Transcript: Radio Interview with Joe Taruc & Milky Rigonan on DZRH

(If the media player does not load, you may listen to the interview here.)

Sen. Bongbong: Magandang umaga! Magandang umaga sa mga nakikinig. Good morning po sa inyong lahat.

Joe Taruc & Milky Rigonan: Good morning, Senator.

Taruc: Napakaraming katanungan kay General Alan Purisima kahapon pero tila maraming nabitin? Hindi nakapag-patuloy yung inyong ginagawang pagtatanong. Ano ho ba yung isa sa dapat nyo pang itanong?

Sen. Bongbong: Ang tinatanong ko kasi sa kanya kung ano talaga ang naging parte niya doon sa pag-plano at saka sa pag-implement nung operations sa Mamasapano. Naubusan lang ako ng oras, pero gusto ko kasing malaman sa kanya – kasi sinasabi niya hindi naman daw siya kasama, hindi naman daw siya nakikialam doon sa planning at sa implementation pero nandoon siya sa lahat ng meeting, siya ang nag-uutos – tinatanong ko nga sa kanya kung bakit nandoon nga siya sa gitna ng lahat ng planning at tsaka implementation nitong operation na ito. Itinatanong ko sana sa kanya, sinong nag-imbita sa kanya [para] pumunta doon sa mga meeting, sa mga briefing? Hindi na umabot sa ganoon dahil pinatigil na ako. [Laughs.]

Taruc: Okay, alam mo marami rin ang gustong maka-alam, itong pangulo natin ay talagang binibigyan ng briefing every step of the way. Noong nandoon sila sa Zamboanga City, napaka-lapit po ng Pangulo. Wala ho bang naka-tawag sa kanya? Yung dati nyang kino-contact, halimbawa, sa Special Action Force? Sa halip na tumawag sa iba pang mga unit, nandoon ang Pangulo mismo sa Zamboanga. Wala bang tumawag o kahit na text man lang, naipalam kung ano ang kanilang sitwasyon sa Mamasapano?

Sen. Bongbong: Hindi nga maliwanag, kaya nga gusto ko malaman, kasi wala namang mag-o-authorize kay General Purisima na makilahok dito sa operation na ito. Wala namang pwedeng mag-order niyan, iisa lang siguro, wala nang mas-tataas kay General Purisima kung hindi ang Pangulo. Ngayon, gusto ko sanang ipaliwanag, ano ba talaga ang role niya dito? Ang problema kay General Purisima dahil suspendido siya, hindi siya dapat nagpe-perform ng kanyang mga function, hindi siya dapat nag-iisue ng order. Kaya nga medyo nag-taka yung mga ibang Senador, panay ang pilit niya na hindi naman daw siya nag-uutos, hindi naman daw siya nag-o-order, nagbibigay lang daw ng payo. Ang hirap paniwalaan. Ang katotohanan, kahit na nagpapayo lang siya sa mga opsiyal ng PNP, para sa kanila, mukhang order. Kaya kahit anong tawag niya: payo, advice, kung ano-anong salitang ginagamit, ang katotohanan parang order ang kanyang ginawa.

Kaya’t syempre– yung gusto ko sanang itanong na hindi na ako pinapabayaan na magtanong, sino ngayon ang kayang mag-authorize sa isang suspendido na Chief PNP na sumama sa mga briefing, sa mga meeting, ang mag-issue ng mga order sa mga opisyal niya? Siguro galing sa taas ‘yang authorization na iyan. Sino bang mas mataas kay General Purisima? Siguro si Sec. Mar, at saka ang Presidente. Pero si Sec. Mar ay wala naman sa picture dahil nga hindi nila sinabihan. Kaya’t kailangan siguro malaman na talaga natin. Dapat mag-pahayag na ang ating Pangulo kung ano ba talaga ang nangyari, sino ba talaga ang involved, ano ba ang naging sequence of events, ano yung naging timeline: saan nag-simula, saan nag-meeting, at kung ano talaga ang role ng ating Pangulo dito sa buong sitwasyon ng Mamasapano.

