Bombo Radyo – OWWA repatriation fund pinaiimbestigahan sa Senado

By Leizl Galan | Bombo Radyo Philippines

Isinulong ni Sen. Bongbong Marcos ang imbestigasyon sa Senado kaugnay ng emergency repatriation fund ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagpapauwi ng mga kababayang OFWs mula sa ibayong dagat.

Ang hakbangin ni Marcos ay kasunod ng “sex for flight” issue o kontrobersiya laban sa ilang embassy at labor officials na inakusahang minolestiya at binubugaw ang mga kababayan sa Saudi Arabia, Jordan, Kuwait at Syria.

Sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 32, nais ng senador na siyasatin kung paano ginastos ng OWWA ang pondo nito at kung naging epektibo sa layunin nitong tulungan ang mga kababayang nagkaproblema sa kanilang pakikipagsalapalaran sa ibang bansa.

Binigyang diin ni Marcos na ang mga plane tickets para sa mga distressed OFWs ay libre dahil tungkulin ng gobyerno na balikatin ang gastos para sa repatriation ng mga kababayan.

Nabatid na batay sa umiiral na batas, mayroong P100 million na emergency repatriation fund ang OWWA na gagamitin sa pagpapauwi ng mga nagkaproblemang OFWs sa abroad.

Back to Blog