Bombo Radyo Philippines – Comelec iminungkahi sa Kongreso ang agarang pag-apruba sa panukalang hybrid elections

By Bombo Dave Vincent Pasit | Bombo Radyo Philippines

Iminungkahi ng Comelec sa mga mambabatas na aprubahan ngayong buwan ang panukalang batas para sa kombinasyon ng manual at automated elections.

Pahayag ito ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms nitong araw.

Ayon kay Casquejo, mahalagang maaprubahan sa lalong madaling panahon ang mga panukalang batas na ito dahil makakaapekto ito sa ginagawang paghahanda ng Comelec para sa halalan sa 2022.

Sa ngayon, nasa second phase na aniya ng procurment process ang poll body para sa automated election system sa 2022 national election.

Gayunman, sakaling hindi maaprubahan ang mga panukalang batas para sa hybrid elections, sinabi ni Casquejo na maglalagay pa rin ng karagdagang security measures ang Comelec sa pagdaraos ng 2022 polls, kabilang na ang sa transmission ng voters’ receipt at implementation ng digital siginatures ng election board.

Back to Blog