Binangonan, Rizal

Kay Mayor Ynares at ang kanyang kasama, andito ang mga ating konsehal, lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, pinangungunahan ng kanilang presiding officer, Vice Mayor May Dela Cuesta, at ang aking pinsan, Congressman Martin Romuladez na inyong busnon narag ispeech ko *crowd applauses* Iyan po ang problema kapag kayo’y nahuli dahil lahat ng gusto mong sabihin nasasabi ng mga nauuna kaya’t magiisip ng mga kung anu-anong mga bagay-bagay. At sa ating mga iba’t ibang grupo, ating mga magigiting na barangay officials, barangay chairmen, ating mga kagawad, mga taga-pamayapa, daycare workers, barangay health workers at nakalagay dito senior citizen wala naman akong nakitang matanda. Lahat ng pinuntahan naming bayan meron may grupo laging nakalista dito sa binibigay sakin na papel, nakalagay senior citizen, hinahanap ko eh puro teenager. Siguro yung tubig dito malinis eh no? The fountain of eternal youth. Ating mga tricycle drivers association, mga empleyado ng bayan ng Binangonan, at lahat po ng iba’t-ibang mga grupo na nakarating dito ngayong hapon na ito ay magandang magandang hapon po sa inyong lahat at maraming maraming salamat sa inyong pagdating dito sa ating munting pagtitipon at pagsasama at alam ko naman po na medyo hindi naman biglaan pero hindi naman siguro naiplano ng matagal, ngunit kayo po ay nakarating at ako’y nagpapasalamat sa inyo sa inyong napakainit na salubong na ibinibigay niyo sa akin. Napakainit po ng salubong nandun palang ako sa labas at akala ko mahuhubaran na ako. Di bale pag pasok ko marami na akong na lips to lips. Yun lang yung isa lalake yata may balbas pa.

Alam niyo po nagsimula ako umikot dito sa lalawigan ninyo, kahapon bumaba kami ng Taytay, pumunta kami ng Antipolo, Teresa, Balas, hanggang po sa Jala-jala, at balik ng Maynila. Ngayong araw naman na ito bumaba kami sa Cainta, at umikot po kami at yung aming kasamahan, marami pong nasama na Ilokano, taga Ilocos Norte. Eh kako sa kanila, naku delikado tayo dito mapapahiya ang Ilocos Norte at parang mas maraming sumasalubong at mas maiinit ang ibinibgay na salubong dito sa atin dito sa Rizal, eh sasabihin ko sa gobernador namin yung aming Gov. Imee eh tapos baka pag nakita sasabihin ko lolokohin ko ang hina hina pala ng Ilocos Norte, eh iyan ang hometown natin pero naluma tayo ng Rizal at maraming salamat po sa inyong napakinit na salubong.

Maraming salamat din po sa mga tumayo na representate, taga ibang grupo at nagbigay ng suporta sa amin, ng aking pinsan na si Congressman Martin, at para sa aking kandidatura para bise presidente. Alam niyo po napakahalaga po ng inyong suporta, napakahalaga ng inyong pagsumpa na ito suporta na ito ay maasahan ng isang kandidato. Iyan po ang aking nakikita po natin. Mayroon po akong ikanakmpanya sa kampanya, sa kampanya na ito bukod sa aking sariling kandidatura bilang bise presidente. Alam naman po ninyong lahat na ako’y tumatakbo bilang bise presidente. Ngunit napapagusapan ko din dahil po kapag ako’y umiikot-ikot at tinatanong ko sa ating mga kababayan kung ano sa palagay nila ang pinakamalaking problema na hinaharap nila. Kung ano ang pagkukulang ng ating pamahalaan na seribisyo na ibinibigay sa taumbayan. At nagsasabi sila ng kanilang mga hinaing, ng kanilang mga problema. At nakapagtataka at kung minsan ay nakakalungkot na din dahil naririnig na natin itong mga problema na ito ng napakalagal na sinasabi nga nila sabi eh papaano eh yung agrikultura natin ay hindi natutulungan, hindi na nasusuportahan.

