Ambush Interview at University of Perpetual Help System DALTA

Q: Ano pong dapat na para sa inyo na dagdagan o bawasan?

BBM: Well ang talagang inuna namin siyempre iyong pinaka Malaki na problema iyong constitutionality. Kaya’t iyon ang tinutukan agad namin. Para ayusin iyong mga iba’t-ibang probisyon na sinasabing unconstitutional. Pangalawa, ang malaking remedyo ay iyong sa inclusiveness, iyong sa pagkokonsulta sa lahat ng stakeholder. Hindi nagawa ito ng OPAPP, hindi nagawa ng negotiating panel, dahil sila ang kinausap lamang nila ay MILF. Kaya’t sinama-sama namin lahat ng mga Sultanate, pati mga IP, pati mga Kristiyano, pati lumad, lahat. Kinausap at kinonsulta namin kaya’t naisama naming doon sa substitute bill ang mga isyu na inilabas nila. Pangatlo, pinatibay namin iyong proseso ng decommissioning. Dahil nga sa aking paniniwala, na simpleng-simpleng prinsipyo lamang, kung walang baril, kung walang armas, walang gera. Kaya’t isa pa iyon, ginawa naming mas mabilis ang proseso ng pagdisarma at pinatibay namin, pinalakas namin ang kakayahan at mga kailangan na trabaho ng International Decommissioning Body. Iyon sa palagay ko ang mga, marami siyempre ang mga detalye. Pero iyon sa palagay ko ang pinaka importante na naging kasama doon sa substitute bill.

Q: Pero mga ilang series pa itong gagamitin niyo para mas lalong maintindihan ng mga estudiante?

BBM: Marami akong natatanggap na mga imbitasyon. So, basta’t sila’y interesado pa, willing talaga ako na lumabas, na pumunta at makipag-usap sa kanila, hindi lamang mga estudyante, kung hindi lahat ng interesado dahil napaka importante na maunawaan ng hindi lamang ng mga tiga Mindanao kung hindi lahat ng sambayanan.

Q: Bukod sa mga eskwela, ano-anong sector pa iyong nag-iimbita para maliwanagan sila dito?

BBM: Marami. Mga business sectors. Siyempre, marami. Noong lumabas nga iyong substitute bill, gusto nila na maimbita ako para mapaliwanag ko dahil lalong-lalo na iyong mga grupo na tumututol doon sa original na draft BBL. Sinasabi, ipaliwanag ninyo kung papaano naging maganda na o maayos na ang substitute bill. So, sari-sari din. May mga estudyante, may mga profesional groups. Siempre, iyong mga abogado, lahat ng mga interesado. Maraming iba’t-ibang kalseng grupo.

Q: Sir sa mga business man ano ang mga naging concern nila, particularly iyong mga nenegosyo sa Mindanao?

BBM: Halimabwa, iyong sa tungkol sa Bangsamoro waters. Sinasabi nila, sumasailalalim na sa administrasyon ng Bangsamoro iyong kanilang palaisdaan. Papaano ang mangyayari sa kanilang negosyo? Kaya’t hindi na naming kinilala iyong bangsamoro waters. Ang inland waters, ginawa nalang naming municipal waters para hindi na magbabago ang sistema. So, I think medyo nasagot na namin iyong kanilang pangamba na mawawala sila sa kanilang fishing ground.

Q: Sir iyong LP version are you going to kill that para i-push ito?

BBM: The LP version was the one that was forced upon the Congressmen. So it will be up to the Congress, the House of Representatives, what they do with it. it is not the Senators. Hanggang doon lang sa version naming sa Senate.

Q: Sir kahapon interpellation. Based doon Sir, makikita niyo ba kung ano iyong facing, kung gaano kabilis o gaano katagal based doon?

BBM: Well, ang unang nagtanong si Senator Pia. Pero hindi pa siya tapos. So, mayroon din mga tanong si Senator Recto, pero ganoon din. Hindi pa siya tapos. Hindi pa detalyado. Alam Kong detalyado ang mga gustong itanong. Mauunawaan mo rin dahil marami ring trabaho lahat. Mahaba-haba at medyo kumplikado iyong substitute bill. Kaya’t dapat bigyan ng sapat na panahon para mapag-aralan para naman maging makabuluhan iyong aming mga usapan.

Q: Sir, nag-usapa na ba kayo ni Senator Enrile considering na sinasabi niya pinag-aaralan niya at binabasa pa niya iyong substitute bill?

BBM: Hindi pa.

Q: You’re looking forward?

BBM: Very quickly napag-usapan. Sabi ko lang sakanya, I’m counting on your legal acumen and expertise to help us go through this process.

Q: Pero sinabi niya Sir mag-iinterpellate siya?

BBM: Hindi naman niya nabanggit pero I’m assuming mag-iinterpellate siya dahil nga noong nakadetain daw siya iyan ang pinag-aaralan niya kaya sigurado maraming tanong iyan at maraming amendment na gustong idala sa floor.

