Buong Ilocos Region todo suporta sa VP bid ni Sen. Marcos

Pagkatapos makuha ang basbas ng kanyang kababayan sa Ilocos Norte, nangako naman ng todo suporta ang mga lider ng Ilocos Sur sa kandidatura para sa pagka bise presidente ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. matapos nitong pagkaisahin ang tinatawag na “Solid North.”

Mula sa kanyang proclamation rally sa kanyang probinsya sa Ilocos Norte, pumunta si Sen. Marcos sa Ilocos Sur kung saan sa pangunguna ni Ilocos Sur Gobernor Ryan Singson at ang kanyang tatay na si dating gobernador Luis “Chavit” Singson, business groups, people’s organizations, propesyunal at mga civic groups sa probinsya at mga karatig na probinsya ay nagtipun-tipon upang salubingin si Marcos sa Plaza Maestro Convention Center sa Vigan City.

“His running for the vice presidency provides us new hope for the Ilocandia. Drawing inspiration from the past, I am confident that he would bring us further into a better future. Let us turn this into reality,” sabi ni Gob. Singson.

“Let us prove once more that we have a strong camaraderie by supporting our fellow Ilocano, Senator Bongbong Marcos, and that the Solid North will always remain a solid force in the country,” dagdag pa niya.

Sinabi ni dating Gobernador Chavit Singson na oras na upang isa muling Ilokano ang mahalal sa isa sa pinakamataas posisyon ng bansa. Binanggit nito na sa mga nakaraang ilang dekada, nakita ng bansa ang mga pagbabago sa administrasyon ngunit wala sa kanila ang galing Norte.

Para sa panig niya, nagpasalamat si Sen. Marcos sa mga Singson at mga tao sa Ilocos Sur sa pagpapakita na ang Solid North ay isa pa ring makapangyarihang pwersang politikal. Sinabi nya na ang Solid North ang pwedeng pag-umpisahan ng pagkakaisa ng buong bansa para sa isang progresibong bukas para sa bansa.

Inulit din ni Marcos ang kanyang paniniwala na ang maraming problema ng bansa ay dahil sa polisiya ng pagkawatak-watak ng mga huli at kasalukuyang administrasyon.

“Pero may mga lugar pa rin na tuloy ang pagkakaisa, at maipagmamalaki natin yan ay dito sa Norte kaya’t totoong-totoo ang tinatawag nating Solid North. Kaya’t dito natin simulan ang kilusan para ipagsama at ipagkaisa ulit ang sambayanang Pilipino,” sabi ni Marcos.

Dinagdag pa nya na ang pagkamit ang national unity ang susi sa mas magandang kinabukasan sa bansa.

“This is the challenge of the future to us who claim to be the leaders of the country. This is the challenge not only of the future, this is the challenge of our children for us to leave them a better place, for us to show them the way, or us to provide the leadership, to provide the vision so that we know which way we are going and that we are going that way together,” diniin ni Marcos.

Samantala, bumisita din si Marcos sa mga lider ng barangay ng 6th district ng Manila na dumalo sa isang Lakbay Aral seminar sa Vigan Convention Center kahapon.

Ibinalita niya sa mga ito na bilang chairman ng Senate Committee on Local Government, marami siyang mga hakbang upang matulungan ang mga lokal na pamahalaan, kasama na dito ang kanyang pinangunahang Barangay Retirement Benefits bill na inaprubahan na ng Kongreso.

Sinabi nya na dapat ay palaging makinig ang gobyerno pang national sa mga problema at hinaing ng mga pinuno ng barangay at mga lokal na pamahalaan dahil sa kanilang hindi matatawarang papel sa pagbibigay ng unang serbisyo sa mga tao.

“That is why it is important that in the coming elections you should choose leaders who really understand the concerns of LGUs,” sabi ni Marcos.

Back to Blog