Transcript: Sen. Bongbong with media after Senate Committee Hearing on Mamasapano incident, Day 2

Sen. Bongbong: Sinasabi nila (MILF) na sila ay para sa kapayapaan, kapag tuloy ang paghanda nila na gyerahin ang mga tropa ng gobyerno. At hindi pa rin, kahit na… hindi pa rin napapatunayan ng MILF na hindi sila kasama ng BIFf at kahit pa sinasabi nila na dalawa ng grupo nila ay maliwanag na maliwanang lahat ng BIFF ay pinababayaan nila na nasa tabi lang nila, armadong grupo ay nasa tabi nila. Ay hindi naman nila siguro gagawin yun kung hindi sila magkasama. Kaya’t maraming nagdududa dito sa sinasabi ng MILF na hindi sila magkasama o magkasabwat ng BIFF. Dahil nakita naman natin pumasok ang mga pulis pinagpapatay lahat pero yung isang armadong grupo nandun sa tabi nila, mas malapit pa sa tabi nila ay hindi nila ginagalaw. Tapos yung tanong tungkol sa bakit nga nandyan ang mga terrorista sa loob ng kampo ng MILF, bakit nila tinatago. Tingnan natin ang kasaysayan dito kay Marwan. Lahat ng pagkakataon na pumasok ang pwersa natin na nag-coordinate sa MILF na kukunin nila si Marwan hindi nila nahuli si Marwan, nakatakas, nakawala. Pagdating ng sundalo natin dun, pagdating ng pulis natin dun wala na.

Ito lang ang naging pagkakataon ng pulis na pumasok na hindi nila sinabi sa MILF at anong nangyari, huli nila? Ngayon itong ke Usman, wala silang sinasabi. Ang hinihiling ng gobyerno at ang hinihiling hindi lamang ng gobyerno kundi ang taong bayan para patunayan nila na sila ay tapat dito sa peace process. Ang hinihingi sa kanila, ibigay ninyo sa amin si Usman, nandyan sa inyo. Kung hindi man gawin ninyong maliwanag na tinutulungan ninyo ang gobyerno para hulihin ang mga terroristang ito. At wala naman silang naisasagot, wala silang naibibigay.

Kaya’t yung katapatan ng MILF ang kinukwestyon ngayon. Ang payo ko nga sa MILF ay dapat yung confidence-building measures—parang you have to have acts of good faith para maniwala ulit ang taong bayan, maniwala ulit ang mga senador, ang mga congressman na kayo ay talagang para sa kapayapaan—at dapat talaga tayong mag-usap, at kung tayo ay mag-uusap at tayo ay magkakaroon ng agreement ay talagang magkakaroon ng kapayapaan.

Q: Sir sa kabila ng mga patong-patong na dudang ito, ano na ang status ng BBL na under ng committee ninyo na dini-deliberate ninyo sir?

Sen. Bongbong: Well, naka suspinde ang mga hearing. Pero yung mga lumalabas na mga impormasyon sa ngayon ay palagay ko, kaya nga nakukwestyon nga kung talaga ba etong prosesong ginagawa natin, kung ito bang BBL ay talagang magdadala ng kapayapaan sa Mindanao.

Parang umatras tayo ng konti at kailangan nating tingnan: tama ba itong ginagawa natin? Tama ba itong nakikipag-usap tayo sa MILF? Tama ba ang BBL para talagang magdala ng kapayapaan. Itong mga kwestyon hindi na natin itinatanong noon e. Pero dahil dito sa nangyaring ito, ang taong bayan—hindi lamang ang mga legislator, hindi lamang ang congressman, kundi ang madla ay nagtatanong. Totoo ba talaga ito? Ito ba talaga ay magdadala ng kapayapaan? Ito bang mga supposed to be na partner natin sa peace process, sila ba’y tapat?

Lahat ng mga kwestyon na ito ay nabuksan dahil dito sa pangyayaring ito. Kaya’t hindi nakakatulong ito sa proseso ng BBL dahil babalikan natin halos lahat ng ating ginawang assumptions tungkol dito sa BBL.

Tapos kaninang umaga nagulat ako, binasa yung sulat ni Chairman Iqbal, at sinasabi na hanggang ma finalize at ma-fully implement ang peace agreement ay sila’y revolutionary government pa rin. E tinanong ko ibig sabihin handa pa rin kayo, gigyerahin pa rin ninyo ang gobyerno? Parang ganun ang kanilang salita. Kaya’t medyo nagulat ako at natakot ako. Dahil ang sinasabi ko, e bakit makikipag-usap kayo, ginagawa natin ang lahat para sa MILF, sinasabi nila hanggat gawin ninyo yung utos namin, hindi…tuloy ang gyera natin sa gobyerno. E papano naman yan? Hindi naman tayo pwedeng magkaroon ng peace process na tinatakot tayo na gigyerahin ang gobyerno, gigyerahin ang Republika.

Q: Bilang panghuli siguro senator on my part, if in case all of these will break down, sir no, from the level that where we are now, deliberating the BBL…I mean the worst case scenario here is that this one side will back out of this process, so are we going back to the situation na gyera ulit, conflict uli sa Mindanao, ituloy na lang uli yung ganitong klaseng…

Sen. Bongbong: I’m afraid that it is the opinion of some people and I can understand why they hold that opinion. Now, we are back already at war. You can’t say that the killing of 44 policemen is not an act of war. So, it seems…it seems to be validated by the letter of Chairman Iqbal that we are still at war.

We cannot have a peace process, hindi pwede natin patakbuhin, hindi magiging matagumpay ang peace process kung maliwanag na isang panig ay ginigyera pa rin yung panig na ka-negotiate nila sa peace process. It’s just not…it will not work.

Q: Unless they come here and explain?

