Transcript: Radio interview with Jake Maderazo on Radyo Inquirer

(If the media player does not load, you may listen to the audio here.)

Sen. Bongbong: Doon nagkakabulilyaso. Kaya nga nagkakaproblema sa coordination doon sa AFP at lahat ay dahil nga doon sa walang chain of command. Number one yun ang lumabas. Palagay ko sangayon si Pangulo na hindi sabihan si Secretary Mar at saka si General Espina. So isang bagay yon. Pangalawa, ang isa pang pinagaaralan kong mabuti yung report ng AFP at laging sinasabi ng MILF na nangyari ito dahil kulang sa coordination, hindi raw nagcocoordinate. E sa nakikita ko, yung ating AJAG (Adhoc Joint Action Group) na dapat magaano ng coordination, sa GRP side, si General Orense ay 5:30 ng umaga ng Linggo tumatawag na sa kanyang counterpart na galing sa MILF. So 5:30 pa lang hindi niya macontact. Tapos 5:30 nagsimula yung pagcocoordinate sa side ng government pero 4 p.m. pa bago natapos ang putukan.

Yung total ceasefire was at 4 p.m. so almost 11 hours na nagcocoordinate hindi pa rin tumigil ang putukan. O sige sabihin natin hindi niya macontact yung tao for whatever reason walang cell site walang signal, walang baterya whatever pero mga 11:30 yata o alas dose ng tanghalian na contact na nila yung joint international monitoring team nakausap na nila yung commander ng kampo a certain Buma, commander ng kampo ng MILF at sinabi na sa kanila itigil nyo na yung putukan dahil ang pinuputukan ninyo ay pwersa ng gobyerno at naka ceasefire tayo, mga 11:30 yan at natigil ang putukan alas kwatro pa so ilan ang namatay mula nung 11 o’clock hanggang alas kwatro? Alas kwatro lahat ng mamatay namatay na.

Si hindi totoo yung sinasabi na hindi nagcocoordinate. Pinipilit nila magcoordinate, hindi sila sinasagot ng MILF. Nung sa huli sinagot sila ng MILF it still took close to 5 hours para matigil ang putukan. So that’s another thing na lumabas sa hearing kahapon. Pangatlo, walang makapagsabi sa amin kung sino ang nagbalita kay President Aquino na nagkakaproblema na, naiipit yung tropa natin, may heavy casualties na tayo. Nagtuturuan naman sila. Tinanong naming si General Catapang sa Zamboanga katabi niya sa briefing room, si Secretary Voltz Gazmin, ang mga heneral tinanong naming kung sinong heneral o opisyal ang nagsabi kay Pangulong Aquino, walang makapagsagot sa amin dahil ang susunod siguro na tanong, nang sinabi ninyo, ni report ninyo yung putukan at may casualty na tayo, anong instruction ni Pangulo. Hindi na kami umabot doon dahil yung unang tanong pa lang, hindi na nila masagot.

Parang napakahirap paniwalaan na hindi nila binalita, hindi nila ni report sa ating Pangulo na ganitong napakalaking problema na at marami nang casualty. Ang sabi lang nila nagkabriefing, ang briniefing lang nila ang Pangulo ng alas singko ng hapon tungkol dito sa massacre ng SAF. By 5 o’clock p.m. ng Linggo lahat ng mamatay patay na. Huli na, tapos na ang laban at ceasefire. Mahirap paniwalaan na nakapaligid sa kaniya lahat ng heneral walang nagsabi sa kaniya, hindi nila masabisabi. Nung tinanong naming kay General Purisima kung siya ang nagbalita kay pangulo ay hindi kami sagutin. Sabi kukuha pa siya ng clearance sa presidente. Ibig sabihin, ay palagay ko, alam mo naman tayo.

Jake Maderazo: Pero Senator, ito pong InterAksyon channel 5 at saka Channel 7 made an investigative report at ni-replay nila yung statement nung Pangulo noong humarap sa SAF members, kung saan ang Presidente, sinabi niya umaga pa lang ay alam na niya. Naalala niyo ba noong kinausap niya yung mga SAF member e meron siyang nasabi umaga pa lang alam na niya yung kay Marwan. Isang quote niya, umaga pa lang sinabihan nako kung ano ang naging resulta nung kay Marwan. Tapos habang sinisiyasat namin yung pagbobomba sa Zamboanga dumarating yung mga report. Sabi niyang ganun. So ibig sabihin umaga pa ang alam niya.

Sen. Bongbong: Oo! Yun na nga ang pagkaunawa namin dahil yun na nga ang mga naging report. Ngayon, bakit ngayon walang gustong umamin na ako ang nagsabi kay Presidente. Ano naman ang problema na sabihin nila yon?

Maderazo: Alam ko na po kung bakit. Ayaw nila maulit mangyari yung nangyari sa House of Representatives. Kasi doon, yun ang tinanong. Ang sabi ni Guerrero di ba best efforts lang daw sa rescue kasi yun ang susunod na tanong. Ang susunod na tanong, yun din ba ang utos?

