Ayuda Ikinasa ni Senador Bongbong; Team Marcos Naghanda sa Relief Operation

PUSPUSAN ang isinagawang paghahanda ng Team Marcos sa patnubay mismo ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang maipaabot ang kaukulang tulong sa mga naging biktima ng Bagyong “Mina sa Hilagang Luzon kamakailan.

Ang paghagupit ng Bagyong “Mina” sa naturang lugar ay nag-iwan ng malaking pinsala sa buhay at ari-arian ng libo-libong pamilya.

Ganito din ang naging pangunahing pagkilos ni Sen Marcos matapos hagupitin ng Bagyo “:Juaning” kamakailan ang mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes. Nagpaabot din ng ayuda ang senador nang salantahin ng magkakahiwalay na pagbaha at landslides ang Lungsod ng Davao at Tacloban City sa Leyte noong mga nakaraang buwan sa taong kasalukuyan.

Back to Blog