Alam niyo po na ang agrikultura noong nakaraan ay labis sa tatlumpong porsyento ang kontribusyon sa ekonomiya. Ngayon ay sampong porsyento nalang halos. Kaya’t eh dahil nga nakikita natin kulang ang patubig, kulang ang pautang, kulang ang pagtulong sa pagbili ng abono, yung magagandang bilihin, magagandang seedling, hybrid wala po tayong naibibigay ngayon, wala po tayong masyadong naitutulong sa farm to market road, iyan pong mga bagay bagay na iyan ay dapat ay tulungan natin ang mga farmer natin ay isang bagay yan na maari nating gawin, isa pang bagay na sinasabi ko at ipinaglalaban ko ay, teka, hindi ko muna babanggitin baka kapag nabanggit ko sa harap ni Cong. Martin eh baka pupuntahan natin sila naman ang magsasabi. Ililihim ko nalang sa inyo. Hindi, ang proposal ko sa MIA, itigil na ang pag singil ng pera para sa pagbigay ng patubig sa ating magsaaka. Dahil kung hindi naman tama yun, dahil sa aking pananaw, maliwanag na maliwanag na serbisyo ng gobyerno iyan.

At isa pang bagay na sinasabi, mataas ang presyo ng bilihin. Pag naayos na po natin ang agrikultura, eh gawin po natin, ang ating pamahalaan kapag panahon ng pag aani, ay sila’y mababa po ang preso, di dapat bibili ang gobyerno para po ma stabilize ang presyo. Kapag tag araw naman eh saka nila ipagbibili yun ng parehong presyo kung saan nila binili. Para hindi nagbabago ang presyo sa buong taon. At bukod pa roon, pag mayroon tayong awa na muro na produkto, eh naalala niyo pa ba yung mga senior citizen baka alam po ninyo, yung mga bata eh baka di niyo na maalala ito, naalala niyo pa ba yung “kadiwaston”? ang ginawa doon sa kadiwaston, bibili sa magsasaka at hahawakan, kapag mababa na ang supply at tumataas ang presyo, tsaka bibitawan yun at ipangbibili sa tao. Kaya’t ang mga tao kahit sa Maynila, kapag bumibili sila ng mga produkto, para silang pumunta sa bukid at binili sa magsasaka at nakakabili ng initawag na farm gate price. Parang bumili ka doon sa mismong farm. Yun ang mga dapat, kapag mataas daw ang presyo ng bilihin, iyan ang maaari nating gawin.

