Bulacan State University General Assembly of the Chamber of Young Business Leaders (CYBL)

Bongbong Marcos Bulacan State University Speechjpg

Thank you for your warm reception and for welcoming me here at BulSU. Special thanks are likewise due to the Chamber of Young Business Leaders (CYBL) and the College of Business Administration (CBA), for making me “singit” and for graciously accommodating my surprise appearance here at the General Assembly of the CYBL.

It is good and beneficial that we are having this University-wide student assembly, wherein we find at the center BulSU’s very own multi-awarded Chamber of Young Business Leaders (CYBL). This opportunity for CYBL to take centerstage here in the academe is highly necessary, considering first and foremost what lies in store for the whole Province of Bulacan in the next couple of years, and also the essential roles that will be played by aspiring Bulakeño business leaders and visionaries in this predicted period of transformation and development.

And I am greatly honored to be able to address the entire community of BulSU in order to drive this point home and deliver this message of hope, in my capacity as your elected Senator of the Republic, concerned as I am for the inclusive development of the entire country.

Alam naman po ninyo siguro, mula sa mga napapanood at naririnig ninyo sa balita, kung anong mga katakut-takot na problema ang kinakaharap ngayon ng mga taga-Metro Manila.

Pinakamatunog ngayon ay ang buhul-buhol na trapik, na nagdudulot ng pagbara ng mga lansangan. Samahan pa natin ng matinding pagbaha na dulot ng pagbabara ng mga drainage at estero dahil sa mga tuni-toneladang basura.

At meron pang isang klase ng pagbabara—at ito ‘yung PAGBABARA NG MGA ILONG AT MGA BAGA ng mga taga-Maynila dahil sa matinding polusyon na dulot ng mahigit 2.5 milyon na mga sasakyan na nasa lansangan ng Metro Manila!

Lahat ng ito ay ang mga epekto ng tinatawag na “urban congestion”, o ang paninikip na dulot ng malawakang urbanisasyon ng Metro Manila.

TRAFFIC & FLOODING

Next week, Metro Manila and Bulacan will commemorate the 6th anniversary of our “Ondoy” experience. Kung maaalala ninyo, napakatindi ng naging karanasan natin sa Ondoy, na nagdulot ng trahedya hindi lamang sa Metro Manila, kundi pati na rin sa lalawigan ng Bulacan.

But now let us ask: since 2009, six years after Ondoy, how much have our flood control and drainage systems and other related infrastructure improved? Based on what we are actually experiencing in the past few weeks, it seems that Metro Manila still remains prone and predisposed to Ondoy-like occurrences. Parang walang pagbabago. Mga thunderstorms pa lamang—hindi pa bagyo ang mga ‘yan, ha!—bumabaha na agad! At siyempre—kailangan pa bang i-memorize ‘yan?!—kasabay ng pagbaha, naririyan na naman ang problema ng matinding TRAPIK!

Paikot-ikot at paulit-ulit lang. Sabi nga sa isang sikat na teleserye: “walang ‘FOREVER’” Pero parang hindi yata totoo ang linyang ito, dahil parang may FOREVER naman talaga—

Forever na may baha; forever na may traffic! Baha pa-MORE! TRAFFIC pa-MORE!

Sagot ng MMDA: “Sobra naman kayo! Hindi naman siguro ‘FOREVER’! Mga 15 years lang naman!”

Ilang araw, linggo o buwan, o labinlimang taon man—ganun pa rin ang resulta! Katumbas pa rin nito ang habambuhay na paghihirap ng taumbayan!

Walang sinasanto ang baha at trapik sa Metro Manila. Mahirap at mayaman; estudyante, empleyado, businessman o politiko: walang ligtas dito! Nakatira ka nga sa mataas na gusali o condo, pero ang problema, paano ka pupunta doon? Hindi ka naman puwedeng lumipad! At ayaw mo rin namang lumangoy! Ang iba nga ngayon, gumagamit na ng private helicopter para maka-iwas sa mga problemang ito na halos ARAW-ARAW na dinaranas at binubuno ng isang residente ng Metro Manila!

Sa sobrang tindi ng ganitong klaseng trapik sa Metro Manila, nabinyagan na ito at nabigyan ng sariling pangalan: “CAR-MAGGEDON”. O, ‘di ba, ang galing! Kinumpara pa sa “end of the world”!

Wow, katapusan ng mundo! Grabe! Rock and roll to the world!

Ang isa pang nakakatuwa rito, katunog din niya ang salitang “KARMA”! Para bagang ito ay bunga ng lahat ng ating naging pagkukulang, pagkakamali at kapabayaan bilang isang lipunan!

