Balita.net.ph – P5.2-B retirement pay sa barangay officials, isinulong sa Senado

By Mario B. Casayuran | Balita.net.ph

Screen Shot 2014-06-17 at 14.27.42Dapat bang maglaan ang gobyerno ng P5.2 bilyon para sa retirement pay ng mahigit sa 1.8 milyong barangay official at health worker sa bansa?

Iminungkahi ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman ng Senate Committee on Local Government, sa Kongreso na agad na ipasa ang panukala na magbibigay ng retirement benefits sa mga barangay offi cial at health worker.

Inendorso ni Marcos ang Senate Bill No. 12 o “An Act Providing Barangay Officials, including Barangay Tanods, Members of the Lupon ng Tagapamayapa, Barangay Health workers at Barangay Day Care Workers A Retirement Benefit.”

Umaasa si Marcos na tatalakayin ng Kongreso ang panukala sa pagbubukas ng plenary session ng 16th Congress sa Hulyo 28.

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), aabot sa mahigit 1.8 milyon ang kabuuang bilang ng barangay official sa bansa.

Subalit nakasaad sa Marcos bill na hindi dapat lalagpas ang edad ng isang barangay official sa 60 at sa huling siyam na taon nitong paninilbihan ay maaari na itong makatanggap ng retirement benefits.

Kung pagbabasehan ang ganitong criteria, lumilitaw sa record ng DILG-Barangay Operations Office na hanggang Hunyo 7, 2013, aabot sa 95,616 mula sa 1.8-M barangay official ang kuwalipikado nang makatanggap ng retirement benefit.

Ipinanukala rin ni Marcos ang pagtatatag ng Barangay Retirement Fund mula sa taunang investment na may katumbas an halaga sa isang porsiyentong alokasyon ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng national government sa isang lokalidad

Back to Blog