Ang sinasabi eduksayon, kulang po daw. Ang ating classroom, kulang naman po daw, eh hindi naman maganda ang mga librong ibinibigay at sa aking pananaw kulang ang suporta sa ating mga guro. Yung k-12, hindi pa natin na implementa ng mabuti. At yung aking proposal na sinasabi at sinasabi ko po, lahat siguro ng SUC, ng State University and College, lahat na basta’t tanggapin ang estudyante sa bawat SUC, dapat libre na ang matrikulasyon sa ating mga paaralan. Lagi nating sinasabi ang kabataan ay ang ating pag asa, ang ating kinabukasan. Eh kailangan nating gawin ang lahat para tulungan at maging maganda ang ating kinabukasan para sa pamamagitan ng pagpaganda ng sistema ng edukasyon natin. Tayo ay dati, the most literate, highest literacy rate in all of Asia. Mula noong panahon, mula noong “no read, no write eh” ngayon bumabalik nanaman at kulang ang ating edukasyon. Yung ating mga manggagawa, yung ating mga OFW, marami siguro dito may kamag anak, may kaibigan, may kilala na OFW, lahat iyan kailangan po natin suportahan. 10 milyun po ang umaalis, 10 milyun po ang Pilipino na andiyan po sa abroad na nag tratrabaho, nag sasakripisyo, lumalaya sa kanilang mahal sa buhay para lamang makapag hanap buhay. Alam niyo po eh yung isa pang sinasabi sa atin ay yung kakulangan ng trabaho. Alam niyo po ako’y nagulat noong nalaman ko at nabasa ko, mayroon akong pinag-aaralan tungkol sa immigration, tungkol sa remittance, at nagulat ako noong nabasa ko, alam niyo po ba na limang libong Pilipino ang umaalis sa Pilipinas naghahanap ng trabaho. Hindi po bawat taon, hindi po bawat buwan, limang libo po ang umaalis dito sa Pilipinas bawat araw para mag hanap ng trabaho. Ganyan po, ganyan ka kulang ang trabaho, kaya’t sinasabi ko po dapat ang pamahalaan ay dagdagan nila ang pag develop ng imprastraktura natin para lumaki ang ekonomiya natin. Dapat dagdagan nila ang training para sa ating manggagawa. At dapat may partnership, may partership dito sa ating mga private sector, ating mga kompanya, ating mga negosyante para naman handa ang ating mga graduate, ating mga manggagawa, eh yun po nagkaka problema bumaba ang presyo ng langis, nag uuwian ang mga Pilipino mga OFW, dapat meron tayong programa diyan dapat diyan training para makapasok sila sa trabaho dito sa Pilipinas.

Iyan po ang ating mga nakikitang problema, iyan naman po ang ating nakikitang ibang solusyon. Kaya po ang ating laging iniisip ay dapat, mayroon dapat magkasama nag tutulungan. Iyan po nandito ang ating barangay officials, nandito ang mga kababayang nabanggit. Ako ay chairman ng committee ng Local Government. At ibinilin ko po noong ako ay unang naging senador noong nag bibigayan ng chairmanship, eh sinabi ko sa ating senate president, sabi ko, “Mr. President, kahit na anong ibigay niyo sakin, ipipilit ko na ibigay ninyo sa akin ang local government chairmanship. Committee on Local Government. Dahil ako ay isang pulitiko, isang lingkod bayan na lumaki sa local government, bilang gobernador ng 9 na taon ng Ilocos Norte, gobernador ng dalawang taon noong nakalipas na vice governor before that.” Kaya’t sinasabi ko sa aking palagay, kulang ang boses ng local government dito sa national government. Eh ang binigay naman po sa akin at mula noon, ginawa kong katungkulan ko na magbigay ng boses ng local government sa national government. Kung minsan po eh opisyal natin na hindi naman po talagang dumaaan sa local government eh kung minsan hindi nila nauunawaan kung ano ba talaga ang mga kailangang gawin dito po sa ilalim at nakikita lang nila, feeling nila nababasa lang nila sa libro. Kaya’t sinasabi ko sa kanila kung minsan dapat hindi tama yung approach ninyo na sinasabi niyo, inuutusan ninyo ang ating mga LGU Chief Executives, ang ating mga barangay officials na kung anu-ano ang gagawin. Dapat baliktad ang ginagawa natin. Dapat una pakinggan natin ang ating mga local officials dahil wala nang nakakaalam sa mga problema sa sitwasyon sa isang lugar kung hindi ang ating LGU officers, ang ating barangay governors. Kaya’t lagi kong pinapaaala sa kanila. Huwag naman kayong matakot, kapag humingi sila, kapag kinausap niyo sila, mag sasabi sila ng problema. Pero kadalasan, may kasama ding solulsyon yung mga problema na iyan. Kaya’t dapat mas maganda ang pagsasama. Hindi ko naman sinasabi, mamumuno ang local government sa national government, ang sinasabi ko lang ay dapat mas matibay ang pagkakaisa at pagka partner ng local government at saka national government. Kaya po yung ating ginawa noong nakaraan ay sa SK, ang gumawa ng SK, binago namin yung SK dahil gusto nang i-abolish ng iba. Eh kako huwag, eh yung sinabing mag postpone tayo ng huwag, inayos namin, mayroon pa rin tayong SK Reform Bill, maraming pagbabagong nilagay diyan.

