Transcript: Radio interview with former Senator Orly Mercado on Radyo 5

Sen. Bongbong: Good morning, good morning Sen. Orly at good morning sa lahat ng mga nakikinig, magandang umaga po sa inyo.

Sen. Orly Mercado: You are the chairman of the Committee on Local Government, hindi po ba?

Sen. Bongbong: That’s right.

Mercado: Ano pa ang hawak mong committee?

Sen. Bongbong: ‘Yung isa kong committee ‘yung public works and infrastructure

Mercado: Anyway, quoted kayo sa araw na ito na sinasabi na comatose…BBL (Bangsamoro Basic Law) is in coma…nasa intensive care unit?

Sen. Bongbong: Nasabi ko lang naman yun dahil ang tanong sa akin may nagsasabi sa akin patay na ang BBL. Ang sabi ko hindi naman patay, na-coma lang dahil natigil lahat ng pag-ssuri, lahat ng hearing at inuuna namin itong mga fact-finding na hearing namin tungkol nga sa Mamasapano incident dahil kagaya ng laging sinasabi ko simula sa umpisa ay hindi kami makapagpatuloy ng proseso ng pagpasa ng BBL hangga’t malaman lahat ng tunay na katotohanan dito sa nangyaring Mamasapano massacre. Iyan muna ang inuuna namin at pagka siguro sapat na ang impormasyon ay magagamit naming yun para pagandahin at patibayin ang BBL. Pero hindi lamang ang proseso, ang legislative process, ang pinag-uusapan ko; ang tiwala ng taumbayan hindi lamang sa iba’t-ibang indibidwal kung hindi sa proseso ng kapayapaan. Ito ay nawala. Nawala ang tiwala ng taumbayan kaya nga umaabot na sa nagsasabi sila na itigil na ‘yang peace process, all out war. Hindi na rin siguro tama ‘yun dahil iyun naman ang iniiwasan natin dito sa proseso na ito na magkagiyera. So, ‘yan ang ibig sabihin ko na naka-coma.

Mercado: Kasi naman tama naman yang punto de bistang yan dahilan sa…kasi sometimes sa over-simplification ng isang issue pag sinimplify natin, ang napre-present sa taumbayan ay it is a choice of extremes. We try to move from one extreme to the other. One extreme is all out war and then the other extreme is allow them, sige ibigay mo na sa kanila lahat.

Sen. Bongbong: That’s right Orly. Bukod pa doon, because of the manner, nakita naman siguro ng lahat ‘yung mga video na lumalabas, eh napakalupit naman ng ginawa sa ating mga sundalo kaya hindi mo masisisi ang mga tao na magalit talaga. At kahit ako nagagalit ako at hindi kataka-taka na magagalit ka sa ginawa doon sa mga tropa natin eh. So ‘yung init ng ulo, ‘yung galit ay kailangan siguro we will allow it to subside a little bit, medyo lumiwanag ang ating pag-iisip and the only way, kagaya ng sinasabi na the truth will set you free and the only way to find out the truth.

Mercado: Pero ano ba ‘yung reaksyon mo sa sinasabi ni Iqbal na baka inedit ‘yun, baka altered ‘yung video?

Sen. Bongbong: Maaari pero kahit altered, kahit hindi, eh maliwanag na maliwanag na pinatay…si PO1 (Joseph) Sagonoy. He was murdered dahil buhay pa eh, nakahiga na hindi na lumalaban, tinanggal na ang kanyang armas, kinuha na ang vest niya lahat ng suot nya at nagmamakaawa “don’t shoot, don’t shoot,” ilang beses niyang sinabi hangga’t tuluyang binabaril at sumisigaw pa ‘yung mga bumabaril eh hindi naman pupwede…

Mercado: At tsaka kahit na hindi eksperto sa video o sa pelikula, makikita mo naman kung authentic…and then most people watched it gruesome at it is eh talagang kahindik-hindik. Pero talagang paniniwalaanmo na talagang ano eh staged…

