Ambush Interview: Luna, La Union

Q: Simulan na namin, gaano kalaki sa puso niyo si Nacionales at binista niyo pa siya dito?

BBM: Well, huwag natin pabayaan makalimutan ng kahit sino man ang kanilang pagsakripisyo para idepensa ang ating republika. At ngayon ay panahon ng undas ay kailangan siguro, ito ay tamang panahon para ipaalala ulit kung ano ang kanilang ginawang sakripisyo, kung ano pa ang mga kailangan natin gawin at kung ano iyong halimbawa na dapat natin sundan na ibinuwis ang kanilang buhay noong SAF 44, ni Omar Nacionales at sana naman ay iyong katarungan na inaantay ng kanilang pamilya ay maibigay na natin- ng pamahalaan.

Q: Sir, mag-uumpisa na sa November 11 iyong preliminary investigation, siguradong maa-account ba iyong mga akusado doon?

BBM: Preliminary investigation ng?

Q: Ng Mamasapano po.

BBM: Mayroon ng report ang NBI. Ilang buwan na iyon at sinabi ng DOJ na sila daw ay magfafile ng kaso ng mga, kilala nila kung sino iyong mga pumatay sa mga SAF 44. Pero hanggang ngayon hindi ko malaman kung bakit wala pang kaso. Sinasabi ni Secretary De Lima, gagawin na raw niya, hanggang ngayon wala pa tayong nakikita. So, ngayon mag pre-preliminary investigation ulit? Tapos na ang imbestigasyon ng NBI. Siguro maliwanag na maliwanag na ang daming ebidensiya. Dapat justice… justice denied. Kaya’t dapat we have to remind them and remind ourselves of the heroism of our SAF 44 and the justice that they await.

Q: Kinakailangan po bang humingi ng apology si Presidente Aquino sa mga pamilya ng mga SAF 44?

BBM: Well, siguro, kahit papaano siya ang Commander-in-Chief. Mukhang dahil nga binuwag nila ang chain of command ng PNP kaya nagka problema. Kaya’t siguro kung sino man ang responsable, palagay ko kasama na sa report ng Senado, the ultimate blame lies with the President. If that is the case and if that is the conclusions that we come to, kailangan siguro. Hindi lamang mag-apologize kung hindi iyong lahat ng hinihingi, lahat ng pinangako ay ibigay na sa mga survivors, mga surviving families, at lahat ng mga kasama sa pagpatay at pagmasaccre sa SAF 44 ay pilahan na ng kasong plunder and i-process.

Q: Sir, paki-elaborate po ang loose coalition paano po ang magiging takbo ng sistema na iyon?

BBM: We are defining it right now. Kaya nag-uusap na kami kung papaano ang aming magiging arrangement sa pagtakbo, sa pagkampanya, paano ang coordination ng iba’t-ibang grupo. So, that’s essentially what I… dahil sa mga iba’t… Ang pinagbasihan ng sinasabing loose coalition is ideological. Dahil sa mga iba’t-ibang issue, national issues na nakikita namin, na hinaharap namin, kami ni Sen. Miriam mukhang madalas kami magkakampi at mukhang sumasang-ayon doon sa parehong ideolohiya. Kaya’t iyon ang pinagbabasihan niya ngayon. Ngayon, iyong mga praktikal na arrangements, saan pupunta, anong date, iyong mga ganoon ay dahan-dahan ng binubuo.

Q: Sir, kumpirmado na po ang tandem nap o kayo?

BBM: We are in a loose coalition. Maraming bago dito sa eleksyon na ito. Iba’t-ibang klase but as I always say, I’ve always been a fan of Senator Miriam. Matagal na akong tagahanga ni Senator Miriam. Kaya’t napakalaking bagay na sinasama niya ako sa kanyang ticket.

Q: Kung sakali pong mag substitute si Duterte Sir, papanig po ba kayo sakanya?

BBM: Magsusubstitute ba siya? Parang ayaw. Ang pinagbabasihan ko lang iyong sinasabi ni Mayor Duterte sa akin na hindi talaga siya tatakbo.

Q: Kung kayo’y papalarin Sir ano pong department ang gusto niyong hawakan?

BBM: Well, ang sinasabi ko DOLE. Kasi isa sa pinakamalaking problema iyong hanapbuhay, iyong trabaho dito sa atin sa Pilipinas ngayon. Ang dami kong nakikita na maaaring gawin. Hindi tayo kailangan sumulat ng bagong batas, hindi tayo kailangan sumulat ng bagong polisiya, pagandahin lang natin ang mga programa ng gobyerno para hinahanda iyong ating mga manggagawa para pumasok sa private sector. Dahil ang private sector 90% ang employer. Tapos iyong inprastraktura natin, dapat tumutulong sa SMEs, sa small and medium enterprises para naman lumaki ang ating ekonomiya. Pag lumaki ang ating ekonomiya, madadagdagan ang trabaho. So, maraming pwedeng gawin. Para sa DOLE para sa employment. Sa palagay ko iyong training sa economics ay marami tayo magagawa para pagandahin ang sitwasyon. Kung hindi naman DOLE, nakikita ko ang DOTC. Parang ang daming problema. Sa DOTC, ayusin na natin lahat ng mga problemang iyan. hindi naman siguro ganoon kahirap para maayos lahat iyan. iyon ang mga iniisp ko pero syempre handa tayo tumulong kahit saan man tayo.

Q:  inaudible

BBM: Love team na.

Q: Pero ibig sabihin siya na? Siya na ang ikakampanya niyo Sir? Kung baga kahit magkahiwalay kayo, siya iyong ime-mention niyo, ikaw ime-mention niya.

BBM: Of course. Iyon ang tandem. We are in a coaltion.

Q: Last question Sir. May possibility pa ba kayo maghiwalay?

BBM: Maghiwalay? Wala, walang divorce sa Pilipinas.

Q: May senatorial slate na po ba kayo Sir?

BBM: Hindi pa. Iyon ang isa sa binubuo namin ngayon.

Q: Thank you Sir.

BBM: Thank you.

Back to Blog