Q: Sir, maiba naman tayo Sir. Kamusta po ang panliligaw sa inyo ni Vice-President Binay?

BBM: Wala namang nanliligaw pa, pambihira kayo. Ang proceso hindi panliligaw, ang proseso ay tuloy-tuloy na pag-uugnay, pag-uusap, pagpaplano, kung ano iyong mangyayari sa 2016.

Q: Pero may possibility pong maging running mate kayo?

BBM: Everything is possible. Ito ay pulitika. Wala kayong sinasabing impossible dito. Kaya’t wala pang definite na decision pero kagaya ng sabi ko, we do not discount anything. We do not say. Ang lagi ko ngang paulit-ulit na sinasabi, never say never. So, you never know kung anong mangyayari pagdating ng Oktubre, sa pagfile at kung anong mangyayari sa 2016.

Q: Sir, may napabalita na isa kayo sa kinoconsider na challenge na poe-chiz na tándem, ano pong masasabi niyo?

BBM: Sa ngayon, oo, we are talking about this higher office, we have not been discussing re-election to the Senate.

Q: Sir we heard na you’re about to declare your political plans sa September 9 sa Philippine Arena? Confirmed ba iyon Sir?

BBM: No. I can guarantee you I will not be making any announcements on September 9. That’s the one thing I can say. Hindi ko alam kung saan galing. Ang daming nangyayaring ganoon. Magdedeklara ako itong September 20, may lalabas September 10, pero wala kaming pag-uusap. Kung hindi nanggaling sa akin ang pagdeklara, palagay ko, wag niyo munang pagkatiwalaan.

Q: Lumulutang iyong pangalan ni Senator Allan Peter Cayetano bilang running mate niyo Sir as Vice-President? So wala iyon?

BBM: Marami. Kagaya ng sabi ko lahat ng possibility pinag-aaralan. Alam niyo pagka pinagsama-sama niyo ang mga pulitiko sa isang kwarto, wala kaming ginawa kung hindi mag scenario building. Ano kaya kung si ganito, ano kaya kung ganyan. Ano kaya kung ganito magsama-sama. All of that is pinag-aaralan at pinag-uusapan.

Q: Sir, what’s your view about the Customs issue?

BBM: Ako naman ay nagpapasalamat na tinigil nila iyong kanilang sinasabi na bagong policy na bubuksan dahil talagang nakakaawa naman ang ating mga OFW. Nagsasakripisyo na sila, na humihiwilay sila sa kanilang bansa, sa kanilang pamilya, sa kanilang mga kaibigan, sa kanilang mahal sa buhay, upang lamang magkaroon ng hanap buhay na hindi nila mahanap ditto sa Pilipinas. Tapos, iyong kaunting konsuelo nila, na magpadala ng mga regalo sa kanilang mga mahal sa buhay, bakit pati ba naman iyan ay iipit-ipitin, haharasin ng Bureau of Customs. Kung gusto nilang pagandahin ang kanilang koleksyon, ang unahin nila iyong mga sindikato, iyong mga nagtratrabaho mismo sa Burea of Customs. Kung may nawawala, libo-libo na container, winawala nila. Tapos iyong mga pupuntahan nila iyong mga balikbayan boxes. Kalokohan naman iyon dahil hindi naman balansyado.

Q: Ano daw ang silbi ng X-ray machine at saka K-9 kung gagawin daw iyon?

BBM: Ang laki-laki ng budget na binigay namin sa Bureau of Customs para diyan. Ayaw nila gamitin. Kailangan pa nila buksan. Hindi ko nga maintindihan. Mabuti nalang natigil.

Q: Sir ano kayang factor ang nagtulak sa daang ito?

BBM: Hindi ko nga maintindihan. Factor na nagtulak bakit binago? Biruin mo siguro naman natauhan din sila dahil lahat ng tao, sino bang suportado dito sa move na ito ng Bureau of Customs? Lahat. Lahat tayo, lahat tayong Pilipino, lahat ng bawat Pilipino may kilala, may kamag-anak, may-kaibigan na nagtatrabaho abroad. Sino sa kanilang magsasasbi na dapat ninyong apihin ninyo dahil kailangan ninyong kumuha? Gaano kalaki ang makukuha nila diyan? Ang liit liit. Tapos pag buksan mo, kayong lahat, nakakita na kayong lahat ng balikbayan box. Noong nakita niyo iyong balikbayan box, may nakita ba kayong smuggled goods doon? Anong laman noon? Laman noon shampoo, damit, chocolate, laruan, iyong bagong sneakers, ano ba naman iyon. Pati ba naman iyan ay aapihin ninyo?

Q: Pero sa ngayon…

BBM: Oo. Dahil iyong five hundred dollars, matagal na iyon. In fact, pag-aaralan ko pa iyon lahat, I have to call my staff na tignan, i-index, kung kalian ginawa iyong five hundred dollars. Ano iyong balor noon, ngayon? Iyon ang dapat na tinaggap na gawing limit.

Q: Thank you.

BBM: Okay, maraming salamat.

Back to Blog