Bongbong Marcos: I Will Run for Senator

BONGBONG:  I WILL RUN FOR SENATOR

It’s official: Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. will run for the Senate in the upcoming elections instead of seeking another term as congressman.

“I will run for senator. I strongly believe that I can contribute greatly as a senator especially on issues involving the economy,” Marcos said as he filed his certificate of candidacy for senator on Saturday.

Marcos said he is running under the Nacionalista Party that pushes the presidential candidacy of Sen. Manny Villar.

“We need a genuine change in government. A new government and a new leadership that would seriously uplift the lives of the Filipino people,” Marcos said.

The opposition lawmaker said this new government must ensure the delivery of basic services to the people and encourage full development and employment of Filipino talent and skills.

Sa paghahain ng certificate of candidacy

BONGBONG: TATAKBO AKO BILANG SENADOR

Pormal na nagdeklara ngayon ng kanyang kandidatura si Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte para tumakbo sa May 10, 2010 elections.

“Ako ay tatakbo bilang senador!  Naniniwala ako na malaki ang aking maitutulong sa bayan lalo na ang usapin sa problema ng ekonomiya ng bansa,” pahayag ni Marcos sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections ngayong araw (Sabado).

Ayon kay Marcos, sa ilalim ng Nacionalista Party na pinamumunuan ni Sen. Manny Villar,  siya ay kakandidato bilang senador ng Pilipinas.

“Kailangan natin ng tunay na pagbabago sa ating pamahalaan. Bagong gobyerno at bagong liderato! Ito ang magbabangon sa patuloy na kahirapan ng sambayanang Pilipino!” sabi ni Marcos.

Binigyang diin pa ni Marcos na higit sa lahat, kailangang maibigay ang batayang serbisyo o basic services para sa taumbayan kasabay ng paggamit at pagpapaunlad ng talento ng bawat Pilipino.

Back to Blog