Ambush interview at Universidad de Manila

Sen. Bongbong: Malapit na, malapit na. Wala pa akong date ng pag announce, pero malapit na malapit na. Dahil malapit nang matapos ang mga usap-usapan, so I can have something already soon.

Q: Sir, nakapag decide… (inaudible)

Sen. Bongbong: As I have said, malapit nang matapos ang usapan, hindi pa tapos, so let me just put an end to it, bago mag announce para sabay-sabay na lahat ng arrangements na aming ginagawa. Ano pa? Anything else?

Q: (Inaudible)

Sen. Bongbong: Again, that was expected. Hindi naman nakakagulat dahil alam naman natin, ang preference ng pangulo is (inaudible) so kami, expected namin iyan.

Q: (Inaudible) Hindi ba kayo disappointed dahil ang target ng father ninyo noon number one exporter, parang baliktad ata ang nangyari.

Sen. Bongbong: Hindi naman nakakapag taka dahil walang ginawa para tulungan ang agrikultura, wala namang bagong programa, wala namang bagong polisiya, walang long term program tayong nakita sa agrikultura sa nakaraang ilang administrasyon, kaya naman napunta tayo sa ganito. Siguro si Preisdent Erap lang may nilabas na agricultural program, wala sa mga ibang naging pangulo na mayroon na programa… Lalo ngayon, sa nakaraan parang natulog ang agrikultura natin for five years, kaya nakaka-awa an gating magsasaka, hindi sila maka-asa ng tulong sa gobyerno. That’s why we are in the situation now.

Alam mo, ang pagiging expert hindi lang mangyayari iyan dahil sa sipag ng magsasaka, kailangan suportahan (sila) ng gobyerno.

Q: Sir, maipapasa ba yung BBL bago kayo mag break ngayong October?

Sen. Bongbong: Baka matapos namin ang interpellation before before this October, before the adjournment, pero marami pang gagawin. So baka maihabol nalang before Christmas o pagbalik, pero titignan.

Q: Senator Koko said yesterday that if Mayor Duterte was to run, they would prefer Senator Allan to be the VP. Sir ano po yung reaksyon ninyo?

Sen. Bongbong: That’s not what I have been told, I guess that’s just different opinions within.

Q: Did you have a talk last night with Mayor Duterte regarding Allan?

Sen. Bongbong: We have been talking but not about that. Marami namang ibang pinag uusapan (inaudible), it’s the highest possible, wala nanag itataas. Siya ang kausap ko, ako ang kausap niya, althought syempre yung ibang kasama namin nag uusap-usap din, pero kami mismo ang nag-uusap, so that’s a high a level, wala na, it cannot get any higher.

Q: Announcement nalang po ba ang kulang?

Sen. Bongbong: Hindi, mayroon pang kailangang tapusin… (inaudible)

Q: Pero Sir, sarado na po ang usapan ng PDAF (inaudible)?

Sen. Bongbong: Well, alam mo para sa akin wala namang masama sa PDAF, ang problema sa PDAF ay yung mga abuso sa PDAF. So pwede rin iyan para mapag bigyan ang mga legislator na makatulong sa mga local communities. Pero ayun lang, alam na natin ang mga nangyari, alam na natin ang mga naging problema, so bantayan natin ng husto kung sakali mang bumalik iyan ay bantayan natin ng husto, nang yung mga dating pinababayaan na abuso ay hindi na mapapabayaan ulit.

Q: Sir sinusuportahan din po ni VP Binay yung PDAF at yung mga local government. Are you more inclined to tandem…?

Sen Bongbong: I must congratulate all of you in the media for all the very creative and imaginative ways you ask the same question (laughter). I think it’s premature to talk about that.

Q: Sir, may continuous talks parin kayo with VP Binay, until when?

Sen. Bongbong: Until we announce, until I announce. Ibig sabihin pag I announce, ibig sabihin tapos na ang usapan, hindi lamang kay Vice President Binay, kung hindi sa lahat ng mga kausap ko.

Q: So you will also announce kung sinong susuportahan mong president?

Sen. Bongbong: We’ll see, wala pa, hindi pa maliwanag kung ano yung gagawin. First of all the Nationalista Party has not taken a position yet. So that’s part of the equation.

Q: The announcement will happen this week? Or sir, before filling naman…

Sen. Bongbong: Of course. As soon as possible. Thank you!

Back to Blog