Ambush Interview: Urdaneta City

Q: Are you amenable for the amendments of the Constitution?

BBM: Unang-una I don’t think that that’s the problem. Kasi ang sinasabi sa atin ng ating mga kaibigan na gusto sana mag-invest dito, ang problema ay iyong kuryente. Masyadong mahal, masyadong unreliable. Pangalawa, iyong ating mga batas, ay pabago-bago. Walang stability sa financial market. Iyong mga financial institutions natin hindi matibay. Nagbabago ang kanilang polisiya, pagpalit ng bawat Pangulo. Kaya’t iyan ang mga tinitignan natin. Bukod pa roon, iyong infrastraktura natin kulang. Mahirap magsabi sa investor na pumunta dito sa Pilipinas. Pag-alam nila na iyong airport natin ay congested. Iyong ating mga pwerto, congested din. So, iyong nagyari nga sa mga ibang negosyante, kung maalala ninyo, iyong tatlong (3) buwan ang delay. Napilitan silang magbayad ng malaking multa dahil nga nag-aantay ng ilang buwan bago makapag-unload ang mga barko. Itong mga bagay-bagay na ito ang dapat talaga natin tignan at siguro kahit na palitan natin iyong economic provisions ng Constitution, palagay ko hangga’t maayos natin iyong mga problema na ang mga foreigner mismo, ang mga tiga labas mismo ang nagsasabi sa akin ng problema ay hindi pa rin atutulungan ang ating FTI.

Q: Sir, sabi niyo iyong kuryente mahal? Iyong fire power plant mura, ang coal madumi, are you amenable for nuclar power plant?

BBM: I’m amenable to any solution that is environmentally sound. Dahil hindi naman talaga, ang pinaka malaking driver of industrialization and development is the production of power. Basta’t maipakita na safe, halimbawa iyong nuclear, hanggang ngayon marami pang nagpapatayo ng nuclear- sa France, sa U.S. Talagang kailangan nila iyong kuryente. Iyong coal, gumaganda na. Dahil sinasabi dati madumi. Totoo naman. Pero nagbabago na ang teknolohiya. Parang mas maganda na ang coal fired na planta. Iyan ang mga dapat nating pag-aralan para naman unang-una maging sapat ang power supply, pangalawa ay maibaba natin ang presyo.

Q: The BNP was put up by your father. Are you amenable that we revive?

BBM: BNP? I don’t think kaya pa dahil iyong fuel pinagbili na. Iyong planta marami pang gagawin. Marami ang mga bagong technology. Kung sakali pupwede pa, dapat tignan natin kung maaari pang gawin. Kung kakayanin pa ng teknolohiya noong house na ipaandar. Six hundred (600) megawatts agad iyon. Six hundred fifty (650) megawatts, sayang din iyon. Kailangan natin iyan.

Q: IF you will win this coming election, anong chair ang pwede mong kunin na makakatulong ka?

BBM: Siguro, pag tinitignan ko kasi iyong problema, iyong employment, trabaho ang isa sa pinaka malaking problema. Kaya gusto ko sana tumulong sa DOLE na magtayo ng mga programa sa pamahalaan para suportahan natin ang private sector dahil nobenta persyento (90%) naman ng empleyado, sa private sector. Kaya’t ang trabaho ng gobyerno ay ihanda an gating work force para matulungan natin ang private sector. Pati iyong infrastraktura natindapat iyong tinatawag na “Business driven infrastructure”. Para pagandahin ang takbo ng ekonomiya. Iyon ang aking naiiisip. Kung hindi, nakikita ko iyong mga problema sa DOTC. Sabi ko sa DOTC hinahamon ko sila, kung ibigay mo sa akin iyan, sandali lang matatapos ko lahat ng problema. Siguro marami namang pwedeng gawin para iyang mga nararamdaman natin ay mawala na iyong mga problemang iyan.

Q: Mister Senator, bakit Bise-Presidente po ang tinakbo niyo, hindi Presidente?