Rigonan: Senator Marcos, doon ho sa mga hearing ng Senado for two days, lagging nababanggit ang “chain of command.” Ang sabi ko nung ilan, dapat mismong ang pangulo ang sumunod sa chain of command, dahil doon po sa nangyaring incident sa Mamasapano, maliwanag na ang “calling the shots” ay yung suspended na PNP Chief, na alam daw po ng Pangulo.

Sen. Bongbong: Habang tumatagal, ang conclusion ko – isa sa nakuha natin doon sa dalawang araw ng hearing – ay maliwanag na maliwanag na hindi sinunod ang chain of command. Talagang kung saan-saan at kung sino-sino. Hindi ko nga maintindihan kung bakit mayroong pa kase siyang sinabi – at inamin ito ni Gen. Purisima sa hearing – na pagkatapos nila mag-meeting ni Pangulo, lumabas na sinahinhan niya si Napeñas, “Huwag mo munang sabihin sa dalawa. Ako na ang bahala kay Catapang.” Yun ang exact quotation. So tinanong namin sinong dalawa ang tinotukoy niya. Yun daw si Sec. Mar at si Gen. Espina, yung acting Chief PNP. Sinabi, “Ako nang bahala kay Catapang.” Tinutukoy niya si Gen. Catapang, yung Chief of Staff ng AFP. Pero ang nangyari, hindi niya sinabihan si Gen. Catapang hanggang 5:00 ng umaga noong nagpuputukan na. Noong hinahanap na kung bakit walang koordinasyon ang AFP at PNP SAF, ay dahil hindi nga niya nasabihan si Gen. Catapang hanggang bukbukan na. Kaya nangyari siguro ito. Hindi nga maliwanag kung siya ba ang dapat mag-coordinate. Unang-una, may problema kase suspendido siya at nag-iisue siya ng order, nagpa-conduct siya ng briefing na hindi naman dapat niya gawin ‘yon. Ang problema pa ay he was behaving and he was performing his functions parang hindi siya suspendido. Pero at this point, lumalabas, siya dapat ang nag-coordinate sa army at sa AFP, pero ginawa niya yung coordination, 5:00 na ng umaga. 5:00 AM pinned down na yung ating mga tropa.

Taruc: Si Gen. Catapang yung Chief ng Armed Forces ay kasama ng ating Pangulo sa Zamboanga noong mga sandaling ‘yon, so napakalapit para tawagan ang alin mang kampo ng ating military, hindi po ba?

Sen. Bongbong: Nakakapagtaka nga kung bakit hindi mas mabilis ang naging koordinasyon dahil mayroon kaming mga text message at telephone call na nakita na 4:30-5:00 AM pa lang, ay nagtatawag na yung ating mga SAF, sinasabi na nainkwentro na kami dito, kung pwede, nagpapatulong. May mga text si Gen. Napeñas sa AFP, sa kanyang mga superior office, lahat. Hindi ko mga malaman bakit napakatagal bago nagkaroon ng ceasefire. Ito nga ang problema diyan. Nung unang tinawagan, habang alam na ng lahat na pinned down na nga yung ating SAF, ay tumatawag sila kahit saan. Si Gen. Napeñas ay kung sino-sinong tinawagan para nga sabihin na nagpapatulong dahil yung mga torpa niya at na-pin down na, namamatayan na siya. Nakakapagtaga after yung coordination sa MILF, pinuntahan sila ng mga peace keeper ng MILF para itigil ang putukan, it took 11 hours – eleven hours – bago natigil talaga yung putukan! Ang daming namatay sa 11 hours na iyon. Kung hindi lumipas ang ganong klaseng panahon ay siguro marami pang nabuhay.

Taruc: Matagal, Senator Marcos. Aba’y kahit na lumipad pa pala yung dalawang attack helicopter na nandoon sa Zamboanga, ay kayang kaya apulain yung putukan.

