Ambush interview at Biñan, Laguna

Q: Sir, kumusta ang local support ng Laguna in terms of local chief executives, sir?

BBM: Well, ayaw kong ilagay sa alanganin ang ating mga quiet supporter pero marami pa sila at kahit na minsan ay pinagbabawal sila ng kanilang political bosses…

Q: Anyone in particular, sir

BBM: Hindi. Not just one. Marami. Kaya nakakatuwa naman. Bukod pa roon nakikita naming ang reaksiyon ng taumbayan. Siyempre nakakatuwa pa rin mainit pa rin ang salubong sa akin.

Q: Kayo na ba ang officially dinadala ng NP sa Laguna?

BBM: Ang NP wala pang sinasabi. Kaya independent ako nag-file dahil talagang hindi namili dahil ayaw ng aming pangulo na si Senator Manny na mamili ng kandidator yung partido. Baka magkahiwahiwalay. Magfafactionalize ang partido. Ayaw niya nun.

Q: With regards naman doon sa previous statement niyo, sinabi niyo “let the historians tell about Martial Law.” Yesterday po, there were 412 professors, faculty including historians na sinasabi nila shameless daw po yung hindi kayo magiging apologetic with regards doon sa nangyari and I quote na lang po dito “Shameless refusal to acknowledge the crimes of the Martial Law.” Ano po yung reaksiyon niyo dito?

BBM: This is part of the political process. Every candidate has critics. Every candidate has supporters. But that is what election is all about. Para bumalik tayo sa tao at hingiin ang kanilang suporta. Sila ang manghusga kung sino sa palagay nila ang talagang dapat maluklok bilang opisyal sa pamahalaan.

Q: Ang sinasabi po nila ay parang huwag pong i-distort yung history about sa Martial Law dahil there is darkness and crimes, so what can you say about it?

BBM: I am interested to know when did we distort history anyway? Wala naman kaming sinasabi na hindi totoo. But again, people have their opinions, they have a right to their opinions. So, we will agree to disagree, I guess.

Q: Disagree daw po sila sa paglibing ni Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

BBM: Okay.

Q: Sir, ang Pangulong Aquino po ay nagbigay ng speech kanina kasama po doon sa kanyang speech, mukhang inislam niya si Senator Miriam Defensor-Santiago for choosing you knowing that Santiago is a former human rights lawyer during the Martial Law time. So, ang partner daw po niya ngayon ay and I quote “Son of a dictator.”

BBM: He is consistent. But I am a little surprised. I think that he should look back at the history of Senator Miriam and see where she was in her previous careers. But I think when it comes to Senator Miriam, siya ang tanungin niyo dahil siya ang mas nakakaalam kung paano sagutin iyang tungkol sa kanya. I do now want to preempt her with whatever response I would want to give.

Q: Sir, sunod-sunod ang banat sa inyo. Sa tingin niyo gumagawa lang sila ng isyu para mapansin sila ng public at lumakas yung kandidato nila?

BBM: Hindi ko alam. Alam mo yung katotohanan, yung mga ganyang balita sa inyo ko lang naririnig yun dahil masyado tayong busy. Hindi ko na talaga ma monitor. So, mahirap basahin kung ano talaga ang binabalak nila kung bakit nila ginagawa lahat iyan. But again, para sa akin ang pakiramdam ko kasama talaga iyan sa pulitika eh. Mayroon talagang mga bumabatikos. Mayroon talagang sumusuporta. Ang aming inaasahan mas marami ang supporter kaysa mga bumabatikos. Kaya tayo nangangampanya.

Q: Sir, sa tingin niyo cinocover up ng administrasyon dahil wala talaga silang nagawa kaya gumagawa na lang ng kwento?

BBM: Tao ang maghuhusga.

Q: Sir, should the President just go back to running the country than campaigning for the Daang Matuwid platform and concentrating on their candidacy?

BBM: Whatever he would like to do, that’s his prerogative as a citizen. Again, that’s not surprising. He has been consistent in his positions. My response to that is that I will just continue to campaign. After all, lagi kong sinasabi ang tao ang maghuhusga. Thank you.

Back to Blog