Sen. Bongbong: Kahit na…hindi ko malaman kung staged dahil alam natin na ang mga extremist ginagamit ang mga video na yan pang-fund raising, recruit…pero ang puno’t-dulo nito kahit edited ay pinagbabaril ang isang SAF trooper na sugatan, na nagmamakaawa na he was pleading for his life at tinatawanan lang siya at dalawang beses binaril sa ulo. Kayat how can this possibly justified…nakikita naman natin doon sa video walang putol eh…hindi siguro matiyak kung sino talaga dahil hindi makita ang uniporme, hindi makita ang mukha ng mga taong gumawa. Pero ang punot-dulo nito ay sugatan na tao, nagmamakaawa ay pinagbabaril sa mukha at sa ulo. Eh ano ang sasabihin mo sa amin na tama yun? What can you tell that could justify the murder with all kinds of aggravating..it is unacceptable. Sinuman, the responsibility for this hindi pa natin malalaman, kailangan maimbestiga ng mabuti yan. Pero kahit papaano ang punot-dulo nito, this gruesome murder and was committed against a SAF trooper no matter it was edited, hindi man edited pero yun ang nangyari. Kahit pa anong pagpapaliwanag, hindi mo maipapaliwanag na tama itong ginawa nila.

Mercado: Doon sa case naman na kausap natin, kausap ng gobyerno ang MILF, and mayroon din silang responsibilidad, napakalaki ng kanilang responsibilidad. Pero ‘yung sinasabi nilang mayroong…na nandun ang BIFF malapit sa kanila, etc. O kaya parang si Marwan ay nakatira in that particular area, imposibleng hindi nila alam ‘yan at wala na ba talagang information tungkol mga nangyayari doon? How can we talk to somebody who is denying? He says he has control but he cannot control the area.

Sen. Bongbong: ‘Yun na nga ang sinasabi na hanggang ngayon eh hindi pa kami nakakakuha ng sagot sa mga bagay-bagay na ‘yan na lumalabas sa mga hearing. Eh ‘ika namin papaano naman, ang sinasabi noong una walang coordination dahil pag nagcocoordinate ang sundalo natin, ang pulis natin nakakatakas ang hinahabol nila, ‘yung dadamputin nila, ‘yung may warrant of arrest nila. Itong panahon na ito hindi sila nakipag-coordinate tsaka nila nahuli. Kayat pinagdududahan na talagang itinatago..at ‘yun na nga, kung bakit may ganung klaseng tao sa kampo ninyo. Sinasabi hindi naman daw sa area namin, andun sa area ng BIFF. ‘Tapos eh di ang susunod na tanong, ano ba talaga ang relasyon ninyo sa BIFF? Kayo ba talaga eh magkasangkot o kayo ba ay magkahiwalay? Eh pinipilit nila na hindi daw parehong grupo. Pero maglalagay ka ng daang-daang tao sa loob ng kampo mo kung hindi mo sila katiwala?…Eh papaanong papapasukin mo ‘yan parang pinapasok mo sa bahay at hindi kayo magkagrupo? Mahirap paniwalaan na hindi sila magkagrupo tapos dahan-dahan lumalabas mayroon kaming nakikitang mga intelligence na talagang sila ay magkasabwat dahil unang-una magkamag-anak sila, yung mga nasa MNLF nasa MILF, yung MILF napunta sa BIFF nandun nga sa loob ng kampo. ‘Tapos, bakit kayo mayroong ganyang klaseng tao na terorista na hindi lang dito sa Pilipinas kinikilalang terorista kung hindi sa buong mundo, international, ay kilala nila itong si Marwan, bakit nandyan? Tapos may intelligence na kahit wala na si Marwan eh hindi na makita si Usman at marami pa silang inililihim na ibang terorista. Eh bakit nagtatago dun sa kanila at bakit nila itinatago sa pulis at tsaka sa sundalo?

Mercado: Thank you very much Sen. Bongbong Marcos sa inyong paliwanag. We hope that, hindi natin alam, may hearing pa ba kayong naka-schedule?

Sen. Bongbong: Mayroon pa kaming hearing, at least one more, natapos yung executive session kahapon which I cannot tell you dahil yan ang usapan namin, pero ang pagkaintindi ko sa Lunes mayroon pang isa pa, mayroon pang ilang mga resource persons na kakausapin.

Mercado: Thank you very much Sen Bongbong, maraming salamat.

Sen. Bongbong: Thank you din Orly, tbhank you, magandang umaga sa inyong lahat.

Back to Blog