Ambush interview : Davao City

Q: Inaudible

BBM: I suppose nakakapagtaka bakit naman nila kailangan mag moniter ng officials. Ano ang ibig sabihin nun? Kapag sinuportahan ako, paparusahan nila? Hindi ko talaga naintindihan kung bakit ganun. Dapat naman siguro dahil halalan ang ating hinaharap, mangampanya sila para manalo ang kanilang kandidato. Di bale, kasama siguro iyan. Ngunit, para sa akin, kaibang klaseng pulitika iyan. Para sa akin ang pagkaunawa ko sa kampanya, kampanya. Hindi yung mga ganyang klaseng sistema so, I guess iyan ang gusto nilang gawin. Wala tayong magagawa. Pero, nakakatuwa naman na ating mga kaibigan na lider na sabi nila kahit imomonitor sila, itutuloy pa rin nila ang suporta nila sa akin. Nakaktuwa naman.

Q: Sir, kumusta naman ang ating Unity Caravan?

BBM: Napakaganda. Yung mensahe ng pagkakaisa ay talagang tinatanggap ng tao. Madaling maunawaan ng mga Pilipino iyan dahil nasa ugali naman talaga ng Pilipino. Ipinagmamalaki nga ng Pilipino na isa sa mga katangian ng Pilipino ay yung bayanihan, nagtutulungan. Kahit hindi niyo kamag-anak, hindi niyo kaibigian, basta’t nangangailangan ng tulong, tumutulong. Kaya kailangan lang siguro maibalik yun. Hindi lamang sa pangkaraniwang tao, kung hindi pati sa mga lider natin. At sa palagay ko kung magawa natin yun, makikita natin na gaganda ang buhay dito sa Pilipinas at magiging mas mapayapa ang patakbo yung buhay ng bawat Pilipino kaya iyan ang aking nagiging adbokasiya.

Q: South Cotabato officials are backing up your bid, sir. What can you say about that?

BBM: I’m very grateful to them. Ako’y nagpapasalamat sa kanilang suporta. Nakakatuwa naman makita na marami sa ating mga kaibigan, marami sa ating mga lider, lalo na sa local level ay handang sumuporta, kahit na itinatakot nga sila, imomonitor sila. Pero siguro sila rin, hindi lang ang pangkaraniwang mamamayan, pero pati na rin ang mga lider ay naunawaan ang mensaheng pagkakaisa dahil sa palagay ko kahit sila nararamdaman nila na yun ang kailangan natin ngayon para sugpuin ang mga problema na hinaharap ng ating mga kababayan.

Q: Sir, a comment on the possible No-El scenario?

BBM: Alam niyo ang mahirap diyan maliwanag na maliwanag sa Saligang Batas na ang halalan ay sa pangalawang Lunes ng Mayo. Unless i-suspend natin ang Konstitusyon, o kung hindi i-amendahan natin ang Konstitusyon, hindi natin maaaring gawin yun. Kaya hindi ko alam kung bakit nilang binabanggit iyan. Nababahala na ang marami na baka sinasabi lang iyan dahil hindi maganda ang nagiging survey ng mga kandidato ng administrasyon. At iyan ang gagawing paraan para…pero legally, napakahirap gawin iyan. Maliwanag na maliwanag sa ating Konstitusyon na ang halalan ay sa pangalawang Lunes ng Mayo. Walang exception, walang condition, yun ang nakalagay kaya kailangan nating sundin.

Q: What’s in store for Mindanao if you win?

BBM: Para sa akin, ang dapat nating ituloy ang ating proseso ng kapayapaan. Kasi alam naman natin na marami tayong naririnig. Matagal na nating naririnig na promised land ang Mindanao. Totoo nga naman. Naaalala ko nga iyan dahil kapag umiikot-ikot kami, andaming nakikita na mga opportunities na pwedeng pakinabangan, pwedeng gawing negosyo, pwedeng gawin ng development. Ngunit, hindi natin magagawa yun, hanggat wala tayong tunay na kapayapaan, lalo na sa Muslim Mindanao. Kapag naabot na natin yun, kapag nangyari na yung tunay na kapayapaan, at nakita na natin na mayroon na tayong magandang sistema na inclusive, na isinasama ang lahat; hindi lamang isang grupo, kundi lahat. At makikita natin ang gobyerno, papasok dito, magtatayo ng maraming imprastraktura, palagay ko marami ding investors ang papasok dito, Kaya ang susi talaga para sa akin ay yung kapayapaan. Kapag nakamtan natin ang kapayapaan sa Muslim Mindanao, palagay ko makikita natin baka yung Mindanao maging center ng ekonomiya ng Pilipinas. Hindi na sa Manila.

Q: And your message sir for Pastor Quiboloy?

BBM: The pastor has always been supportive. Pastor Quiboloy has already established himself as one of the great religious leaders that we have had in the Philippines. And now, napag-usapan nga natin yung kanyang global reach na dahil ang kanyang mensahe sa inyong mga members ay very pure and simple na madaling maunawaan ng mga tao – tulungan ang kapwa at mahalin ang kapwa. Tayo ay God-fearing. Palagay ko kung sumunod tayo sa kanyang gabay, lahat ng buhay natin ay gaganda at magiging mas mapayapa.

Q: Ano ang inyong schedule bukas?

BBM: Schedule naming bukas…marami. Ikot-ikot lang. Magsasalita, may mga speaking engagements. At isa pang ginagawa namin mabuti naman at maganda ang suporta nakukuha ko, kailangan namin ngayon i-organize para pagdating ng halalan, maging maayos. Unang-una babantayan ang mga boto para hindi magkaproblema. Pangalawa, yung suporta na pinapakita ng mga tao, ay maaari nilang gawing boto. Kasi minsan yung mga ibang kasama natin nahihirapan iboto pero siguro kung mayroon tayong maitutulong, gagawin natin.

Q: Anong comment niyo na ang kanilang dinadala ay Duterte-Marcos?

BBM: Siyempre nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta sa atin kasi para sa akin maliwanag na maliwanag sa halalan na ‘to na ang mga botante tinitingnan ang individual, ang bawat kandidato. Hindi na kagaya nung dati na napaka-importante nung partido. Iba na ngayon. Kaya kailangan kahit malakas o malaki ang makinarya mo, kailangan pa rin kausapin ang taumbayan at ipaliwanag kung ano ba talaga ang hangarin ng isang kandidato. Kaya’t nagtatawiran. Makikita mo hindi unusual ngayon nagtatawiran ang party lines kaya palagay ko diyan ako nakakakuha ng suporta.

Back to Blog