Ambush interview at Macapagal, Pasay City

SBBM: Para sa akin, mas maliwanag kung papaano ang gagawin para makuha ang position ng vice-president. Kaya iyun na muna ang aking pinili para sa halalan sa 2016. Masama nga ang loob ng mother ko sa akin. Pero sabi ko sakanya sa tamang panahon, dadating din tayo diyan.

Q: Of all many presidentiables, why Miriam Santiago?

SBBM: Matagal na akong fan ni Miriam. Gustong-gusto ko siya. I like the way she is; the way she thinks lalo na sa ideas sa gobyerno. Marami kaming mga ideas na pareho ng approach para lutasin ang mga problema. Parang nag-aagree kami kung paano ang dapat gawin. Kaya palagay ko iyun ang pinakatamang maging katandem.

Q: What about Duterte?

SBBM: What about him?

Q: He’s also running for presidency and he’s number 1 in the survey.

SBBM: It is very clear that this is because ang tao, talagang aghahanap ng mas magandang peace and order situation dahil iyun ang kanyang plataporma. Iyun ang kanyang tinatakbuhan. Sa palagay ng marami napakalala na ng problema. Siguro nakikita nila na may sagot si Mayor Duterte kaya’t naging popular siya.

Q: Mister vice-presidentiable, you have just accepted that Grace Poe is your sister. Would this be advantageous to you Sir and what would be the effect?

SBBM: It was a joke. Can we be clear about that. If that is your premise, nagbibiro lang naman ako.

Q: Opo. Ngayon po Sir, ano po ang inyong mensahe sa napakaraming Marcos loyalists na ngayon po’y nag-aantay para po naman sa tulong ninyo po para sakanila?

SBBM: Ako naman ay nagpapasalamat dahil pagka iyung pinag-uusapan ay iyung mga loyalista, syempre hindi lamang ako, kung hindi ang buong pamilyang Marcos, ay talagang nagpapasalamat sakanilang tuluyang pag-aalala at pagsuporta. Sana hindi sila magsawa. Kami naman sa aming panig ay gagawin namin ang lahat para ang kanilang mga pangarap para sa ating bansa ay maging katotohanan din.

Q: You’re also a rotarian Sir of what rotary club?

SBBM: Presently no. I have not joined any rotary club yet.

Q: Sir, ang idol ko maging pangulo at bise-pangulo rotarian. Puede po ba namin kayo maimbitahan? So ano pong mensahe niyo sa sambayang Pilipino? Go ahead.

SBBM: Ganoon din. Kami ay nagpapasalamat sa kanilang tuluyang suporta. Gagawin namin ang lahat hangga’t sa aming kaya at kahit labis sa aming kaya, lahat para maging mas maganda ang takbo ng buhay sa Pilipino, para sa lahat ng Pilipino at mabalik sa atin ang respeto ng ating mga kasamahan sa international community.

Back to Blog