Bigo ang gobyerno na ibigay ang scholarship ng mga anak ng bgy. officials simula ng ito ay itinakda 22 taon na ang nakararaan- Marcos

Hindi naibibigay ng pamahalaan ang scholarships sa mga anak ng barangay official sa loob na ng 22 taon simula nang ito ay itinakda ng Local Government Code na naging batas noong 1991.

Ang nakalulungkot na katotohanang ito ay napagalaman sa nakaraang public hearing ng Senate Local Government Committee, na pinamumunuan ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., kaugnay ng isinusulong nitong Senate Bill No. 12, kasama ang ibang katulad na panukala, na naglalayong magbigay ng retirement at iba pang benepisyo sa barangay officials at volunteer workers.

“Iyung sa scholarship…napapag-usapan, nasa batas pero hindi naibibigay,” ayon kay Marcos.
Sa naturang pagdinig, sinabi ni Carmencita N. Delantar, director of Department of Budget and Management, na 15 taon na ang nakakaraan ay nagkaroon na sila ng kalkulasyon na aabot sa P6 bilyon ang pondo na kakailanganin upang ipatupad ang scholarship program sa panahong iyon.

“At that time, the number of barangays was not as big as now. We have 42,028 already. At that time, Sir, we made some calculations and that was already to the tune of P6 billion,” sabi ni Delantar kay Marcos.

Sa Section 393, paragraph B, sub-paragraph 5 ng naturang batas, ang barangay officials “shall be exempted during their incumbency from paying tuition and matriculation fees for their legitimate dependent children attending state colleges or universities…”

“To come up now with the exact or absolute funding requirement is not very feasible because it (law) has no limitation, let’s say, (for example) for a maximum of six or four children, then you can come up with a specific funding requirement,” ani Delantar.

Sinabi ni Marcos na kailangang gumawa ng paraan ang pamahalaan upang maipatupad ang naturang scholarship program dahil sa liit ng kinikita ng mga barangay officials ay hindi nila kayang pag-aralin sa kolehiyo ang kanilang mga anak.

“While the government should be giving scholarships, we are not giving it, for one reason or another. Of all the government workers, it’s the barangay officials who need this kind of government assistance the most,” ayon kay Marcos.

Back to Blog