Balita – Boses ng Sulu at Zamboanga sa BBL, diringgin –Marcos

By Leonel Abasola | Balitabalita

Hindi pa rin nakatitiyak si Senator Ferdinand Marcos Jr., kung maipapasa sa Hunyo 10 ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Marcos, marami sa kanyang mga kasamahan ang may mga katanungan na dapat ding matugunan at pagdebatehan.

“If we manage to pass it by June 10, then well and good. But what is more important is that we pass a version of the BBL that we believe will really work to achieve its avowed goal, and that is to bring peace and prosperity to Muslim Mindanao,” ani Marcos.

Itinakda rin ni Marcos, chairman ng Senate committee on local government ang magkasunod na pagdinig sa mga lalawigan ng Sulu at Zamboanga City ngayong Miyerkules at Huwebes.

Sa susunod na linggo naman magkakaroon ng botohan sa Kongreso hinggil sa pagpasa ng BBL.

“I made a promise to the people of Jolo and Zamboanga that they will have a chance to air their views on the BBL and so we set these hearings to fulfill that promise,” dagdag pa ni Marcos.

Matapos ang pagdinig sa Jolo at Zamboanga, diringgin naman ng komite ang panig ng Moro National Liberation Front (MNLF) kasunod ang mga katutubo at ilan pang mga may kinalaman sa rehiyon.

Tiniyak din ni Marcos na hindi lahat ng nakassaad sa panukalang BBL ay makakapasa dahil kailangan talaga ang pagbabago sa ilang panukala.

“We will amend on the power sharing, we will amend on the administrative issues, we will amend on the economic issues, we will certainly amend on the constitutional issues,” dagdag pa ni Marcos.

Back to Blog