Yung isa pang aming isinulong ay tinatawag na Barangay Retirement Benefits Bill. Iyan po ay napaka simple lamang. Ang aming ginawa ay sinabi meron pong 60-40 ang hatian ng national government at saka local government. Doon sa 60% share ng national government kumukuha tayo ng 1%, eto katumbas niyan may mga 5.2, 5.3 Billion. Ang 5.2, 5.3 Billion na yan ay gagamitin natin bilang pondo para makapagbigay ng retirement benefits sa ating mga barangay officials at ang ating mga barangay boarders. Kasama mo diyan ang mga lupon, ang mga daycare at mga DHW. Kaya’t doon sa perang iyan, ay gagawin natin kapag nakapag buo halimbawa ng tatlong termino ang ating barangay official, ay at mag reretire na yun, siyempre yun po ang pinakamataas ang makukuha yung barangay chairman hanggang isang daang libo ang kanyang magiging retirement benefit. Ang pinaka mababa ng bababa hanggang sa barangay volunteers, na limapung libo na pwedeng ibibgay sa kanila. Naipasa na natin ito sa senado ng 3rd reading, naku wag lang naman sana na makita at sasabihin hindi kakasya, hindi gagawing batas, kaya’t sinasabi ko, binibida ko sa ating mga local officials kapag lahat eh, kampanya na ito, maraming lalapit sa inyo, hihingi ng tulong ninyo, eh sabihin eh tulungan din ninyo naman ako na, suportahan ninyo, etong aming barangay reitrement benfits bill, na maging batas na para naman, eh pagkikilala lang naman, sa dinami dami ng pinapagawa sa barangay officials, ang dami, araw araw eh lalo na yung barangay volunteers, yang mga yan eh di kumkilala ng bagyo, hindi kumikilala ng bilad sa araw, bastat lahat araw araw nakalabas, araw araw nakaharap sa tao. Araw araw na sinasagot ang mga hiling ng mga kababayan kaya’t dapat naman suportahan naman natin at bigyan natin ng konting benepisyo. Kaya po naipasa ko sa senado ang Barangay Retirement Benefits Bill. Ang kasunod po diyan ngayon pong nilalaban namin ay ang postponement ng barangay. Bakit nagsawa na kayong mag election, hindi ko pa sinasabi na postponement ng election ng barangay. Nilalakad namin dahil noong 2012 ata, ay lumapit sa akin ang Liga ng Barangay, at sinabi sa akin na dapat ay pag aralan natin ng mabuti yung postponement muna at yung pag babago sa inyong termino at saka term limits. Ang proposal ng liga ng barangay ay limang taon ang termino, 3 term limits. Nilakad lakad po namin, na compromise namin ang 5 taong termino, 2 terms limits. Okay, ngunit nagkabiglang nag announce ang palasyo na sinasabi walang postponement, walang pagbabago, pareho daw ng tagal, kaya’t natigil ang aming ginagawa. Ngunit ang inyong liga ay walang tigil na paulit ulit na bumabalik sa akin kaya naman na kailangan baguhin ang sistema ng barangay kaya ang ginawa po natin, inuna natin ay ang postponement. Mayroon pong panukalang batas na inilalakad namin na sana makahabol pa, na i-postpone ang susunod na halalan ng barangay officials. Kaya’t eto ay gagawin natin pareho nung SK. Dahil yung SK nag postpone, pinost-pone namin dahil kailangan naming pag aralan ang mga pag babago. Kaya’t ganun din sa barangay officials, i-popostpone natin para mapag aralan, ano ba talaga ang pinaka mainam na gawin para sa ating mga barangay officials. Dahil nga ang proposal ninyo, 5 years ang term, at 2 ulit, 3 term. So yun ang mga nilalakad namin at eh sa aking palagay kaya ko naging parang advocate naging boses ng local government dahil sa aking pananaw, ang pamahalaan ay dapat lahat mga partnership. Partnership ng gobyerno at saka private sector, Partnership ng local government at national government. Partnership ng lahat mga sector ng lipunan.

