Bandila

Julius Babao: Magandang gabi sa inyo.

BBM: Magandang gabi sa lahat ng mga nanunuod.

Karen Davila: Ano pong reaksyon niyo sa sinabi ni Pangulong Aquino na mayroon daw siyang tiwala sa mga boss niya, na hindi pa makakabalik pa sa kapangyarihan ang pamilyang Marcos?

BBM: Kung iyon ang kanyang opinyon, ang amin namang ginagawa ay hindi naghahabol ng puder, kung hindi ipinagpapatuloy lamang ang aming serbisyo sa bansa. Kaya’t hindi namin iniisip. Hindi iyon ang issue para sa amin. Kaya’t hindi namin iniisip iyong ganoong klaseng pagbalik sa puder. Ang iniisip naming kung anong magagawa namin para mas maganda ang buhay dito sa atin.

KD: Senator, sinabi rin ni Pangulong Aquino na kung nag-sorry daw or nag make amends, it’s a direct quote from the report, possible pang matanggap ito, pero walang narinig na sorry po kailanman galing sainyo or kahit kaninong miyembro ng pamilya niyo Sir.

BBM: Well, kung sino man, kung mayroon akong nasaktan o mayroon akong nagawang pagkakamali, kailangan naman talaga ako mag apologize. Pero ano iyong iaapologize? Sino bang sinaktan ko? Saan ba ako nakagawa ng krimen? Sa palagay ko, wala namang ebidensiya tungkol diyan. Pero kung mayroong maipakita, na mayroon akong nagawa dahil doon, mayroong nahirapan, mayroong nasaktan, handang-handa ako mag apologize sa kung kanino pa man.

KD: Senator, iyong hinihingi po ng ilang sektor na gawa ng inyong ama sa kanyang panunungkulan, naniniwala kayo na walang pangangailangan mula sa sino mang miyembro ng inyong pamilya na huminigi ng paumanhin o ng tawad Sir?

BBM: Well, pareho. Kung ito’y talagang maliwanag na sa aming ibinabalak na gawin ay mayroon ngang nasaktan at mayroon ng nahirapan, pero hindi naman iyong pananakit o ang paghihirap ay hindi naman iyon ang polisiya ng pamahalaan. Kung nangyari man iyon, hindi iyon ang binabalak ng administrasyon ng aking ama.

JB: Senator, tinaas po ni Senator Enrile po ang inyong kamay bilang endorsement. Pero alam naman po ng lahat na isa po siya sa dahilan kung bakit po napatalsik ang inyong ama sa posisyon. Paano po nangyari? Ano pong mga pinagdaanan niyo para umabot sa ganito?

BBM: Well, wala naman akong masasabi na talagang, ito at ito ay nangyari, siguro pare-pareho lang kami nakapag move-on na. Kaya’t siguro ang sitwasyon ay kung ano iyong sitwasyon ngayon ay hindi na namin masyado.

JD: Hindi niyo pinag-usapan iyon?

BBM: Napapag-usapan namin pero matagal na iyon, tatlumpung taon na ito. Noong una kami nagkita, syempre napag-usapan namin iyon pero marami ng nangyari. Pareho kaming naging Senador. Marami kaming ginagawa sa Senado bilang Senador. Siguro, iyong attention namin napunta doon sa trabaho. Dahil nga we have cleared the air, ika nga.

JB: Nabanggit niyo po sa isang interview na you are lucky to be a Marcos. Ano pong ibig niyo sabihin doon?

BBM: Dahil syempre sa aking pananaw, kung hindi ako napanganak na isang Marcos, hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makatulong at makapagserbisyo sa tao. Iyon sa palagay ko ang pinaka malaking naidulot sa aking pagpili ng aking mga magulang.

JB: Although may mga maganda ‘ho nagawa si Ginoong Marcos in the past, hindi po maikakaila iyon, pero tanggap niyo na rin ‘ho ba na mayroon din siyang mga maling nagawa, noong siya po ay nanunungkulan bilang Pangulo sa Pilipinas?

BBM: Sino bang hindi nagkakamali? Ang Diyos lang ang hindi nagkakamali. Syempre, kahit sinong tao, kahit gaano kagaling, kahit kahusay, kahit katiyaga, kahit kasipag, kahit papaano ay siguro ay maaaring mas pagandahin pa iyong kanilang trabaho. That’s something acceptable. Very well accepted naman sa amin. Hindi naman kami ganoon kayabang na sinasabi, hindi kami nagkakamali.

Ces Drilon: Follow up doon kay Julius, ano iyong pinaka malaking pagkakamali ng inyong ama?

BBM: Siguro iyong pagtiwala niya sa mga iba’t-ibang tao na hinding-hindi niya dapat pinagkatiwalaan.

CD: Ngayong taon po, kayo ang pangatlong pinakamayaman na Senador sa inyong statement of assets, liabilities and net worth na two hundred (200) million pesos. Samantalang noong 1992 po, ang inyong net worth ay six hundred thousand (600,000) lang bilang Congressman, ang laki ‘ho ng inilaki. Saan galing ‘ho ang kayamanan?

BBM: Marami diyan ay mga asset na naipanalo namin sa mga kaso. Kaya’t naman iyong iba’t-ibang asset, iyon ang nagdagdag. Kung titignan niyo iyong pinaka-una kong SALN, may malaking bahagi doon nakalagay, “undetermined”, dahil nasa korte pa. Iyong iba doon, naresolve na kaya kailangan ko na ilagay sa SALN ngayon. Dahil nakapangalan na sa akin

CD: So, ito ay mga kaso na naipanalo ninyo? So hindi ito, ipinaglaban ninyo sa korte, hindi ito nakaw na yaman?