Pero siyempre, tayo rin—ang buong bayan—ang kawawa. Ayon sa mga pag-aaral, mahigit dalawang bilyong piso (P2 billion) kada-araw ang nawawala at nasasayang dahil sa matinding trapik sa Metro Manila!

At ano ang dahilan ng lahat ng ito?! Kumbaga sa ulam, napakaraming mga rekado: mahigit 20 milyong katao; 2.5 milyong sasakyan; kulang, makikitid at sira-sirang mga daan; “climate change” at mas malakas na buhos ng ulan; hindi magandang drainage; tuni-toneladang basura; at higit sa lahat, ang KAKULANGAN NG DISIPLINA!

MRT & LRT

At hindi lamang ‘yan! Meron pang isa na tila may “forever”… FOREVER na pila sa MRT!

Isa sa mga sinasabing sagot sa malalang trapik sa Kamaynilaan ay ang pagkakaroon ng sapat, maayos at mapagkakatiwalaang Mass Transit System, tulad ng ating MRT at LRT.

Oo nga, meron tayong MRT at LRT. Tatlong (3) linya pa nga. Pero kung ito man ay sapat, maayos at mapagkakatiwalaan ay ibang usapan na.

Tulad na lamang ng MRT sa kahabaan ng EDSA. Naku po! Puro problema! Kung hindi madalas na nasisiraan, ay nadidiskaril at nahuhulog sa daan. Kung hindi sira ang aircon, sira ang riles. Kulang ang mga tren, at matagal ang agwat ng pagdating ng mga tren. Pilit pang pinupuno nang sobra-sobra, hanggang sa hindi na magkasya at makasakay ang mga balisang pasahero na naghihintay sa mga sumusunod na istasyon.

Halimbawa, kapag ikaw ay naka-bus galing Bulacan papunta sa Edsa. Pagbaba mo sa MRT North Edsa station, ano ang mag-aabang sa’yo: isang halimaw na pila na dalawang-dipa ang lapad, at hanggang sa daan ang haba!

Tulakan pa-MORE! Balyahan pa-MORE! Kawawa ang mga bata, ang mga buntis, ang may mga kapansanan, mga senior citizens. Gusto mo ngang umiwas sa trapik sa daan, pero trapik naman sa pila ng tren ang kapalit.

Siguro kung may “car-maggedon”, dapat may ma-imbento na rin ang mga netizens na pangalan para sa katakut-takot na pila sa MRT! Ngayon, parang mas mahaba na yata ang pila sa MRT kaysa sa orihinal na LRT 1 sa Monumento.

Ano ang nangyari dito? Noon lang 1999 binuksan ito; 16 years old pa lang—halos ka-edad ninyo. Ibig sabihin, mas bata pa ito sa LRT 1 na nagbukas noong 1984 at 31 years old na. Pero parang baligtad yata!

Sana ay ayusin na itong MRT sa lalong madaling panahon, at panatilihing palaging maayos ang LRT 1 at LRT 2. Tatlo (3) na lamang na linya ito—kakaunti kumpara sa nasa walong (8) linya sa Singapore at sa nasa sampung (10) linya sa Hongkong. Padamihin pa sana natin ang mga linya, at sana naman ay huwag pabayaang mabulok. Sobrang laki kasi talaga ng pakinabang ng mga ito sa taumbayan.

“GREATER CAPITAL REGION” DEVELOPMENT

At ano raw ang solusyon sa lahat ng ito? Gumawa ng mga bagong daan? Mainam din naman, pero mapupuno rin daw ang mga ito sa loob ng ilang taon.

Experts say that the most effective major and long-term solution that is being proposed to address this gigantic traffic and urban congestion problem in Metro Manila is to—and everyone here will be glad to hear this—

DEVELOP THE PROVINCE OF BULACAN!

And not just Bulacan. Develop Pampanga, Cavite, and other adjacent centers around Metro Manila that have strong economic potential. The focus should no longer be developing what used to be National Capital Region or “NCR”, now we should shift the focus outward or the “GCR” or the “Greater Capital Region”.

Kung gagawin ito—ang tinaguriang “Dream Plan”—hindi na kailangan pang lumuwas at makipagsiksikan sa Maynila para maghanap ng magandang trabaho, dahil maganda ang ekonomiya at maganda ang buhay dito sa inyo mismong sariling bayan—tulad na lamang dito sa lungsod ng Malolos!

