Christmas wish ni Bongbong: Pagkain sa mesa at kumpletong pamilya sa noche buena

Read the English version.

Pagkain sa mesa at kumpletong pamilya pagpatak nang bisperas ng Pasko ang hiling ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

“Nothing is more joyful for every Filipino family than to be complete and eating together during the Noche Buena. This is what a fulfilling Christmas is and this is my wish for all of us,” pahayag ni Marcos.

Kasabay nito, hinikayat ni Marcos ang gobyerno at ang business sector na tumulong upang matupad sa bawat tahanan ngayong Pasko ang tradisyon ng Noche Buena sa pamamagitan ng pagpapanatili ng abot-kayang presyo ng mga karaniwang ihinahandang pagkain.

Nanawagan din ito sa Department of Transportation and Communications na siguruhing walang aberya ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) upang ang mga pasahero nito ay makauwi nang maaga at makapagsalu-salo ang buong pamilya sa Noche Buena.

“Pamasko na lang sana natin ito sa ating mga kababayan,” ayon kay Marcos.

Back to Blog