Bongbong nagpasalamat kay Erap at pinili siyang running mate kapag tumakbong presidente

Read the English version.

Ikinalugod ni Vice Presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pagpili sa kanya ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada bilang running mate sa plano nitong tumakbong Presidente sa 2016 kung tuluyang madi-disqualify si Senadora Grace Poe at matatanggal naman si Vice President Jejomar Binay sa karera dahil sa mga kasong katiwalian laban dito.

“I am deeply honored and very glad for the trust given to me by former President, Manila Mayor Erap Estrada. Mayor Estrada’s wide support is undisputed and choosing me as his running mate will definitely boost my chances,” sabi ni Marcos sa isang kalatas.

Inihayag nito na malakas na kandidato si Estrada at mataas ang tsansa nito na manalo.

Isa si Estrada sa mga “heavyweights” kasama si Senador Juan Ponce Enrile, sa nag-endorso kay Marcos sa pormal na proklamasyon ng kanyang kandidatura para Bise Presidente noong Oktubre 10 na ginanap sa Intramuros, Maynila.

Sa kanyang talumpati sa nasabing proklamasyon, inamin ni Erap na hindi siya nagdalawang isip sa kanyang pagpili kay Marcos bilang kanyang Vice Presidential candidate at nanawagan din ito sa mga Manileño na bigyan din ng kahalintulad na suporta ang Senador.

“I am very thankful to Mayor Erap for his forever, sincere and staunch support and also to the people of Manila. He is well loved by the people especially the masses. Nakakataba talaga ng puso na ang ‘Ama ng Masa’ ay may malaking pagtitiwala sa atin at hinding-hindi natin sisirain ang tiwalang iyan,” ayon kay Marcos.

Back to Blog