Bongbong ‘inampon’ si Isko

Read the English version here.

unnamed

Senator Bongbong Marcos was Guest of Honor and Speaker during the 23rd Annual National Convention of the Vice Mayor’s League of the Philippines held October 21, 2015 at the Marriott Hotel, Manila themed “Positioning the Local Government Units in the ASEAN Economic Integration.” Manila Vice Mayor Isko Moreno is the VMLP National President. 

“Inampon” ni Senador at vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. si Manila Vice Mayor Isko Moreno, Francisco Domagoso sa tunay na buhay, sa kandidatura nito para senador sa halalan sa Mayo 2016.

“Ngayon ko pa lang sasabihin na ‘yung kandidatura ni Vice Mayor Isko Moreno para sa Senado ay aming i-aadopt siya bilang isang senador,” anunsiyo ni Marcos sa kanyang talumpati sa 23rd Annual National Convention of the Vice Mayors’ League of the Philippines na ginanap sa Marriott Hotel sa Manila noong Miyerkules ng gabi.

“I am honored and humbled. I would like to thank Senator Marcos and I was not even expecting it at all considering that they don’t have a senatorial line-up yet,” pahayag ni Moreno sa panayam matapos ang pagtitipon.

unnamed-1Sinabi ni Marcos na isa sa mga dahilan kung bakit niya napili si Moreno ay dahil sa mahabang karanasan nito sa local government at ang pangangailangan ng pamahalaang nasyonal ng mga opisyal na may wagas na hangarin para sa kapakanan ng mga lokal na pamahalaan.

“Kaya naman very supportive kami sa inyong pangulo na si Vice Mayor Moreno…Sa aming paniniwala, kailangang mas marami tayo sa national government na ang puso ay nasa local government pa rin para maging representative, maging boses at may paninindigan,” pahayag nito sa harap ng mahigit 400 delegado ng convention.

Bago maging senador matapos mahalal noong 2010, si Marcos ay naglingkod din bilang bise gobernador, gobernador at kongresista ng Ilocos Norte.

Back to Blog