Bongbong Marcos inindorso ni Misamis Oriental Gov Emano

Tuluy-tuloy ang pagbibigay ng endorse kay vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

Noong Biyernes, si Misamis Oriental Gobernor Yevgeny Vicente “Bambi” Emano, miyembro ng maimpluwensyang pamilya ng Emano na matagal nang mga politiko sa probinsya, ang siya namang nag-endorso kay Marcos bilang kanyang kandidato sa pagka bise presidente.

Binigay ni Emano ang pag-indorso sa isang pribadong agahan sa loob ng Lasang Secret Adventure Park sa bayan ng Initao sa Misamis Oriental.

Naganap ang pagpupulong sa pangalawang parte ng Unity Caravan ni Marcos sa Mindanao na nag-umpisa sa Gingoog City na nasa Misamis Oriental din. Kasama ni Marcos si Davao Del Norte Rep. Antonio Lagdameo.

Dumalo sa pulong upang magbigay din ng suporta kay Marcos ay si Initao Mayor Enerito “Gogoy” Acain na kasama ang buong ka-tiket niya sa eleksyon.

Nagtapos ang meeting nila Marcos at Emano sa pamamagitan ng pagkakamay.

Parehong miyembro si Emano at Marcos ng Nacionalista Party at malapit silang magkaibigan. Naging magkasama din sila sa House of Representatives.

Pagkatapos ng pulong, pumunta naman si Marcos sa bayan ng Tubod at Kapatagan sa probinsya ng Lanao Del Norte kung saan isinulong niya ang mensahe niyang pambansang pagkakaisa.

Back to Blog