Ambush interview with Senate media

Q: Sir pumirma kayo sa committee report with reservation, may we know why?

Sen. Bongbong: Because hindi ko pa nabasa yung buong….nung pinapipirma sa amin yung report hindi pa nabasa lahat. Kaya’t just in case na mayroong gustong baguhin o amyendahan, yung pagpirma ko ay “May Amend” ang pagpirma ko. Para kung mayroon tayong makita na sa aking pananaw ay kailangang baguhin ay may pagkakataon pa.

Q: So ngayon sir, may nakikita na ba kayo na hindi kayo masyadong pabor?

Sen. Bongbong: Hindi naman, hindi sa ganun. Mayroon lang mga area na sana mas detalyado pa ang impormasyon—siguro unang-una yung tungkol sa mga Amerikano. Yun, medyo mabilis lang ang pag-examine nung tungkol dun.

Tapos yung lagi kong binabalik-balikan, actually hindi man namin masyadong napag-usapan sa hearing mismo, yung ceasefire mechanism. Kaya ako’y gagawa ng sariling pagdinig, gagawa ng sariling hearing, para tungkol dun nga sa subject na yan.

Kaya naman ako nag-file ng resolution nung Martes para makuha ang kopya ng MILF report para maging buo na ang impormasyon natin. Kumpleto na ang impormasyon natin sa panig ng gobyerno, kumpletuhin naman natin yung impormasyon sa panig ng MILF at ng ibang armed groups.

Q: But overall sir, sa main points nung report ano yung palagay nyo?

Sen. Bongbong: Palagay ko, sang-ayon ako dun. Pareho naman ang aming sinasabi mula nung simula, bago pa lumabas yung report. Ang naging problema ay yung paglabag sa chain of command, at yung paggawa ng informal na chain of command, at dito nagsimula yung gulo.

Pangalawa, yung lumabas sa testimonya na galing sa AFP, na sila ay hindi nagpaputok ng artillery nung umaga dahil pinigilan sila ng peace process. Yung sa text na nakita natin nakalagay hindi muna magpapaputok dahil sa peace process. Hindi namin masyadong maintindihan yun.

Ibig sabihin pala na yung pagpaputok ng artillery ay pinigil dahil sinabi may ceasefire na. Sabi nila’y umandar na yung peace process. Ngunit ang talagang nangyari ay 5:30, 6:00 o’clock pa lang ay alam na ng magkabilang panig, na MILF yung sa kabila at gobyerno yung sa kabila. Pero 4:00 o’clock pala bago nagka ceasefire.

So kung nagpaputok sana, baka sakali, kung napabayaan, nabigyan ng awtoridad ang AFP na magpaputok ng umaga baka natigil ang putukan ng mas maaga. Kaya’t kailangan din nating tingnan ito, kung papanong nangyari dyan dahil dun sa ganung sitwasyon ay nalugi ang ating mga tropa. Dahil sila’y naka-ceasefire na yung kalaban ay pinapuputukan pa rin sila.

Q: Pero according to Sen. Trillanes parang yung findings ng committee ay naimpluwensyahan ng public opinion. Parang kung ano yung naaayon sa opinion ng publiko yun ang naging findings ng committee?

Sen. Bongbong: Ako, I don’t agree with that. Dahil very consistent naman dun sa testimonya na narinig namin. I don’t know kung ano yung ibig nyang sabihing public opinion, pero palagay ko lahat ng mga naging conclusion dun sa committee report ay may pinagbabasehan na testimonya.

Q: Sir, sumagot na po ba yung OPAPP dun sa directive…?

Sen. Bongbong: Actually yes. Sumagot na sila. Mero ding sagot na sulat ang International Monitoring Team at yan na nga sinasabi nila sa OPAPP kukunin. Sabi naman ng OPAPP sisikapin nila na kumuha ng OPAPP sisikapin nila na kumuha ng kopya at ipasa sa Senado.

Q: Kailan daw sir?

Sen. Bongbong: Wala pa silang sinabi. Parang nag-iiba e, kasi hindi ba ang report sa atin ibinigay na nila sa Malaysia? Pero hindi pa yata nangyari, parang hindi pa naibigay. Kasi ang sulat sa akin ay bibigyan namin kayo ng kopya—ang sulat sa amin ay pagka nagkaroon na ng report o makatanggap na sila ng report saka na nila ipapasa sa atin. So siguro aantayin na lang natin at ang aking akala ay nasa kanila na yung report.

Q: So may commitment na sir na mabibigyan kayo ng copy ng report ng MILF?

Sen. Bongbong: Oo, meron na silang sinabi—both the International Monitoring Team at saka yung OPAPP.

Q: Sir yung Pulse Asia survey, 44 percent daw ay opposed to the passage of the BBL and it is mor pronounced sa Mindanao, yung opposition?

Sen. Bongbong: Oo. Ganun talaga, very expected yan. Yun ang sinasabi ko na dito sa Mamasapano nawala ang tiwala ng taong bayan sa proseso ng kapayapaan. Ito’y nakakalungkot dahil kailangan nating bawiin ang kanilang tiwala. At this is going to have to be ….kailangang maging transparent at maging accountable kaming lahat. Para sa proseso ng pagsulat ng BBL ay makita ng tao kung bakit natin ginagawa yung ating ginagawa.

So that’s why we are going to…the hearings are all in public. Wala naman siguro akong pinplanong executive sessions. Basta’t tungkol sa BBL we will keep it open. At hindi lamang iyon, hindi lamang maaaring pagmasdan at panoorin ng publiko, lahat ng kung sino man ang gustong magsalita at gustong magdagdag sa usapan ay bibigyan natin ng pagkakataon na magsalita sa ating mga hearing.

Q: So yung April 13 hearing tuloy yun sir, kahit wala pa yung MILF report?

Sen. Bongbong: Titingnan natin, we will have to decide. We’ll see. It depends. Kasi sa ngayon wala talagang kahit na anong nalalaman tungkol sa pangyayari sa panig ng MILF. Mahirap gumawa ng peace process kung isang…kabila lang ang ating nalalaman.

Q: Sir agree ba kayo sa finding, yung nasa committee report sir na yung government peace panel hindi sya nagsasalita for the government, lagi syang kampi sa MI?

Sen. Bongbong: Para kasi lahat nung kanilang naging testimonya ay ipinapaliwanag na walang kasalanan ang MILF, na dapat ipagpatuloy ang BBL kahit na hindi pa tapos ang imbestigasyon. Kaya’t siguro ito’y naging impression ng tao na naging representative na sila ng MILF at hindi na ng Republika ng Pilipinas. Pero nasa sa kanila yun kung ano yung gusto nilang gawin. Pero tayo naman kaya naman ako nandito, kaya naman kami nandito, ay para tiyakin na ang interes ng Republika ay hindi mapapabayaan lalo na sa pagsulat ng BBL.

Q: Sir, would you comment dun sa irony na nire-raise ng ibang sector, na you are pushing for BBL and then they were mentioning about the Jabidah Massacre na being linked to your late father?

Sen. Bongbong: I don’t see kung papano yung connection dun, I don’t get it.

Q: Are you dismissing these reports o…?

Sen. Bongbong: Hindi ko malaman kung ano yung sinasabi nilang irony, wala namang connection yung dalawa e.

Back to Blog