Brigada – Solon: VP Leni, talagang nanalo sa vice-presidential race

By MHEL PACIA | Brigada

Dismayado si Quezon City 6th Dist. Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte dahil sa kabiguan ng Supreme Court (SC) na desisyunan with finality ang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Belmonte, ang naturang isyu ay nakakadagdag lang sa disruption ng stability sa political system, kasabay ng pag-gigiit na si Robredo ang talagang nanalo sa vice-presidential election.

Giit ng mambabatas, ang electoral protest laban sa pangalawang pangulo ay dapat na ibasura na.

Binigyang diin pa nito na sa ruling ng Presidential Electoral Tribunal (PET) noong October 2019, nanatili si Robredo, at tumaas rin ang lead nito laban sa katunggali na si dating senator Ferdinand “Bongbong”

Marcos Jr., kasunod ng isinagawang recount ng mga boto mula sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental— ang mga lugar na sinasabi ni Marcos na siya ay dinaya.

Mababatid na inatasan ng SC na umuupo bilang PET ang Commission on Elections na magkomento kaugnay sa apela ni Marcos na ipawalang bisa ang election results sa Lanao del Sur, Basilan, at Maguindanao.

Back to Blog