BBM: Bakit hindi Presidente? Sa tamang panahon. Hashtag, sa tamang panahon.

Q: Ano pong boses niyo sa monopoly sa Pilipinas sa mga traders…

BBM: Monopoly ng? Traders? Oo, ganyan ang sistema natin. Pero hindi mo naman mapipigilan ang mga trader. Pero dapat gawin ng gobyerno, ay bumili ng marami na commodities para ang bentahan, farm gate price ang bentahan. Kagaya noong dati iyong Kadiwa Store, iyong NFA namimili iyan. Dapat bumalik na tayo doon dahil amdami naman pera ang gobyerno. Edi bumili sila. Farm gate price. Ipagbili nila farm gate price din

Q: Sir, iyong mga harassment na nangyari ngayon sa mga OFW at saka susuportahan niyo ba income tax reform?

BBM: Ang problema sa income tax dahil sa ating implementation natin. Dahil mukhang overzealous itong Kim Henares. Nangongolekta ng tax kahit mga tax exempt na sektor at pinababayaan ang ibang koleksyon. Walang polisiya. There is no fiscal policy basta labo-labo lang, kolekta ng kolekta. Hindi iniisp kung ano iyong makakatulong sa investment o kung ano iyong makakatulong sa ekonomiya. Kaya’t iyan ang kailangan unahin. Pangalawa, iyong category ng tax, basta’t ngayon basta thirty thousand (P30,000) and above parang yayaman na ang tax rate. Dapat ayusin iyon dahil iyong thirty thousand (P30,000) middle class pa lang iyon. Hindi naman dapat siguro ang highest tax rate ang iniimplement.

Q: Sir, kanina po sa speech ninyo niremind iyong mga BHWs doon sa mga magagandang projects na ginawa po ng taty ninyo pero si Pnoy po iba namn po iyong takbo ng kanyang speech na kung saan ang niremind naman po niya iyong alleged atrocities and abuses committed during Martial Law na years. Anong pong reaction Mister Senator?

BBM: Well alleged. Siguro ang mas importanteng pag-usapan ay ano ba ang pwede nating gawin ngayon para tulungan ang taong bayan. Kung pwede tayo magdebate tungkol sa mga nakaraan pero ang inaasahan ng tao ay hindi iyong pagdedebate kung ano nangyari kwarenta anyos (40), tatlumpung (30) taon na nakalipas kung hindi kung ano iyong gagawin namin na mga lider para tulungan ang kanilang kabuhayan. Papaano ibaba ang presyo? Paano walain ang droga? Paano magkaroon ng trabaho? Para mabawasan ang korupsyon, para maayos ang infrastraktura, para tumibay ang agrikultura, para tumibay ang ating educational sector. Iyan ang iniisip ng tao. Iyan ang dapat nating sagutin.

Q: Sir do you feel affected sa mga tanong at statements?

BBM: Syempre, ako iyong tinutukoy.

Q: Sir ano na ang lagay ng BBL?

BBM: Medyo nauubusan ng oras dahil pagbalik namin sa session next week, budget pa eh. Kung may oras pa, kung mabilis namin matapos iyong budget, palagay ko baka pwede pang balikan, pero marami pang gagawin. Ang talagang nagka problema sa House. Noong sinabi ni Speaker hindi na raw niya idadala sa floor iyong BBL dahil marami silang ibang kailangang gawin.

Q: Sir iyong sa OFW harassment na sinasabi niyo po kanina, kasi alam natin by December holiday, maraming mag-uuwian.

BBM: Hindi ko nga maintindihan kung bakit natin ginagawa iyan eh. Iyong bubuksan iyong balikbayan box tapos papalitan iyong tax rate. Sinasabi natin lahat, iyan ang ating mga bagong bayani, tapos ganyan ang trato natin sakanila. Hindi naman tama iyon. Bakit pinagsasamantalahan? Iyong mga iyon nagtiyatiyaga na nga at nagsasakripisyo. Sila ang bumubuhay ng ating ekonomiya. Kailangan iyong priorities natin ay nasa tama. Huwag nila harasin lalo. Dapat nga ang ginagawa natin noong nakaraan, ay sinasalubong pa ng Pangulo iyan sa airport. Ngayon, nagbago ang polisya. Siguro hindi naunawaan noong administrasyon kung gaano kaimportante ang OFWs sa ating ekonomiya

Q: Iyong sinasabi ni Pnoy that you should apologize, ano pong take niyo doon?

