Ambush interview at Tarlac

Q: Kumusta po yung pagtanggap sa inyo ng mga Tarlaqueño?

BBM: Maganda naman at mukha namang very responsive at maganda ang naging reception dito. Marami naman tayong kaibigan na lider dito. So far sa aming pag-iikot nakikita natin na talagang nandiyan pa rin ang suporta nung panahon ng aking ama. Marami tayong kaibigan na nandito kaya marami ang tumutulong.

Q: Hindi daw solid po talaga ang NPC kay Grace Poe at Chiz Escudero.

BBM: Actually, yung announcement na yun, hindi iyon official. Wala iyong authorization from the leaders of the party. Actually, binawi yung announcement at least sa mga miyembro. So sabi ko okay, lapitan natin sila. Karamihan naman ng NPC aya dati na nating kasama kaya madaling kausap.

Q: Yung ibang NPC nakuha na ba natin ang support?

BBM: Marami. Marami na. Kasi marami sa kanila ay dating KBL. Yung iba naman diyan sila yung inuna ko. Medyo nagkaroon lang ng gulo ng kaunti kasi mayroong mga proclamation na ganito na raw ang kanilang susuportahan tapos iba naman kabaliktaran ang sasabihin. Hindi authorized yun kaya pabago-bago. Tuloy-tuloy lang ang pag-uusap natin sa mga lider. Kagaya ng naging gawi sa halalan na ito, hinihingi natin pang individual na suporta para sa individual candidate ay pwede pa namang gawin.

Q: Sir, mamaya na po yung proclamation rally ni Erap. Kayo daw ni Sen. Grace ang ieendorse niya.

BBM: Oo. Pupunta nga ako. Sinabi ni President-Mayor na inimbita ako pumunta so after nung Tarlac ay lilipad na ako doon para maka-attend ako sa proclamation ni Mayor Erap.

Q: Sir, nabanggit po ni Danding Cojuangco kanina na kayo daw po ang nagsabi na i-endorse kayo. May ganun ba din nabanggit sa inyo, sir?

BBM: Ang sinabi ng ninong ko, si Ninong Danding, sabi niya open naman ang lahat. Okay naman siya siyempre lahat ang kaya niyang gawin tumutulong siya. Wala siya dito sa Pilipinas ngayon pero nagbitiw na siya ng salita na okay sa kanya na suportahan ako.

Q: Sir, gaano ka laking tulong yung magiging Erap endorsement sa inyo mamaya?

BBM: Malaki. Dahil kung maalala ninyo ang mga bumoto sa kanya nung pagka pangulo at marami-rami pa rin. Munti pa siyang manalo nung 2010 kaya malaki pa rin ang dalang suporta ni President-Mayor. Kaya hopefully malaki ang maitutulong nun. Pero kung anuman ang maitutulong ko sa kanya, kasi naman pinagbigyan tayo at siya’y dumating doon sa aking proclamation rally, dapat siguro mapuntahan ko rin yung kanya para naman ma indorso ko siya sa mga taga Maynila.

Q: Sir, sa SWS po sir tabla kayo ni Sen. Chiz.

BBM: Wala na. Hindi ko na alam. Pabago-bago yung naririnig ko. Mayroong mga internal survey pero tingnan natin. Ipagpatuloy ko lang. Mukhang maganda naman ang resulta. Nung break this weekend, tiningnan talaga naming yung mga numero. Mahirap talaga kasi kailangan pag-aralan ang Pilipinas, bawat region, bawat area, bawat probinsya. At yun an gaming ginawa para magkaroon ng magandang plano sa darating na 40 days na naiiwan para sa kampanya. So far naman marami naman tayong impormasyon tungkol sa mga survey at palagay ko tama pa rin ang aming pagkampanya.

Q: Anong latest po sa One Cebu?

BBM: Wala pa akong balita. Yung last na narinig ko yung paghiwalay nila sa UNA at parang wala pa silang pinipili. Pero siyempre we are in constant contact sa ating mga kaibigan sa Cebu, yung mga member ng One Cebu kaya sana naman makuha natin ang kanilang suporta. Malaking bagay iyan dahil malakas ang kanilang suporta sa Cebu, pinakamalaki ang Cebu. That’s something na kailangan pa natin matiyak kung ano ba talagang gagawin nila.

Q: Sir, can you surmise the chances of you being endorsed by One Cebu?

BBM: I think the chances are pretty good because I’ve worked together with their patriarch, Mang Pabling Garcia at si Governor Gwen. Lahat sila naman nakasama ko na, marami na kaming nagawa kaya palagay ko may chance na kukunin kami.

Q: Sir, yung mayor ng Tarlac second cousin po ni PNoy, pero i-endorso ka niya.

BBM: Kababata ko iyan. Parang kapatid ko na bunso iyan eh. Yung pamilyang Rivilla very close kami. Yung panganay nila isang matalik kong kaibigan kaya naman siguro tuloy pa rin ang kanilang suporta sa akin. Medyo komplikado din ang lagay niya but I’m happy na hindi nagbago ang pagsasama namin.

Back to Blog