Transcript: Radio Interview with Kabayan Noli De Castro on DZMM Teleradyo

Sen. Bongbong: That is really easy to determine kung ganun talaga ang naging timing nyan. Pero yun na nga, yun ang pinag-aaralan ko dahil tiningnan ko ng mabuti yung timeline dun sa coordination nga na sinasabi na wala daw sabi ng MILF. E ang haba nung, oras-oras yung ginawa nilang coordination e wala pa ring nangyari.

Ang isa pang nakakaabala (nakakabahala?) na isinagot ni Gen. Catapang ay nung Lunes nagsabi sya bakit hindi sya nagpalipad ng helicopter, bakit hindi sya nagpalipad ng kahit na yung air asset para tulungan yung mga troop natin.

Ang sagot nya nung Monday, ang sabi nya ayaw naming magpalipad ng eroplano at saka helicopter dahil baka daw ma-misinterpret ng MILF at inaatake sila baka ma-misinterpret at lumaki daw ang gulo . Kaya’t ang tanong ko kahapon ay sabi ko ay ibig sabihin ba sa priority ninyo mas priority ninyo yung peace process kaysa sa yung buhay ng ating mga SAF?

Parang ganun ata ang policy ng gobyerno, e hindi naman ako masagot. Pero mukhang maliwanag dahil sinasabi alam na namamatay na yung mga SAF, yung mga tropa natin e malaking maitutulong ng air asset, biruin mo galing sa itaas e pwede silang suportahan. Pero hindi nila ginawa dahil inaalala nila baka magalit yung MILF. E pinapatay na …. nung mga MILF e yun pa ang inaalala nila. Kaya’t isa pa yun medyo nakakaabala (nakakabahala) sabi ko yung policy na yan e maraming mamamatay nyan at hindi natin matutulungan dahil abalang abala tayo na baka ma misinterpret. Kaya hindi magandang policy yan at siguro ito’y isa sa nakakalungkot at nakakaabala na marinig namin sa mga hearing.

Kabayan Noli de Castro: Nagkaroon daw po ng executive session kay Iqbal with the senators, meron ba kayong pwedeng i-share dun na pwedeng malaman ng taong bayan?

Sen. Bongbong: A hindi. Hindi namin, dahil nagka-intindihan kami na wala munang magsasalita dahil yung mga kausap namin ay maaring malagay sa alanganin e at pati na yung kanilang mga pamilya. Kaya siguro hihingi kami ng paumanhin na hindi namin maibalita ang mga nangyari sa executive session, pero inaalala namin ang security saka safety ng aming mga kausap.

Kabayan: Ay pero kayo po ba’y may nakuha doon na pwedeng i-ugnay para sa investigation para makuha natin ang katotohanan?

Sen. Bongbong: A marami, maraming detalye at pati sa ibat-ibang bagay at very useful. Very constructive naman yung aming nagging executive session. At pag dumating ang panahon na pwede na naming ibalita ang kung anong naging mga usapan makikita siguro ng lahat kung ano yung mga nangyari at detalyado na an gaming pagkaaalam.

Kabayan: Opo, maraming salamat po sa inyo senator at magandang umaga po sa inyo. Good luck!

Sen. Bongbong: Magdandang umaga Kabayan, magandang umaga po sa inyong lahat.

Kabayan: Senator Bongbong Marcos

Back to Blog