Major infrastructural developments are being laid down in order to pave the way for the development of the “GCR”. Sabi ng DOTC, target na buksan sa taong 2021 ang nahintong North Rail project, na magpapatakbo ng tren mula Divisoria sa Maynila hanggang Malolos, at Malolos hanggang Clark, Pampanga. At may dagdag pang plano na “Subway” na magkokonekta ng San Jose Del Monte, Bulacan sa Dasmariñas, Cavite!

INTERNET & SOCIAL MEDIA

Let us talk about the field of Information and Communications Technology (ICT). According to a study, Filipinos love using the internet and “social media”. We love it so much that we have been dubbed as the “Social media capital of the world”! 42% of us are active users of Facebook or FB. That’s more than 42 million Filipinos who are active on Facebook! 44% naman, o 44 million ang aktibong gumagamit ng internet. At sobrang babad din daw tayo kung gumamit, dahil tatlo hanggang anim na oras (3-6 hours) ang inilalaan natin dito—BAWAT ARAW!

And for good reason also. Maganda rin naman ang dulot nito. Sabi ng pag-aaral, hindi lang naman pakikipag-sosyalan at aliw ang silbi ng internet sa Pilipino. Alam na rin ng mga Pilipino na puwedeng gamitin ang internet para sila ay lalong matuto at gumaling sa buhay, at higit sa lahat, PARA KUMITA NG PERA! Hindi lang “tsismis” at mga kalokohan ang kumakalat dito, kundi mga mahahalagang balita at impormasyon, pati na rin mga patok na mga business ideas at employment opportunities!

Marami tayong mga naririnig ngayon na mga success stories ng mga work-from-home at “online businesses”, mga buy-and-sell websites na tulad ng “olx.ph”, “ikawna”, mismong Facebook, at iba pa. Pati ang buong industriya ng call centers at business process outsourcing (BPO) ay umaasa rin sa malakas na internet connection!

Ito na ang katotohanan ngayon. Wala sigurong kokontra mula sa inyo. Ngayon, malawakang ginagamit ang “jobstreet” at “jobsDB” sa paghahanap ng trabaho. Even “YouTube” has become an unlikely but essential virtual assistant and consultant in one’s own livelihood, as it contains thousands of educational, self-help and training videos, as well as practical and technical lessons and demonstrations. Halimbawa, mapapanood din sa YouTube kung paano magkumpuni ng latest na cellphones at gadgets!

Ibig sabihin, MAHALAGA sa buhay ng isang Pilipino ang internet. Sa katunayan, isa na itong pangangailangan. Siguro kayong lahat dito, masasabi ninyo na hindi lumilipas ang isang araw ng inyong buhay na hindi kayo gumagamit ng internet, nagpo-post sa FB, o nanonood ng latest episode ng “Yaya-Dub”!

Dahil sa kahalagahan ng internet sa buhay ng Pilipino, dala ng mga mahahalagang silbi nito, may panukala sa Senado na magbigay ng libreng Wi-Fi signal sa mga pampublikong lugar sa buong Pilipinas. Tatlong bilyong piso (P3 billion) ang nais na ilaang pondo para sa proyektong ito.

Siyempre, maganda ito. Pero ang akin lang, parang may kulang yata. Tama, kailangan natin ng free Wi-Fi signal. Pero ano ang kagandahan ng libreng Wi-Fi signal kung sobrang bagal naman nito? Ang Pilipinas ngayon ay ikalawa sa internet connection sa Asya! Ang problema ay hindi sa pabilisan ng internet, kundi sa PABAGALAN! At sa buong mundo naman, pang-176 sa 202 na bansa!

Pati ba naman sa internet, TRAPIK pa rin?!

Kung gusto nating palakasin ang ekonomiya ng bansa at mga karating na bayan ng Maynila, kailangang maganda at mabilis ang ating internet connection, para maka-akit ng mga businesses at investments! Government has to ensure that the present duopoly of Smart and Globe genuinely and ethically work together to bring better and faster communications and internet service and more competitive prices, especially to the poor and to the countryside, all in the name of public service—and not in the name of profits, by holding hostage the captive public through their unreasonable prices and business strategies!

Kanina binanggit ko na mahalaga ang DISIPLINA sa ating lipunan. Kapag may libre at malakas na internet connection, dapat natin itong gamitin sa magandang paraan, at hindi para abusuhin at magpunta lamang sa mga hindi-kaaya-ayang websites o para makapag-“Clash of Clans” lamang 24-hours-a-day, 7-days-a-week!

LOWER INCOME TAX RATES

Para naman sa mga empleyado, tulad ng ating magigiting na mga guro, at para rin sa inyo na mga mag-aaral na magiging “future members of the Philippine workforce”, mahalagang usapin din ang pagpapababa ng income tax rates. Masyado talagang mataas ang income tax rates natin dito sa ating bansa! Mas mataas pa nga tayo sa ating karatig na bansa sa ASEAN, tulad ng Singapore, Malaysia, Thailand at Vietnam! Pero gayumpaman, hindi naman natin masasabi na mas nakakaangat tayo sa Singapore!

