Bongbong Marcos Wants Truce Extended until May 2010

Bongbong wants truce extended until May 2010

CHRISTMAS CEASEFIRE WITH MUSLIM
AND COMMUNIST INSURGENTS URGED

Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. has called for a ceasefire between the government and armed insurgents in the country like the Moro Islamic Liberation Front (MILF) and the Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) starting this December until May next year.

Marcos said a ceasefire will make sure that Filipinos will not only spend a serene Christmas but a peaceful May 10, 2010 general elections as well.

Underscoring the importance of the Yuletide season for the majority of Filipinos, Marcos said the government should discuss his proposal with the MILF and CPP-NPA.

“If the MILF and the communist rebels won’t agree, a unilateral ceasefire declaration from the government will do,” Marcos said.

Marcos proposed that a ceasefire be enforced beginning December 1 until May 30, 2010 or more than two weeks after the holding of the local and national elections.

“A ceasefire declaration is crucial for peaceful elections. The police and the military can focus on their election duties instead of pursuing the so-called enemies of the state,” Marcos stressed.

Palawigin hanggang sa buwan ng Mayo 2010 – Bongbong

CHRISTMAS CEASEFIRE

SA MILF AT KOMUNISTA IPATUPAD!

Mahalagang magkaroon ng tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa darating na Pasko at palawigin pa ito hanggang sa buwan ng Mayo ng susunod na taon.

Ito ang panawagan ngayon ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte kaugnay sa nalalapit na kapaskuhan at sa nakatakdang pagdaraos ng pambansang eleksiyon sa darating na Mayo 10, 2010.

Ayon kay Marcos, mahalaga sa maraming kristiyanong Pilipino ang pagdiriwang ng Pasko kung kayat kailangan umanong makipag-usap ang pamahalaan sa grupo ng MILF at CPP-NPA para maisakatuparan ang Christmas ceasefire.

“Kung hindi papayag ang MILF at rebeldeng komunista sa Christmas ceasefire, kahit na unilateral ceasefire. Sa bahagi na lang ng tropa ng pamahalaan magkaroon ng deklarasyon ng tigil-putukan,” pahayag ni Marcos.

Iminungkahi rin ni Marcos na sa unang araw ng Disyembre ipatupad ang Christmas ceasefire at palawigin ito hanggang sa huling araw ng Mayo ng susunod na taon kung saan tapos na ang pagdaraos ng pambansang eleksiyon sa Pilipinas.

“Malaking tulong kung may ceasefire sa panahon ng eleksiyon. Hindi na mababaling pa ang atensiyon ng ating kapulisan sa mga rebeldeng grupo kundi sa mga insidente na lamang ng krimen na may kinalaman sa eleksiyon,” paliwanag ni Marcos.

Back to Blog