Bongbong Marcos dinumog sa balwarte ng LP sa Gingoog City

Nakatanggap si vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ng magandang sorpresa noong hapon ng Huwebes nang libu-libong tao ang dumalo sa kanyang Unity Caravan sa Gingoog City sa probinsya ng Misamis Oriental.

Matatagpuan sa hilagang parte ng Mindanao, o humigit kumulang sa 122 kilometers silangang ng capital city ng Cagayan de Oro, ang Gingoog City ay may population na mahigit 117, 000 at kilalang balwarte ng Liberal Party.

Ang nakaupong alkalde ng siyudad ay si Stella Marie Guingona, ang kapatid ni LP senador Teofisto Guingona III.

Ang mga tao na tinatayang nasa limang libong ay nagbigay ng mainit na pagsalubong kay Marcos nang pumasok sya sa Gingoog Public Market. Marami sa kanila ang isinisigaw ang kanyang pangalan at ang iba naman ay nagtulakan upang makamayan o maka-selfie sya.

Nagpahayag si Marcos ng pagkatuwa sa mainit na pagtanggap sa kanya kahit na ang sortie nya ay kailan lang na-anunsyo. “Hindi ko inakala na maraming tao ang sasalubong sa akin dito. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap at sa pagpunta dito sa pagtitipon na ito,” ani Marcos.

Inulit nya ang kanyang panawagan ng pagkakaisa na ayon sa kanya ay kailangan na kailangang ng bansa upang maresolba ang maraming problema na hinaharap nito sa kasalukuyan at upang magkaroon ng mas magandang bukas ang mga Pilipino.

Ginawa nyang halimbawa ang problema ng kuryente sa Mindanao na ayon sa kanya ay resulta ng matagal na panahon na pagkakawatak-watak. “Sa loob ng 30 years ay mayroon tayong problema tungkol sa power pero anong nangyari? Nakita natin ang politika na syang pumigil sa ating mga lider na magpatupad ng mga programa upang maresolba ang problema sa kuryente,” ani Marcos.

Ang sortie sa Gingoog ay inorganisa ng mga local supporters ni Marcos na pinangungunahan ni Besben Maquiso.

Bago ang sortie, nagkaroon ng maikling motorcade si Marcos sa palibot ng siyudad at pinasinayaan nya ang BBM (Bongbong Marcos) Volunteer Center sa Rodriguez st. kung saan daan-daang tao rin ang sumalubong sa kanya.

Back to Blog