APEC gamitin para ayusin ang relasyon sa China tungo sa solusyon sa problema sa West PH Sea

Read the English version here.

Nanawagan ngayon si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos na gamitin ang pagkakataong dulot ng Asia Pacific Economic Cooperation summit upang ayusin ang relasyon sa China lumamig nitong mga nakaraang taon dahil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Nauna rito kimumpirma ng Ministry of Foreign Affairs ng People’s Republic of China na dadalo si Chinese President Xi Jinping sa APEC summit na gaganapin sa Manila sa darating na linggo.

Matatandaang ilang linggo lamang ang nakalilipas nagdesisyon ang United Nations arbitration court na may jurisdiction dito para dinggin ang ilang reklamong inihain ng Pilipinas kaugnay sa pinag-aagawang mga teritoryo. Hindi kinikilala ng China ang authority ng korte na dinggin ang kaso.

“Para sa akin dapat nating gamitin ang lahat ng oportunidad na makipag-usap sa China, ke pormal o impormal man ang mga pag-uusap na ito. Dapat na makahanap tayo ng solusyon sa problema sa pagitan ng China at ng Pilipinas,” ani Marcos sa panayam nitong Martes kay Leo Lastimosa ng DYAB-Cebu.

“Bagama’t nagkasundo ang dalawang panig na huwag pag-usapan ang isyu ng agawan sa teritoryo sa APEC summit isang magandang pagkakataon pa rin ito para magkaroon ng top-level talks sa pagitan ng mga lider ng dalawang bansa.”

“Habang patuloy na nag-uusap ang dalawang panig may pag-asa na makahanap tayo ng mapayapang solusyon sa problema sa agawan sa teritoryo,” giit ni Marcos.

Maganda rin umano ang nangyari kamakailan, dagdag ng Senador, kung saan tila lumambot na ang posisyon ng China at nagpahayag ito na bukas na nilang pag-usapan ang isyu na International Law ang pagbabasehan.

Ayon sa Senador, dati-rati ang nine-dash line lamang ang tanging ginagamit ng China na basehan sa anumang usapan sa pinag-aagawang teritoryo. Ang nine-dash line ay linya sa mapa ng China na sumasakop sa malaking bahagi ng pinag-aagawang teritory at base umano sa kanilang historic right.

“Sa unang pagkakataon pumayag na ang China na pag-usapan ang isyu base sa Internationa Law. Dapat nating gamitin ang oportunidad na ito para pag-usapan ang problema tuwing may tsansa tayo na gawin ito,” ani Marcos.

Subalit iginiit ng Senador na dapat pa ring ipagpatuloy ng Pilipinas ang kaso nito sa UN arbitration tribunal.

“I think dapat ipagpatuloy natin iyung ating sinimulang adjudication sa UN dahil maliwanag naman na ang pagkakataon na ito is an opportunity for the Philippines to present its case in an objective forum. It is a good development sa Pilipinas na tinanggap ang kaso ng UN adjudication,” ani Marcos.

Ayon sa Senador ang arbitration case ay hindi malulutas magisa ang problema sa agawan sa teritoryo sa dalawang bansa kaya dapat lamang tingnan ng Pilipinas lahat ng maaaring gawin para maayos ang gusot, kasama na rito ang bilateral talks sa China.

Back to Blog