Kaya po bukod sa aking kandidatura na bilang kandidato para sa bise presidente, na isinisagaw ko po at nagiging adbokasiya ko po ating pagkakaisa. Ang pagkakaisa muli ng lahat ng mamayang Pilipino na makita po natin ulit na tayo ay nag tutulugan at nag mamahalan. Dahil po sa nakarami nang taon, sa nakarami ng administrasyon, nakita po natin ang mga lider natin na tayo ay pinaghihiwa-hiwalay, tayo’y pinag wawatak watak ang ating lipunan at tayo’y pinag aaway-away. At yung nasa iba’t ibang lupon, meron mga iba diyan sinasabi, eto ang partido namin, hindi kayo kasama dito, kami lang ang nandito. At eh eto sa mga grupo, kami, tiga rito kami, kayo tiga diyan, hindi tayo magkasama. Hindi po tama yun, sa aking palagay, hindi po tama yun at lalong lalo na dahil eto’y kanilang ginagawa alang alang lamang sa pulitika, para sa kapakanan ng kanilang mga sarili, ng kanilang partido, ng kanilang grupo. Nakakalimutan na po na sila’y lingkod bayan, sumumpa na mag serbisyo sa publiko at isipin lamang ang kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino. Kaya po eh sinasabi ko eh bakit bat mukhang nakalimutan na nila at kailangan nating ipaalala sa kanila na wala naman pong mag mamahal sa Pilipino kundi ang Pilipino rin. Sino ang tumutulong sa ating mga kakabayan, kundi tayo. Sino ang mag aayos at mag papaganda ng Pilipinas kundi tayo ring mga Pilipino. Sino ang aasahan natin yun kung hindi ang ating mga lider. Kapag yung nakalimutan nila ang kapakanan ng taong bayan, naligaw na po tayo, kaya’t kailangan nating pabalikin ang pag iisip ng ating, hindi lamang ng taong bayan kung hindi pati at lalo na ang ating mga lider, ibalik natin sa kanila ang pag iisip na tayo ay Pilipinas. Kahit saan man tayo, mayroon po tayong Waray, mayroon po tayong Ilokano, mayroon Tagalong, may Bikolano, may Bisaya, may Kristiyano, may Muslim, may Aglipayan, marami po tayong pinanggaligan, ngunit pag sinabi eto ay Pilipino ay dapat ang ating pamahalaan ay sinasabi yan, pagkat sila ay Pilipino, sila ay mahal ko, sila ay tutulungan ko, sila ang gagawin ko ang lahat para maging mas maganda ang kanilang buhay. Marami po tayong hinaharap na problema sa ating bayan, hindi po kaya ng kahit sino, kahit gaano kagaling, gaano kasipag, kahit sinong isang tao, na hindi kayang ayusin ang lahat yan. Kahit na isang ahensya ng gobyerno, kahit isang partido, hindi po maaring maayos lahat yan. Kailangan po ay lahat ng sector ng lipunan ay magkapit bisig at magsama sama muli at magkaisa muli upang magamit po natin, mapagbuo po natin ang galing, ang talino, ang husay, ang kabaitan, ang ating mga kababayan. Kaya naman po eh dapat na mabalik yung dating isinisigaw na tayo dito sa Pilipinas, tayo ay isang bansa na iisang diwa, may isang gawa. Iyan po ang aking nakikita na pangangailangan ngayon ng ating bayan.