Sen. Bongbong: Sabi nga. Kaya nga nagtataka yung mga ibang SAF troopers, bakit nga hindi nagpa-lipad ng helicopter? Nagulat naman kami na ang sagot ni Gen. Catapang, ayaw niya magpalipad ng helicopter [kase] baka ma-misinterpret daw ng MILF na inaatake sila. Bakit? Dahil nasa gitna nga daw tayo ng ceasefire, peace process daw tayo. Sabi ko, hindi naman pwedeng isakripisyo yung buhay ng mga SAF trooper dahil nagaalanagn kayo na ma-misinterpret ng MILF. Dapat naman malaman ng MILF nasa ceasfire tayo, hindi naman siguro ina-atake sila bigla. So para ang peace process ay hindi mabulabog, ay nandoon na lang, nakatiwang-wang ang ating mga tropa hanggang namatay na silang lahat.

Taruc: Medyo tumayo kayo diyan kahapon sa hearing noong narinig ninyo na ipinapahayag sa liham ni Chairman Iqbal na itong MILF ay isang “revolutionary organization.”

Sen. Bongbong: Talagang nagulat ako. Hindi ko akalain na maririnig ko ang ganyan na sulat na pinadala ni Chairman Iqbal.

Rigonan: Ang manifestation mo nga doon, Senator Bongbong, ay “It’s very alarming.”

Sen. Bongbong: Talaga! Dahil unang una, parang sinabi nila, “We are a revolutionary organization and until the final implementation of the peace process, we remain a revolutionary organization.” Parang pinapalabas na ‘talagang lumalaban kami.’ Tuloy ang laban ng MILF, gine-gyera talaga naming ang gobyerno. Parang jinu-justify nga yung pagpatay sa 44 SAF toopers. Nagulat ako dahil ilang buwan na kaming naghe-hearing, hindi ‘yan ang sinasabi sa akin. Sinasabi nga nila, “Hindi, wala na kaming armas, pinapa-tabi na namin mga fighter namin, nasimulan na namin yung de-commisioning, yung pag-bigay/pag-surrender ng mga armas.” Lahat ‘yon. Sabi ko, edi mabuti. ‘Yon pala ganun ang nangyayari, sila mismo ang nagpahayag na “We continue to be a revolutionary organization.”

Nagulat ako. Tinanong ko nga sa kanya, anong ibig sabihin niyan? Ang ibig sabihin ba niyan ay handa pa kayong gyrerahin ang ating gobyerno? Ang problema ay wala kaming matanong dahil wala doon si Chariman Iqbal, at saka yung representative ng MILF ay hindi naman daw pwedeng magsalita ng official. Kaya’t malaking problema din ‘yan. Naghahanap nga tayo ng sagot dito sa tanong ng taong bayan, bakit hindi man lang kami siputan ni Chairman Iqbal? Problema talaga ‘yan. Parang lack of good faith ang nangyayari dito. Kaya nawawala ang tiwala ng taong bayan sa proseso ng kapayapaan at saka dito sa BBL. Kaya’t kailangan siguro remedyohan natin ‘yan.

Taruc : Nalagay sa alanganin ang BBL, Senator Bongbong.

Sen. Bongbong: Talagang nalagay sa alanganin ang BBL at sa aking pananaw, talagang nawala ang tiwala ng taong bayan dito sa proseso, hindi naman sa mga individuals, hindi naman sa mga iba’t ibang tao na na-involve, kung hindi sa proseso mismo. Nawala ang tiwala sa MILF, kung sila ba ay tapat sa kanilang sinasabing peace process.

Taruc: Ipaalala natin sa ating mga kababayan, Senator Marcos, na kung ano ano itong matatanggap nitong MILF kung saka-sakaling mapatibay intong BBL. Na sila’y tatanggap ng P70 billion, ganoon kalaking budget para doon sa kanilang populasyon na mahigit 3 million diyan sa lugar na ‘yan ng Mindanao, hindi po ba?

