Bombo Radyo – ‘Pagdinig sa ARMM polls, gagawin sa Marawi’

Bombo Radyo Philippines

Bombo_radyoMagsasagawa ng public hearing ngayong umaga sa lungsod ng Marawi ang mga senador kaugnay sa mainit na panukalang pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Senate committee on local government chairman, Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., aalamin nila ang totoong saloobin ng mga apektadong residente ng ARMM kaugnay sa panukalang ipagpaliban ang nalalapit na halalan sa Agusto at isasabay na lamang sa 2013 midterm elections.

“We will look into the true sentiments of the people of ARMM. It is the ‘autonomy’ status of that region that we must give due consideration on our deliberations regarding the elections scheduled for this year,” ayon sa mambabatas.

Katuwang ng komite ni Marcos sa one-day public hearing ay ang Committeee on constitutional amendments, revisions of codes and laws.

Binanggit naman ni Marcos na inaasahan na kaagad silang makakabuo ng committee report pagkatapos ng gagawing out-of-town hearing.

“I am confident that after that hearing, the Committees on Local Government and Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws will have the proper basis for a complete committee report which I will bring to the floor soon after the hearing in Marawi.”

Sa kabila ng pagsusulong ng ARMM elections postponement, tuloy naman simula ngayong araw ang filing ng certificate of candidacy (CoC) ng mga nagnanais na tumakbo sa nalalapit na halalan.

Back to Blog