Bayaran ng buo in advance ang mga gurong magtatrabaho sa May 2013 election- Marcos

Hinikayat ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Commission on Elections (Comelec) na bayaran ng buo in advance ang mga teacher na gagampan ng poll duty sa May 2013 elections.

Sa mga nagdaang eleksyon, umalma ang maraming guro dahil sa delay umano ang kabayaran sa kanilang trabaho. Nagreklamo din ang mga ito dahil sa installment din ang kanilang bayad na kadalasan ay matagal nang tapos ang eleksyon pero hindi pa naibibigay sa kanila ang kabuuang bayad.

“Dapat bayaran na ng Comelec ang mga teacher bago pa man ang takdang araw May elections. Kung nais ng Comelec na fair ang halalan, fair din dapat sila sa mga guro sa pamamagitan ng pagbabayad sa kanila ng buo in advance,” ayon kay Marcos.

Back to Blog