Sen. Bongbong: Kaya nga madaming nagtatanong kung saan kukunin ‘yan pondo na ‘yan. Syempre sa kaba ng bayan. Sabi nila, kami ang nagbabayad niyan para lang maitayo into Bangsamoro government. Pero siguro, karamihan, bago nangyari itong Mamasapano, sinasabi siguro, ‘pwede naman ‘yan, magkaroon nga ng kapayapaan.’ Pero ngayon, sinasabi lahat ito gagawin natin, magbubuo nga tayo ng gobyerno para sa kanila tapos ganito ang gagawin nila, papatayin pa ang ating mga pulis. ‘Yung isang kailangan na kailangan ipaliwanag at maunawaan ng lahat, ang yung ano ba talaga ang relasyon ng MILF at BIFF. Kagaya ng kanilang sinasabi, sila ba talaga ay hiwalay na grupo? Sinasabi ng MILF, hiwalay daw sila, hindi naman daw sila magkasama. Paano ngayong mag daa-daang armadong fighter na nandoon sa loob ng kampo nila na BIFF? Sabi ko, paano naman? Hindi mo pababayaan ang daan daang armadong fighter, hindi mo papapasukin ‘yan sa kampo mo, kung hindi mo kaibigan, di mo ka-tiwala, kung wala kayong usapan. Noong pumasok ‘yung SAF, inatake kaagad eh. Itong mga iba, nandyan pasok-labas, hindi naman nila ginalaw. So ano ba talaga ang ibig sabihin niyan? ‘Yan ang mga tanong nga hanggang ngayon hindi pa naming masagot dahil si Chairman Iqbal hindi sumipot sa hearing.

Rigonan: Senator Marcos, balikan ko lang ‘yung statement mo kanina. Sabi mo, kailangan dito ang paliwanag ni PNoy. Hihilingin nyo po ba ang statement kung hindi man ho siya personal na pupunta sa Senado? Sa previous hearing ng Senate, wala hong kinatawan ang Pangulo, hindi nga dumating si Executive Secretary Paquito Ochoa.

Sen. Bongbong: Si Executive Secretary nagpadala ng representative para mawala na din itong pagduda at pag-alangan na kung ano ba talaga ang nangyari, kasi maliwanag na maliwanag yun na hindi sinundan ang chain of command sa PNP. Ang gusto kong malaman, ang gusto nang malaman ng lahat: pano nangyari ‘yon? Bakit nag bago ang sistema ng chain of command mula sa taas tapos hanggang sa chief PNP, usually i-niinform lang ‘yan ng secretary ng DILG, hanggang sa baba. Kaya mahirap din magkaroon ng peace process kung sasabihin mo sa MILF ‘hindi nyo kayang i-kontrol ang mga tao nyo kaya nag ka ganyan’ pero tayo din sa Phil Government side, kailangan naming maipakita na kontrolado din namin ang mga tao namin. Kung ano ang magiging usapan natin, mga MILF at gobyerno, matutupad yan dahil yung mga tao namin ay susunod yan sa utos at saka pinag-agreehan natin dito sa peace process. Marami talagang mga tanong. Mayroon nga tayong nakukuhang sagot at nagiging maliwanag ng konti, pero makikita naman na talagang ang chain of command was not followed. Very clear, maliwanag na maliwanag.

Taruc: Yung pangako naman ng panig ng MILF na mag-susuko ng armas eh papano po, tulad ng aming narinig na aapat na piraso lang ang nakuha ng MILF, at ang iba nakuha ng BIFF at ng mga private armed groups? Papaano pa ang magiging pag-aapreciate nito ng senado?

Sen. Bongbong: Isa pa yun. Sinasabi ko nga sa aking pananaw na nawalan ng tiwala ang taong bayan sa proseso. Para mabalik yung kanilang kompyansa sa proseso, yung unang pinakamadaling gawin, ibalik yung mga gamit yung mga armas, mga personal equipment at yung mga personal effects, yung mga pitaka, yung mga relos, yung mga kung anu-ano. Napakadali lang gawin sana ‘nun, it took 15 days! Hanggang sinabi nila hindi pa nila masabi kung ilan ang nakuha nila, ilan ang ibabalik nila. Merong balita na pinagbibili na ang mga gamit, may presyo pa eh, kung magkano yung baril, yung night vision [goggles], yung armored vest. Paano natin mababalik yung tiwala nila sa MILF at saka sa peace process kung napakaliit na bagay lamang ay hindi pa nila magawa?

