Bombo Radyo – Marcos sa Palasyo: Ibalik ang kinaltas na IRA ng LGUs

By Bombo Radyo/a>

Bombo_radyoHiniling ni Sen. Bongbong Marcos sa Malacañang na ibalik ang kinaltas na 4.8 percent sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga local government units.

Nangangamba si Marcos, chairman ng Senate committee on local government na maapektuhan ang lokal na ekonomiya ng bawat LGUs sa ginawang pagkaltas ng Malacañang.

“The fiscal crisis LGU’s are facing in light of the reduction in their IRA by 4.8% and the expected lackluster performance of the country’s economy by year end is now further threatened by a looming world recession,” ayon kay Marcos.

Iginiit ng senador na dapat bigyang halaga ng Aquino administration ang pondo ng bawat lokal na pamahalaan lalo’t tumaas ng 20 porsiyento ang pondo para sa susunod na taon.

“The 20% increase in the new budget and the administration’s much touted savings should all the more compel them to assist the LGU’s fiscal predicament that foretells of greater suffering for our people particularly those in the countryside, if left unassisted.” Marcos explained

Binigyang diin pa ng senador na mahalagang sapat ang pondo ng lokal na pamahalaan lalo’t nakasalalay dito ang kapakanan ng mga mahihirap.

Back to Blog