BBM: Hindi. Maliwanag naman nandiyan sa SALN ko. Siguro lahat na ng tao na naghahanap ng ganyang klaseng katiwalian eh, tinignan na yung SALN ko, maliwanag na maliwanag yung SALN ko. Kahit yung mga gustong bumatikos , sinasabi nila iyon ang pinakakumpletong SALN, sa lahat ng mga opisyal na nagfile ng SALN.

CD: Ano ‘ho ang dahilan, mabalik sa tanong na, bakit ayaw niyong humingi ng sorry? Anu ‘ho ang dahilan samantalang malaki namn ang ebidensya na nagkaroon ng pagmamalabis noong nasa puder ang inyong ama?

BBM: Hindi ko, well uulitin ko gaya ng kanina kong sagot. Ang aming sinasabi na, hindi naman iyon ang intensyon, kung anuman ang nangyari , hindi iyon ang intensyon. Kung balak ko talagang saktan ang isang tao, iyon ang talgang malaking pagkakamali, dapat at the very least na makapagpaapologize.

CD: Kasi ‘ho diba, pangalang Marcos ang inyong dala-dala, bilang anak ng inyong ama, wala ‘ho kayong nakikitang dapat na ituwid sa kasaysayan?

BBM: Ang kasaysayan ay nandiyan na, hindi natin pwedeng palitan. Kaya’t hindi mo maitutuwid ang baluktot. Hindi mo maibabaluktot ang matuwid so pabayaan natin ang kasaysayan ang maghusga sa kanya.

KD: Madagdag ko lang, confirmed na po ba na kayo ni Senator Mirriam ang magkatandem? Nagkausap na ba kayo?

BBM: Oo. Nakailang pag-uusap na kami at nagkausap na kami tungkol sa detalye, dahil nga it is a… medyo nakakaiba itong aming pagsasama. We define it as, ang tawag namin ay, loose coalition. So, may mga detalyeng napapag-usapan.

KD: So you will campaign together?

BBM: We will campaign together and apart dahil syempre dahil kailangan magcover ng marami hangga’t maaari makita kami sa maraming lugar. So, yes both.

KD: Sa mga susunod po, tanging “Yes” or “No” ang pwede niyong isagot. Gusto niyo po ilibing ang inyong ama sa Libingan ng mga Bayani?

BBM: Yes.

KD: Nagsinungaling po ba kayo tungkol sa inyong school records or degree?

BBM: No.

KD: Okay. Pabor ba kayo sa political dynasty?

BBM: Sa anti-politcal dynasty or political dynasty?

KD: Sa political dynasty.

BBM: No.

JB: Ako naman. Sa tingin niyo ba Senator Marcos ay vindicated na ang inyong pamilya sa mata ng mga Pilipino? Yes or no?

BBM: Hindi ko maunawaan kung ano ibig sabihin ng vindicated?

JB: Nakalimutan na ba ng Pilipino iyong nakaraan? Moving forward na po? O napatawad na kayo ng mga Pilipino kung mayroon man mga kasalanan?

BBM: Siguro yes. Binoboto kami eh.

JB: Tutol po ba kayo sa corruption sa ating pamahalaan?

BBM: Yes.

JB: Sang-ayon ‘ho ba kayo sa diktatoryal na pamahalaan?

BBM: No.

JB: Masama ba ang loob mo sa mga Aquino?

BBM: No.

CD: Kapatid niyo po ba si Grace Poe?

BBM: Maganda yata iyong yes kesa sa no.

CD: So aangkinin niyo na?

BBM: No.

CD: Kayo po ba ay nakipagkita kay Michael De Guzman, na isang bangkero noong 1986, para po mabawi ang ilang Swiss accounts ng inyong pamilya?

BBM: Hindi ko alam kung bakit siya nandoon.

CD: Yes or no?

BBM: Hindi kami.

CD: Yes or no po.

BBM: Nandoon siya pero hindi tungkol diyan. Hindi iyan ang pinag-usapan. So, maybe no. The answer to your question would be no.

CD: Nakipagkita kayo kay Michael De Guzman, your answer is no?

BBM: Nakipagkita kami para magwithdraw, no.

CD: Ano iyong dahilan ng pagkikita ninyo?

BBM: Wala, hindi ako kasama sa usapan.

CD: Kayo po ba, mabalik doon sa tanong ni Karen, kayo p oba ay nagkaroon ng degree sa Oxford?

BBM: Yes.

KD: Alright. Hindi po ba special diploma iyon?

BBM: Yes but it is still a Bachelor of Arts degree.

KD: So, ito. May mga tanong ang netizens. Pero idadagdag ko ito. May nagtext, yes or no. Dapat na bang mag move on si Pangulong Aquino?

BBM: Yes.

KD: Okay. Mula sa mga netizens sa twitter ni “Faj Tajar”, naniniwala po ba kayong walang naging masamang epekto ang Martial Law ng inyong ama? At gusto mo ba maging katulad niya? Twitter question po iyan.

BBM: There are two questions.

KD: Nagkaroon ba ng masamang epekto ang Martial Law?

BBM: Yes.

KD: Gusto mo ba maging tulad ng inyong ama?

BBM: Yes.

JB: Gusto ko lang linawin. Tulad po ng inyong ama sa ano pong aspeto, Senator?

BBM: Sa kanyang pagmamahal sa kanyang bansa. Sa kanyang pagbuhos ng kanyang buhay para sa serbisyo sa bayan. Para sa kanyang paghahabol at laging pinaglalaban ang kapayapaan ng ating mga kabababayan.

KD: Okay. On that note. Maraming Salamat Senator Bongbong Marcos. Thank you sir.

Back to Blog