Ambush interview with Senate Media (Part 1)

Ambush interview with Senate Media (Part 1)

Q: MILF says Congress should not set conditions on BBL?

Sen. Bongbong: Nagulat din ako nung nabasa ko yun dahil wala naman akong alam na conditions that we are setting.

Q: Pero sir yung Congress ata, sinabi nila dapat dapat daw …. yung arms, tapos yung mga taong involved….?

Sen. Bongbong: Those are not conditions. Those are part of the peace process. Yung disarmament is an integral part of the peace process. In my view wala namang conditions. Eto naman pag patuloy yung proseso, kung titingnan natin lahat ng mga nasabing yan ay kasama sa prosesong iyan.

If you remember after Mamasapano, ang hinihingi natin sa kanila, they are not conditions but they are gestures of good faith.  And they are confidence building measures, ang tawag natin para nga mabalik ang tiwala ng taong bayan sa proseso.

So these are not conditions. Itutuloy pa rin namin ang pagsusuri at pagdidinig sa BBL. Pero yun na nga, para mabalik nga ang tiwala ng taong bayan sa proseso ng kapayapaan na ating ginagawa ay dapat siguro ay those confidence building measures—we are still hoping the MILF will be able to show. It is not so much for legislators but it is more for the general public.

Dahil nga sa nangyari sa Mamasapano e lahat ayaw na lang yung BBL. E ayaw naman natin yun kasi yung mismong proseso ng kapayapaan ay yun ang nawalan ng tiwala, e hindi naman natin maaaring pabayaan na ganyan.

Q: But do you share the same request that before you resume yung BBL hearings e dapat i-surrender muna yung firearms and yung MILF men na involved dun sa….?

Sen. Bongbong: That would be ideal; although I do not’ think it’s practical kung asahan natin yun. Dahil unang una  sa dami na yan—I think the number that we are talking about is about 7,000. So papano yung proseso na yun? That could take more than a year.

Q: So you would resume hearings even without the surrender?

Sen. Bongbong: Yes, I think we will resume hearings without the surrender. I think as soon as we can resume hearings ire-resume na natin yan.

I think ang sinasabi lang nila, the theory, is hindi naman pwedeng magkakaroon ng peace negotiation hanggat me gyera pa. So that is the sentiment of the general public, and I think the legislators—the  senators and congressmen— who said that. Sinasabi lang nila yung nararamdaman nila na sintimyento ng taong-bayan.

Q: Sir yung Congress leaders nag-commit na na by June 30 maipapasa, is there enough time?

BBM: As usual dito sa BBL gipit sa oras. Hindi naman natin dini-delay e. Basta’t nasa atin na yung mga impormasyon, nasa atin na yung mga report ng mga board of inquiry pwede na. Inaantay ko na lang na matuloy yung aming hearing sa Jolo at saka sa Zamboanga. Yun ang dalawang natitirang hearing na out of town.

Q: Me schedule na?

BBM: Wala pang schedule dahil may security problem ngayon dahil malaki ang operation ng AFP sa….

Q: Kung security problem na lang sir, not because hindi nyo gustong …kayo sir, okay na kayong mag-resume?

BBM: There are just those outstanding questions tungkol sa Mamasapano. On the government side again is how come the chain of command was not followed? What were the reasons that the President chose not to follow the regular chain of command.

On the MILF side we have to find out exactly what are the intentions of the MILF and then this nagging question as to what is the relationship between the MILF and the BIFF, and kung tutulong nga sila bakit si Usman hindi pa natin mahanap? Marami tayong naririnig na intelligence na sya’y itinatago—sino ngayon ang gumagawa nun?

Meron akong impormasyon na—siguro para naman me good news ng konti—ang balita ko dito sa operasyon ng AFP ngayon ay tumutulong naman ang MILF at nagbibigay sila ng intel.

Q: Sir, will you need to have those questions answered before you resume hearings or during the resumption?

BBM: The key is hindi naman nagbabago, I always said that we will wait for the results of the board of inquiry of the PNP, the MILF. We were just surprised kung bakit yung kanilang report ng MILF ay pinadala sa Malaysia, hindi sa atin ibinigay. So anyway antayin natin yun, and the committee report ng committee ni Sen. Grace.

Q: Sir yun bang imposition ng deadline, don’t you see it as part of the process to railroad the passage?

BBM: Well, I think no. I think it is just an expression of sana matapos na by that time, dahil nga talagang naiipit na sa oras. Dahil, if you remember yung transitional authority ay dapat uupo pagkatapos na mapasa na at magkaroon na ng plebisito—ay uupo na yung transitional authority para sila muna ang magpatakbo ng Bangsamoro government.

Pero nung sa hearing natin sa South ay lagi nilang sinasabi kulang ang isang taon. Nung panahon na yun akala natin isang taon pa magiging time nila na mauupo. Dahil starting mga Mayo of this year ay makaupo na sila para one year—Mayo ng 2016 me election.

But sila mismo dun sa mga hearing ang nagsasabi kulang yung isang taon. At gusto nga nila tatlong taon e, sabagay marami silang dapat gawin. So that is another issue because talagang gipit na gipit sa oras. Pero kahit na mapasa sa June—bilangin natin—kung mapasa sa June ang plebisito next year na. Because sabi ng ng Comelec sa atin 6 to 8 months. Pwede ba silang mag plebisito ng Enero?

Kung Enero, uupo lang yung transitional authority ng 5 months kaya’t talagang gipit sa oras. Palagay ko sa 5 months hindi nila kayang tapusin ang trabaho nila.

Q: Sir hindi ba hinahabol lang para sa SONA?

BBM: Ah, hindi ko naisip yun a.

Q: Kasi it will be included as one of the major accomplishments of the President?

BBM: Well maybe that would be. Siguro, para sa kanya, last SONA na nya, pwede nyang sabihin. But again the issues are complex and numerous so kailangan talagang isa-isahin at gawing tama yung BBL. Okay?

Back to Blog