Ambush interview at Subic Bay Airport

Q: Number one na po kayo sa survey, sir. 25 tapos 24 si Chiz. First time po na kayo ang nanguna sa latest Pulse Asia na survey. Ano po sir yung reaksyon niyo doon?

BBM: That’s good news at tuloy-tuloy ang pag-akyat ng numero. Kaya talagang malaki ang tiwala ko na tama ang aking mensahe. Kaya nararamdaman naman natin ang pagtanggap ng tao sa aking sinasabi – ang pangangailangan ng pagkakaisa. At iyang mensaheng iyan ay kaya siguro naman nararamdaman natin, tinatanggap ng tao at ito’y ipagpapatuloy natin dahil iyan naman talaga ang pangangailangan ngayon. It’s good news and I’m happy of course that that is the result. We’ll just keep working and keep moving the same way and continue to give our message.

Q: Sir, ano po pa kaya ang reason kung bakit kayo nangunguna sa survey?

BBM: That’s the reason. Para sa akin yun ang dahilan kasi kung aayawin ng mga tao yung sinasabi mo, hindi ka susuportahan. So, yun talaga ang aking nakikita.

Q: Sir, sa tingin niyo sa Visayas region mas tataas ang ating rating?

BBM: Sana naman. I hope so. Dahil ang katotohanan, kakadaan lang naming sa Cebu, first time naming kinampanya at hindi pa kami nakapunta sa Region VI at Region VIII, kaya kailangan pa naming puntahan yun. Siguro sana namang makakuha ng suporta doon at patibayin natin ang suporta sa ibang lugar. Mukhang tama naman ang aming plano sa pag-ikot, yung mga iba’t-ibang puntahan. So, susundan na lang naming yung plano ko. At itutuloy na lang namin yung aming pag-iikot doon sa Visayas an susunod.

Q: Any talks with One Cebu Party considering wala na sila ng UNA ngayon? Break na sila ng UNA.

BBM: Actually, lagi kaming nag-uusap dahil siyempre kaibigan natin ang mga Garcia at sila ang namumuno ng One Cebu. Nabalitaan ko nga na umalis na sila sa coalition, pero hindi pa sila nagsasabi kung sino ang susuportahan nila. Malaking bagay yung One Cebu dahil yung Cebu ay napakalaki at very significant ang numbers na dala ng One Cebu. Yung Cong. Garcia, dating gobernadora, pati yung kanyang ama na si Pabling Garcia, dating kongresista, dating governor, at ang kanyang mga kapatid na si Winston Garcia, nasa GSIS noon, at si PJ yung congressman. Kaya marami talaga sa kanila at malaking bagay yung kanilang suporta lalong-lalo na sa Cebu. So, inaasahan natin since supportive naman sila, sana naman ipagpatuloy nila ang suporta sa aking kandidatura. Maraming salamat.

Back to Blog