Kaya gusto natin sa Senado ngayon na mapag-usapan ang pagpapababa ng income tax rates.
Gusto nating gumaan ang pasanin ng ating mga empleyado sa ating bansa, lalo na ang mga nasa “middle class”. Magandang mensahe ito sa ating mga mamamayan, na bugbog-sarado na sa mga problema, sa katiwalian, at sa mga kulang-kulang at hindi magandang serbisyo ng pamahalaan.

Hindi naman pwedeng puro TAX “pa-more” lamang. Ang mas mahalaga ay PUBLIC SERVICE “pa-more” na damang-dama ng taumbayan!

Suportado ito ng BUONG sambayan. Sana ay suportahan ito ng nasa Malacañang at ng mga nasa BIR. Dalangin ko na ito ay magbunga at maisabatas—tamang-tama para mapakinabangan ninyong lahat dito na mga estudyante ng BulSU, kapag kayo ay nakatapos na ng pag-aaral.

Now, considering all these, we need the young and emerging leaders of Bulacan to be in the lead during this period of change and transformation right here on the northern part of the “Greater Capital Region”. And precisely the CYBL can provide that pool of budding young Bulakeño talents in the field of business and entrepreneurship on this side of the country.

As a united institution, let us rally the CYBL to always inculcate and develop in its members the natural ability and infectious passion to shine, to excel and to succeed, driven by its history and tradition of organizational excellence, which has brought pride to this great institution of learning.

And then let us rally the Chamber and its members to spread this passion and these important qualities to the entire studentry and outside the walls of the University and towards the wider economy of Bulacan. Soon, you will all infiltrate (in a good way) the Bulacan economy, and contribute to the task of building a stronger economic foundation of Bulacan, in the form of pioneering, value-creating and job-generating entrepreneurial ideas, world-class productivity and hardwork, and the zeal and desire for excellence.

On the part of government, it should work to ensure that all your native talents, skills and hardwork are adequately matched with the needed infrastructure and legal framework in order to complement and amplify all your efforts to make your beloved homeland and the entire country a better place to live in, and to charter a better future for yourselves and your families.

Ang maganda sa lahat ng ito, makakatulong ang buong lalawigan ng Bulacan sa pagluwag ng Metro Manila at sa pagbawas ng “stress” na nararanasan ng mga taga-roon. In this sense, you play the role of the proverbial good neighbor or good Samaritan to Metro Manila, which has obviously fallen victim to its own success.

Ngunit hindi magkakatotoo ang lahat ng ito kung wala ang gobyerno. Mahalaga ang papel ng ating mga lingkod-bayan dito. Lahat ng ating napag-usapan ngayon ay nagsisilbi ring mga hamon para sa ating mga pinuno ng bayan, na muli na namang haharap sa inyo at hihingi, aasa at aani ng suporta mula sa sambayanan sa darating na taon.

On my part, you can count on my support. Before the entire Bulacan State University family, I pledge my continued commitment to be at the forefront of the initiatives for all the proffered solutions to bear fruit and create positive impact.

Makakaasa po kayo na ang inyong lingkod ay mananatili bilang inyong kinatawan at boses sa pamahalaan upang hanapan at bigyang-lunas ang mga problema at pagsubok ng ating lipunan. Ramdam ko pong lahat ang mga hinaing at mga panaghoy na ito ng ating taumbayan, para sa pagkakaroon ng mas magandang buhay.

Pero ‘ika nga sa sikat na sikat na show na “Yaya-Dub” ng Eat Bulaga: “LAHAT ng bagay pinaghihirapan; LAHAT ng bagay pinagsusumikapan, at LAHAT ng bagay… nasa TAMANG PANAHON!”

Kung kailan ang “tamang panahon” na ito… malalaman natin sa susunod na kabanata!

Let me end on that note, my dear students.

Hanggang sa ating pong muling pagkikita!

Sana po ay mag-ingat ang lahat upang maka-iwas sa anumang panganib at sakuna, lalo na ang ating mga mag-aaral na nasa pag-iingat ng Unibersidad, na siyang tumatayo bilang kanilang “pangalawang magulang”.

Mabuhay ang Bulacan State University!

Mabuhay ang Lungsod ng Malolos at ang buong Lalawigan ng Bulacan!

Maraming salamat po at magandang umagang muli sa inyong lahat!

Back to Blog