Bongbong Marcos kay Alcala: Saan mo ginagastos ang GA budget

Sinasabi ngayon ni vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na maraming dapat ipaliwanang si Agriculture Secretary Proceso “Procy” Alcala kung saan nya ginagastos ang bilyun-bilyong budget ng kanyang ahensya.

Sinabi din nya malaki ang kanyang hinala na ginagamit lamang sa politika ang budget ng DA imbes na tulungan ang mga magsasaka.

Ginawa ni Marcos ang pahayag ukol sa disbursement ng budget ng Department of Agriculture (DA) bunga na rin ng hinaing nga mga magsasaka sa Kidapawan na sila ay ilang buwan nang gutom dahil sa El Nino at kawalan ng ayuda mula sa gobyerno. Ito ang dahilan kung bakit sila nag-protesta noong nakaraang linggo na nauwi sa madugong dispersal kung saan tatlong magsasaka ang namatay at marami ang nasugatan.

Nagfile din si Marcos ng Senate resolution upang imbestigahan ang madugong insidente.

“Napakalaki ng budget ng DA sa 2016 pero ginagamit yata pampulitika, hindi ginagamit para sa suporta sa farmers. Kakulangan talaga ng DA ‘yan…kung saan-saan napupunta ang malaking pera na ina-appropriate para sa Department of Agriculture,” he said.

Ayos sa datos, para sa 2016 ang budget ng DA ay nasa P48.447 bilyon at mahigit dito ay P2 bilyon na ayuda para sa nasalanta ng El Nino.

Ani Marcos, hindi dapat sisihin ang mga magsasaka dahil sila ay gutom at lumalaban sila upang mabuhay ang kanilang mga pamilya.

“Seventy percent ng mga mahihirap ay nasa agrikultura…Hindi mo naman sila (farmers) masisisi eh kasi gutom sila. Hindi mo sila masisi na ipinaglalaban nila ‘yung kanilang pamilya, ‘yung mga pangangailangan nila,” he said.

Nagsuspetsa din si Marcos na ginagamit lamang ng DA ang budget nito para sa importasyon dahil sa malaking kita dito at hindi sa mga proyekto na makakatulong sa mga magsasaka katulad ng dagdag na irigasyon o patubig, pagpapalago ng produksyon, pagbibigay ng pautang na may mababang interes at maluwag na pagbayad.

“Alam natin kung paano gawin ‘yan pero hindi pa natin magawa-gawa dahil masyadong naging madali ang pag-import at pinagkikitaan ng kung sino. Alam naman natin kung pinagkakakitaan ang pagi-import, eh walang gustong magpaganda ng sistema dito at tuluy-tuloy ang importation,” he said.

Nakakalungkot aniya na naging pinakamalaking importer na ang Pilipinas ng bigas samantalang merong panahon na ang bansa mismo ang nag-iimport sa ibang bansa ng bigas dahil sa mataas na produksyon nito mula sa ating magsasaka.

Back to Blog