Bongbong to Favila: Resign Now!

For failure to protect consumers

Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. has called on Secretary Peter Favila of the Department of Trade and Industry (DTI) to resign due to his failure to check widespread abuses committed by some merchants.

According to Marcos, ordinary consumers will continue not to get the protection they so desperately deserve so long as Favila stays with DTI.

Under Favila’s watch, Marcos said, the DTI has failed to protect the public against unjustified increases in the prices of basic commodities despite the existence of a price control law.

“The DTI might as well transfer their air-conditioned offices to public markets in Metro Manila so they may know how much the costs of basic commodities are right now,” Marcos stressed.

“Pork, fish, vegetables, cooking oil, sugar, coffee, milk, bread and rice are now costly. What the DTI is saying is different from the real situation in public markets,” he added.

Marcos said that aside from unauthorized price adjustments, the DTI also failed to curb the proliferation of fake school supplies and defective cellular phones, electric fans, TVs, fluorescent lamps, gas stoves, washing machines and other home appliances.

“What is the DTI doing to protect the consumers?” Marcos asked. “There are also a lot of establishments that do not issue receipts.”

Marcos believed that Favila’s resignation is the cure to these problems of the consumers.

Walang silbi sa mga mamimili

Walang proteksiyong nakukuha sa pamahalaan ang mga maliliit na mamimili sa kabila ng patuloy at talamak na pagsasamantala sa kanila ng mga tiwaling negosyante.

Ito ang sinabi ngayon ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kasabay ng panawagan na makabubuting magbitiw na lamang sa kanyang puwesto si Peter Favila bilang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Marcos, bigo ang DTI na sugpuin ang hindi makatuwirang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga palengke at iba pang merkado sa kabila ng presyong itinatadhana ng batas.

“Ang dapat na gawin ng DTI ay ilipat na lamang nila ang kanilang air-conditioned offices sa mga pelengke sa Metro Manila at makikita nila kung ano ang tunay na presyo ng mga pangunahing bilihin sa kasalukuyan,” pahayag ni Marcos.

“Ang karneng baboy, isda, gulay, mantika, asukal, kape, gatas, tinapay at  bigas… kung hindi mahal ay kulang sa timbang.  Iba ang sinasabi ng DTI, sa tunay na nangyayari sa loob ng palengke,” dagdag pa ni Marcos.

Ibinunyag din ni Marcos na bukod sa mga pangunahing bilihin, nagkalat at laganap din ang mga pekeng gamit pang-eskwela kabilang na ang mga siraing cellphone, electric fan, radio, TV, florescent lamps, bulbs, gas stove, washing machines at iba pang gamit pambahay.

“Nasaan ang proteksiyon ng mamimili?  Nasaan ang DTI?  Kung minsan hindi pa nagbibigay ng resibo ang mga tindahang ito!” sabi pa ni Marcos..

Kaugnay nito, sinabi ni Marcos na ang agarang pagbibitiw ni Favila ay makabubuti umano sa halip na patuloy na mapagsamantalahan ang mga maliliit na mamimili dahil sa pagiging inutil ng DTI secretary.

Back to Blog