kami sa lugay mo.”

Sen. Bongbong: Oo, kasi lahat ‘yan, yung Puregold, SM , Robinson. Lahat ‘yan, meron silang budget na malaki para mag bukas ng bago. Dahil ‘yan ang buhay nila, basta naman Makita mong mag customer, bukas ng bukas ang mga ‘yan eh, dahil kailangan nilang ipag patuloy yung market share, hinahabol nila yung market share. So wag mo silang titigilan, puntahan mo lang sila ng puntan, natulungan ba kita?

Brgy. Captain: Opo, salamat po sa inyo senator.

Sen. Bongbong: Ay kilala mo naman silang lahat, so pwede naming sabihin na, “I can help you with that.” That’s probably the best way, hanggat mapalitan na namin ang calculation sa IRA. At maging, kasi 1/3 ngayon ang weighting eh, baka bawasan natin yung sa land area. Dahil lalo na sa city, ang land area ay importante sa municipality at sa barangay lalo. So I guess… to study.

Brgy. Captain: Senator, how can I address you? The next president of the Republic of the Philippines. I don’t know how we’ll gonna call you, senator, vice president, or president. We’re following your facebook, and you are tandem with Mayor Duterte of Davao City.

Sen. Bongbong: Hindi galling sa facebook ‘yun. An gating mga kaibigan eh ang suggestion ay ganon nga ang magiging mangyaring tandem. Pero hindi pa nga maliwanag, eh kasi kahit si Mayor Duterte sinasabi na hindi pa siya nakakapag decide, eh hindi naman daw siya tatakbo. Kaya’t ako naman, ang pag tinatanong sa akin kung anong plano ko sa 2016, mahirap pang mag sabi dahil nagka bolahan. Less than one year ago ang approval rating ng pangulo ay napaka taas, ang approval rating ng pangalawang pangulo ay napaka taas din, kaya maliwanag. Maliwanag ang sitwasyon non diba, kung sino ang pipiliin ng administrasyo, ‘yun ang lalabanan ni Binay, mukang sa alam natin, si Mar Roxas at Binay ang labanan. So maliwanag na maliwanag na nag bago ngayon lahat. Dahil sa mga pangyayari, bumagsak ang approval rating ng pangulo, bumagsak din ang approval rating ni vice-president. Lalo ngayon after this survey. At maaraming lumalabas na bagong pangalan kasama na tayo doon, at hindi maliwanag ang alliances yun ang importante. Dahil lalo na sa National Level. Kapag tatakbo kang national candidate hindi maaaring independent, kasi kung mag independent ka, walang lider sa ibang lugar, walang mag kakampanya, walang mag ta-trabaho para sayo. So importanteng malaman muna kung sinong mga kaalyado. At kung anong gagawin, itong kandidato ba, itong mga pangalan na ito ay talagang tutuloy. Ang kandidato bang ganito ay tutuloy, sino ang kasama, kung kaninong partido siya papanig, etc. etc. kaya’t nakakaiba ang eleksyon na ito, eh. Dahil usually by now, alam na natin, eh. Maliwanag , kung titignan natin last 2010, 2010 nakita agad natin kung anong mangyayari. Ang problema ngayon, mabilis ang takbo ng pagbabago ng election. Pero thank you very much na may suporta ako sa inyo, sana’y hindi kayo mag sasawa… So asahan ninyo, siguro tayong lahat dito sa norte ang sasabihan ko kapag nakapag desisyon na… but I will be a national candidate, but which national candidate will I have to decide. Kaya sa ngayon mag handa lang, dahil kahit papaano national position parin, meron pa akong one term sa senado, so national position parin, kailangan parin mag organize. Sinisimulan namin ang pag organisa para naman kahit ano pa ang maging position na tatakbuhan ko ay handa ako, but you will be the first to know.

Brgy. Captain: You have mentioned a while ago a 6 billion possible retirement benefits for the barangay officials why don’t you make it 20 billion, why in Mindanao 90 billion. The taxes of Luzon and Visayas will be given to Mindanao…

Sen. Bongbong: Hindi ako anti-BBL, kapag sinasabi niyo ‘yan nagagalit tuloy sakin ang palasyo. Hindi ako anti BBL, may part na gusto ko lang pagandahin at klaruhin. Dahil meron kaming nakikitang problema talaga doon sa BBL. Pero kagaya ng nabanggit niyo chairman, kapitan ay talagang kailangan yung issue na ito ay kailangan nauunawaan ng lahat para malaman kung ano ba talaga ang epekto lalong lalo na dito sa Norte, kung anong epekto sa inyo ang mangyayari sa Muslim Mindanao. Dahil, kagaya ng sinasabi ko na block grant ay manggagaling sa inyo. Manggagaling sa LGU’s sa labas ng Bangsamoro, malaking pera ‘yan. That’s is equivalent to about 35-36 Billion. Kayat ang 35-36 Billion idagdag pa yung budget ng ARMM, lahat-lahat na, pinag sama-sama, eh 75 billion ang inyong ibinibigay sa ARMM. Pero, ang local governments nila, yug mga probinsya, yung mga bayan, nangongolekta parin ng IRA. So lamang na lamang na mashado ang Bangsamoro sa any other local government units, para sa amin hindi naman namin tinututulan ‘yon, at sinasabi kasi na naiwan nga naman ang Muslim Mindanao dahil for many reason, yun pong leadership, may giyera, lahat ng dahilan, maraming dahilan. So kailangan talaga natin e recognize na meron talaga silang pangangailangan na dapat din bigyan ng solusyon. At kaya din naman sinasabi na kailangan ng pondo ay for accelerated development. So na recognize naman namin ‘yun, pero ang hindi maliwanag ay kung saan gagamitin yung napaka laking pondong iyon, ay hindi naman maliwanag,”kasi naman si LGU, ang alam natin, magbigay ng IRA, mag collect ng local taxes” at pag ginawa ang budget may mga mandated ‘yan na kailangan e appropriate. Meron yung development fund, meron yung mga calamity fund, lahat ‘yan kailangan lagyan ng pondo ‘yan. Pero dito sa Bangsamoro, hindi pa maliwanag. Kaya’t ‘yan ang gagawin namin, liliwanagin namin para alam natin na meron talagang ganong klaseng , meron talagang ganong klaseng pag babayad, meron ganong klaseng ilalagay para sa lahat ng mga taga roon. At makikita naman natin na yung kalaki-laking pondo ay napupunta naman sa tama.

Back to Blog