Taruc: Yun pong kanilang sinsabi sakanila mismo nanggaling ang karamihan ay nakuha ng BIFF ibig-sabihin kasama nila sa paglaban ang paglaban sa mga polis natin yung hanay ng BIFF.

Sen. Bongbong: Sa umpisa pa lang yung araw palang ng, ang MILF mismo ang nagsabi at nagpayahag na sila, pareho grupo MILF at saka BIFF ang lumaban sa mga Saf na polis so sila mismo ang nagsabi, kaya naman ay natatanong eh ano ba talaga? Bakit kayo magkasama magkatabi kayo shoulder to shoulder fighting against government forces tapos sinasabi nila na hindi sila magkasama kaya napakahirap talaga kung ano ang sitwasyon doon at hindi nakakatulong ito sa peace process.

Taruc: Pagkatapos nyo ng peace process sa MILF eh panibagong kakausapin na naman ng gobyerno ang BIFF naman.

Sen. Bongbong: Well, sinasabi ko nga eh kung talagang habol talaga natin dito ay kapayapaan eh hindi natin makakamtan ang kapayapaan ng Muslim Mindanao kahit maging maayos ang usapanan natin sa MILF kung wala tayong usapan sa BIFF at sa mga ibang armadong grupo, ay wala parin, ginegera padin ang gobyerno. Kaya’t sinasabi nung, kalian talaga natin na pag isipan ulit kung ano ba talaga ang kailangan gawin para magkaroon na ng kapayapaan ang Muslim Mindanao baka kailangan natin kausapin ang BIFF baka kailangan din natin kausapin ang ibang armadong grupo. Kaya’t kailangan talaga nating pag-isipan yung BBL kung sapat na para … Mindanao ang kapayapaan na matagal na natin hinahabol.

Taruc: Sen. Marcos isang katanungan lang mula sa ating listener ano? Ang kanilang sinasabi hindi man aminin sa publiko kahit papaano malalaman natin na malaking halaga na ang na ibibigay ng gobyerno dito po sa hanay ng MILF ang kanilang pangamba ay eh baka mapakinabang nila na nakukuha ngayon ay ginagamit pambili ng mas malalakas na armas na mas maraming armas naginagamit panglaban sa gobyerno.

Sen. Bongbong: Ngayon, naiisip natin un dahil sinasabi nga ang pagkakainti naming lahat ay hindi na sila bumibili ng armas, in fact kung ano ang hawak nila sinisimulan na daw ang pag surrender sa gobyerno yung mga armas nila pero may balita yung pinasok na daw yung kampo eh may nakita na daw ng farm making na factory meron mga gumagawa ng armas dun sa loob ng kampo kaya nga ako’y nagulat dun sa hearing naming dun sa Mindanao eh hindi yan ang sinasabi sakin, sinasabi sakin sinusurrender na ang kanilang armas kaya dapat nating balikan kaya naman natigil at nasuspend ang hearing tungkol sa BBL kailangan muna nating malaman kung ano ba talaga ang katotohanan ano ba talaga ang nangyari hindi lamang sa kanilang balita o sa kanila pahayag, kanilang report kung ano ba talaga ang nangyayari dun sa loob ng mga kampo dahil isa pang tanong bakit nandun si Marwan at si Usman bakit apat na taon ng hinahanap ng mga pulis yung si Marwan at nag papatulong sa MILF hindi pa nila makita-kita pag nagko-coordinate sila sa MILF nakukunin nila si Marwan ay nakakatakas, yung minsan na hindi sila nakipag coordinate sa MILF, nakuha nila un lamang ay nabuwis yung buhay ng 44 pero yung minsan lamang na hindi sila nakipag coordinate at hindi sila nagsabi ay nakuha nila, ibig-sabihin sinong nagtatago sakanya sinong nagsasabi sakanya ang nformation na dadating ang ating mga tropa kaya all of this parang naapektuhan kaya mapakita ang good faith dahil yun nga nawalan na nga ang tiwala at hindi lalakad ang proseso na ito kung walang tiwala ang taong bayan sa proseso mismo nawalan ng tiwala ang taong bayan sa MILF kailangan maibalik natin iyon.

Back to Blog