Sen. Bongbong: Oo yun ang susunod kong itatanong. Ano ngayon ang naging instructions. Ang expected ko sasabihin ng Pangulo e gawin niyo ang lahat para salbahin ang mga yan. Ang susunod na tanong doon, bakit hindi niyo ginawa, naghantay, nagka miscoordinate sa MILF etc? Yun ang line of questioning na hahabulin ko. Pero biruin niyo lahat ng opisyal sa harap namin nagtitinginan lang, walang makapagsagot ng diretso. Sino ang unang nagsabi kay Pangulong Aquino na may problema sa operasyon at nagkakaroon na ng casualty? Walang makapagsagot nagtitinginan lang sila. Sa palagay ko doon sa sinabi ni General Purisima, kasi kung wala naman siyang sasabihin, bakit pa siya magki clearance kung sinasabi niyang hindi ako. Kung sasabihin niyang wala akong alam diyan, di akong gumawa niyan o nagreport kay presidente, bakit pa siya maghahanap ng clearance? Palagay ko dahil siya, baka siya. Kaya naman siguro nung umaga doon napuna ni Pangulo ang balita. Ngayon kailangan nating malaman, anong binigay na instructions, yun na nga lumabas, best efforts. Kawawa naman ang ating mga pulis kung best effort na lang.

Maderazo: Meron pang isang nakuha kay General Catapang. Tinanong ko ka General Catapang, kasi itong Lunes meron siyang nasabi na tinanong siya bakit hindi siya nagpalipad ng eroplano at helicopter para suportahan ang mga SAF. Ika niya, ayaw na kaming magpalipad ng air assets dahil baka ma misinterpret ito ng MILF at lumaki ang laban.

Sen. Bongbong: Kaya ko tinanong kahapon ay ibig sabihin ang policy ninyo na para hindi magulo o magulat ang MILF pababayaan ninyong mamatay ang mga pulis? Inuuna ninyo ang kalagayan ng mga MILF e binabaril na ng MILF at BIFF ang ating mga SAF troopers. Hindi ko maintindihan yon, medyo maling mali yata ang priority na yon. Dapat lahat ginawa nila. Kaya naman siguro best efforts. Hindi ko malaman ang gulo gulo dahil pinagtataguan kami.

Maderazo: Sa akin po senator, may binasang text doon na eto yung grid na kung saan niyo dapat papaputukan sa artillery fire something like that, marami tayong kilala na sundalo na sinasabi na lahat nung lugar na yan, andyan ang kampo natin na mapa lahat yan hindi na kailangang manghula basta nakakasa na yan sa artillery. So pag sinabi ang numero, exacto ang bagsak.

Sen. Bongbong: Dahil kung maglalagay ka ng placement ng mga kanyon mo, kung wala pang laban, ime measure mo na ang distansya dyan sa puno, sa bahay, sa ilog, so alam na ninyo lahat yon. In fact, hindi na kailangan I coordinate. Ang sasabihin mo lang, doon sa number T1, T3 alam na nila yon kung saan yon. Yung sinasabi na walang grid coordinate, halos lahat ng SAF may GPS. Halos lahat may GPS. So kung ganoon maliwanag kung saan sila.

Maderazo: So kung ganun, wika nga, pwedeng gawain pero hindi naman ginawa so partido ng best effort, ganun ba yun?

Sen. Bongbong: Di ko nga malaman, mahirap na nga maintindihan kung ano ba talaga ang nangyari. Ang balita ng ating mga naenkwentro na pulis sabi nila nagpaputok ng tatlong white phosphorus, pagbagsak ng white phosphorus, nagatrasan lahat ng kalaban nila? Kayat kung nagawa ng mas maaga di mas maaga pa nagatrasan na yung mga yon. Dahil yung white phosphorus para titingnan mo kung saan pumatak yung bomba. Pero pagka nakita mo na, mag cocorrect na yung artillery and high explosive na yan. Talagang malalakas na bomba na yon. Alam siguro ng kalaban yon, sabi eto white phosphorus o, susunod na yung high explosives kayat umalis na sila.

Maderazo: Susunod na tanong, what’s next now? May hearing pa bang susunod?

Sen. Bongbong: Meron pa yata. Nag executive session kasi kagabi. Hindi naming natapos yung public hearing dahil isinagawa muna naming yung executive session. Meron pang kailangang tanungin so babalik kami ng Lunes. Meron pang ilang resource speakers kaming kakausapin.

Maderazo: Doon ba sa executive session meron ba kayong pwedeng ibulgar doon?

Sen. Bongbong: Wala yung mga detalye hindi ko pwedeng sabihin. Eto lang masasabi ko. Doon sa sinabi sa amin na pangyayari halos hindi mo maunawaan kung gaanong katapang ang ating mga pulis. Yung kanilang dinaanan, yung kanilang ginawa, yung tapang, nagtitinginan kaming mga senador, hindi kami makapaniwala kung kami kaya namin gawin kasi ang tatapang talaga ng ating mga pulis.

Back to Blog