Sen. Bongbong: No, they not only have to explain but they have to make a commitment that they are for peace. And there are many ways to do that, para ipakita—actions speak louder than words. Ang dapat na gawin, yun na nga yung sa pagbalik ng gamit; yung pagpaliwanag tungkol sa BIFF kung anong relasyon nila; pangatlo, ano ba talaga ang nangyayari sa mga kampo, sila ba’y tuloy-tuloy ang paghahanda nila sa pag-gigyera; tapos itong deklarasyon nila na they are in a state of war against the government pa rin. So itong mga bagay na ito kailangan ay hindi lang ipaliwanag nila, e dapat magsabi sila kung ano ba talaga ang kanilang posisyon dyan. At hindi lang sa pamamagitan ng pagsasalita kung hindi sa paggawa. Actions, again, speak louder than words. And we have heard all of the words, we now wait their actions; their actions that will prove to the country, to the Republic of the Philippines, to the government, to all the elements in the government, that will prove to us once again that they are serious about peace.

Q: Sir, do you think they are sincere sa pagsosoli nila ng mga gamit, knowing 15 days bago pa nila napag-desisyunan yan?

Sen. Bongbong: That is a small step, but it would have been a much bigger step kung ginawa nila soon after, two days, three days after. Dahil anong ginawa nila for 15 days, bakit kailangan ng 15 days? Kaya’t naman, maraming mga tanong na ganyan, kaya’t it is unfortunate hindi ko naitanong. Pero yan ang mga tanong na tinatanong hindi lamang ng mga legislator kundi pati na ang taong bayan. Dahil these are questions that they need to provide answers for. And those answers will come not from words, we have heard all the words—it will come from the actions that they undertake from now on.

Q: Sir maliban sa invitation nyo ke Iqbal ano pa po iba nating pwedeng gawin to make him appear and and personally answer the questions of the senators?

Sen. Bongbong: Yun na lang non-appearance, that is not an act of good faith. Hindi mo na lang sinisiputan. Nandito ang buong AFP, nandito ang buong PNP, nandyan lahat ang mga involved. Ano ba, sino ang wala dito? Ang MILF. Ang pinadala nila, ang chair ng coordinating committee sa MILF side—hindi naman daw siya makasagot. So bakit pa sya pinadala dito hindi naman sya makasagot na opisyal in the name of the MILF? So bakit ayaw nilang papuntahin dito, bakit ayaw nilang pumunta rito? Dahil sinasabi me ginagawa. E hindi, mas importante—I don’t know what they are doing. Pero nothing is more important than these hearings that are being conducted. So it is a bit of a….parang baliktad e, tayo ang nag-aadjust sa kanila. E these are functions of the Republic of the Philippines. And, surely there are of more importance than what could be going on internally or individually among the MILF. Yun na lang hindi nila pagsipot, e magtatanong, hindi naman kataka-taka magtatanong ang taong bayan—seryoso ba sila, ayaw man lang nilang siputan yung hearing? Ayaw nilang mag explain. Kaya’t marami pa tayong, marami pa tayong kailangang itanong sa kanila at hindi natin makukuha ang sagot kung hindi nila sisiputan ang mga hearing.

Q: Sir from everything you have heard today, especially in the operations part, anything significant that you find interesting as far as the inquiry is concerned?

Sen. Bongbong: Well very much. It’s very clear that the chain of command of the PNP was in complete disarray—talagang sabog ang chain of command. Kung panong nangyari yun hindi pa natin nalalaman pero talagang sabog ang chain of command sa PNP. Tapos dun sa report, ganun din sa MILF dahil nasabihan ang commander ng MIFL camp na ang kaharap nila ay government troops, hindi sila nag-ceasefire for another 10-12 hours, e bakit naman ganon? So sinasabi nila hindi nag-coordinate. Kahit na nung nag-coordinate hindi pa rin tinigil ang putukan. Yung grupo natin, yung tropa natin itinigil na ang putukan, pinapuputukan pa rin sila ng MILF at BIFF sabay.

So ito yung kabaliktaran ng confidence-building measure. Ito’y nagtatanggal ng tiwala ng taong bayan dito sa prosesong ito.

Q: Sir medyo malinaw na po ba sa inyo kung sinong liable for what happened?

Sen. Bongbong: Well no. Ako ang habol ko kasi dito hindi yung mga indibidwal, hindi ako naghahanap ng kung sinong sisisihin, sinong bibintangan. Ang hinahanap ko talaga kung bakit hindi naging effective ang sistema natin na iwasan ang putukang ito, ganitong klaseng engkwentro, ganitong klaseng massacre.

Q: Senator do you believe that magiging fair kung magkakaroon tayo ng executive session for the MILF? What’s your personal view on this?

Sen. Bongbong: It depends on what will be the material that will be shown by the MILF—hindi lang MILF pati sa government side. Kasi may mga operational security na kailangan nating intindihin. Kung makita naman ng komite at mapatunayan naman sa amin na me masisira ang operation, o may mailalagay sa panganib na tao, siguro naman tatanggapin ng komite na mag-executive session. But again, siguro case to case (basis). But not all of the testimony of the MILF can be done in executive session. Because, as has been brought up, it is not fair. Yung AFP at PNP nandito sa public hearing, dapat sila nasa public hearing din. Dahil yung mga tanong naman nyan hindi sikreto e, dapat talagang ipaliwanag, di ba, yung mga sinabi ko.

Q: Sir, if the MILF insist that they will not be coming here for the hearing, what should be done?

Sen. Bongbong: What should be done? The peace process is at an end. The peace process is finished. Because once the communication stops, the process stops. Ang unang hakbang sa peace process ay communication. Kung walang communication, walang peace process. Okay. Thank you.

Back to Blog