BBM: We will apologize for anything we did wrong. You tell me what I did wrong and how I hurt somebody and I will apologize.

Q: Bat hindi doon sa alleged?

BBM: Sabihin mo sa akin kung ano. Hindi pwedeng basta’t you must apologize. Kung gusto mong atrocities, edi madami tayong pwedeng pag-usapan na nangyayari. Kayong mga media, the highest number of killings of media practitioners in the world, anong nagyari doon?iyan ang atrocity. Bakit wala tayong naririnig tungkol diyan?

Q: Katandem niyo si Miriam? Kalian kayo iikot-ikot?

BBM: Magstastart na kami. Napag-usapan na namin. We have ang tinatawag namin, loose coalition. Iyong ibang lakad magkasama kami. Iyong iba hindi dahil syempre para makapag cover ng malaking area. So, iyon an gaming sitwasyon ngayon.

Q: Sir, curious lang ako kasi noong bago mag filing ng COC, you went to Davao and talked with Duterte (10:16…) ideal diyan is Duterte Marcos because Ilocos-Davao, Samar-Leyte, Sir bakit hindi nangyari iyong ganoon na ideya sa tandem niyo?

BBM: Huwag mong tatanong sa akin. Tanong mo kay Mayor Digong. Pero may bago nanamang balita. Baka magsubstitute daw siya. Pare-pareho tayong nag-aabang kung ano iyong susunod na gagawin ni Mayor. Iyong buong Pilipinas nag-aantay diyan,

Q: Sir, ano po ang partido niyo? NP kayo o si Miriam

BBM: Ako, NP ako. Miyembro parin ako ng NP pero nagfile ako independent. Dahi hindi ako makapag file ng NP dahil walang official Vice-Presidential candidate ang NP dahil tatlo (3) kami. So lahat kami sabi ko, binibiro ko nga si Sonny Trillanes saka si Allan. Sabi ko sakanila mga NP tayo pero napilitan tayong lahat mag-independent bigla.

Q: What about si Miriam? PRP si Miriam?

BBM: There’s no conflict there

Q: Will you adopt also senatorial?

BBM: No need.

Q: So there’s no way na ang Duterte-Marcos tandem?

BBM: Unang-una tatakbo ba si Mayor Digong? Bago pa natin pag-usapan iyong mga tandem, pero hindi natin alam ang gagawin. Kasi pabago-bago. May nagsasabi tatakbo. May nagsasabi hindi. Pero dapat ang tanungin mo si Mayor Digong.

Q: Sir, public office is a public trust. Si Miriam tumatakbo siya Presidente, pero ayaw naman niya ilabas medical record niya kung talagang iyong cancer level niya ay wala na. Dapat government official siya, transparent siya. Bat ayaw niya ilabas medical record niya?

BBM: Wala namang requirement na maglalabas siya ng medical record.

Q: For the sake of transparency.

BBM: Hindi naman papasok sa kandidatura iyan kung hindi niya kaya. Sino ang may nakakaalam kung may kaya, kung kaya niya o hindi, kung hindi siya. It’s really her who will decide. Who can determine.

Q: Ako naamn sir no big deal kasi nandiyan naman kayo Vice-President.

BBM: Naku. Hindi ko iniisip iyong ganyan. Basta’t pag sinabi ni Senator Miriam na siya’y handa at siya’y kaya niya magkampanya naniniwala ako sakanya. Dahil ni minsan hindi pa nagsinunggaling si Miraim sa akin.

Thank you, thank you.

Back to Blog