Bongbong: Puwede akong referee

Read the English version.

Ito ang pabirong reaksiyon ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sakaling totohanin nina Presidential aspirants Manuel Roxas II at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanilang “sampalan match.”

Ang pabirong salita ni Marcos ay kanyang sinabi noong Martes ng gabi nang hingian ito ng komento ng mga mamamahayag matapos siyang magtalumpati sa ika-63 National Assembly ng League of Vice Governors of the Philippines na ginanap sa Marriot Hotel, Pasay City.

Subalit seryosong sinabi nito na ang palitan ng maaanghang na salita ng mga magkakatunggali ay hindi na bago sa halalan lalo na sa isang Presidential election.

“Well, hindi naman kakaiba ‘yan dahil lahat naman ng elections lalo na basta Presidential, mainit ang laban. Kaya hindi naman kataka-taka na napupunta sa ganyang klaseng usapan,” anito.

Inaasahan umano nito na lalong iinit ang mga patutsadahan sa isa’t-isa ng mga magkakatunggali pagsapit ng campaign period.

“Pero sa ngayon nga medyo light-hearted pa rin. I think when the campaign period begins, magiging mas seryoso ang palitan ng comments sa isa-t isa,” sabi ni Marcos.

Back to Blog