At kaya po ang aking ikakampanya at aking adbokasiya ay ang pagsulong ng isang kilusan ng pagkakaisa muli. At dahil sa aking palagay eto lamang ang tanging paraan kung paano mangyari na maramdaman muli ng sambayanang Pilipino ang progresibong bukas, ang magandang kinabukasan, ang pagbabago, ang pagpaganda ng kanilang mga buhay. Yan po ang aking naging pangarap para sa ating minamahal na bayan. At kung po eto’y masimulan natin at makita po natin eh sasabihin ko asan ang simula yan, eh napapagusapan namin yan noong ako’y nangangampanya doon sa lalawigan ng Rizal, dahil nakita ko sa Rizal ay talagang naunawaan ninyo ang pagkakaisa, kaya’t napakagandang pagpatakbo sa pamumuno ng inyong magigiting na lider ninyo sa lalawigan ng Rizal, dito sa bayan ng Binangonan. Kaya po ay sasabihin ko, dito nalang natin simulan. Dito na nating unahan gawin nating halimbawa, ipakita sa taong bayan, na ipakita sa buong Pilipinas, ipakita sa buong mundo, kaya naman naming mga Pilipino na magkaisa muli. Wala naman po sa ugali ang pala-away na Pilipino, wala po nun, wala sa ugali natin. Ang ugali ng Pilipino ay matulungin, mapagmahal, lahat ng pwedeng gawin para maging mas maganda ang buhay ng kanyang kapwa ay ginagawa. Iyan po ay ang mga dapat nating gawin. At simula na po natin ang pagkikilos na yan dito po sa inyo, kasama dito, at para sa inahin natin, pagkatagal ng panahon, kapag itong kilusan na ito ay tuloy tuloy nang gumagalaw, ay naging ipasaisip na sa ating bayan ay masasabi, maririnig po natin hindi lang dito sa Pilipinas kundi hindi sa ibang bansa sa buong mundo, maririnig po natin, iyan ang mga Pilipino, tingnan niyo sila, sila’y nagkakaisa, sila’y nagmamahalan. Kaya naman ang Pilipino, taas noo kahit na kanino. Iyan po ang ating *crowd applauses* Iyan po ang ating pangangailangan dito sa atin para sa ating kinabukasan. Ito po sa aking pananaw ang hamon sa atin ng kinabukasan.

Ito ang hamon sa atin ng ating mga kabataan, ng ating mga anak, at ang kanilang magiging anak. Na sana naman, na kapag panahon na sila ang nag hahanap buhay, sila na ang nagpapa aral ng kanilang mga anak, sila na ang nag susuporta sa kanilang suporta, ay masasabi naman natin na ang naiwan natin sa kanilang Pilipinas ay isang isang lipunan na kumukupkop at tumutulong sa bawat mamamayang Pilipino. Iyan po at sa palagay ko ang magdadala sa atin ng mahiwagang at magandang kinabukasan, para’y tayo’y lilipas na din. Ginagawa na po natin ito para sa ating mga anak, sa mga susunod sa atin na Pilipino. Ay iyan po ang aking pangarap at sa tulong ninyo, sa suporta ninyo, sa tuloy ninyong walang sawang pagmamahal sa inyong kapwa Pilipino at sa inyong bansang Pilipinas, ito pong pangarap, ito pong panalangin ay magiging totoo. Kaya’t samahan po ninyo po ako, samahan ninyo po ako dito sa kilusan na ito at ipagkaisa natin muli ang sambayanang Pilipino. *crowd applauses* Nasa kamay po natin ang takbo ng ating kinabukasan. Huwag nating maibibigo ang inaasahan satin ng taong bayan. Huwag po nating makakalimutan ang kapakanan ng ating minamahal na Pilipinas. Maraming Salamat po. *crowd applauses* Mabuhay po ang bayan ng Binangonan! Mabuhay parin ang Rizal! Mabuhay po ang Republika ng Pilipinas! Maraming salamat po at magandang hapon po sa inyong lahat!

Back to Blog