Ambush interview at Senate of the Philippines

Q: Are you in favor of reopening of Senate investigation on the Mamasapano?

A: Only on the basis of new information. Sa aking palagay wala pa akong nakita sa mga report na may bagong impormasyon. Para sa akin maliwanag na maliwanag na kumpleto naman ang pag-hearing. Unang-una lagi kong pinagbabasehan yung CIDG report ni Benjie Magalong–it was very complete, it was very clear. It also coincided with the report of the Senate and the House of Representatives. So palagay ko maliwanag na sa ating lahat kung ano ba talaga ang nangyari kaya’t hindi namin maintindihan kung bakit mayroon na namang pinag-uusapan na alternative reality, which is parang pinagdududahan pa ang pagka-hero ng ating SAF 44. It is an extreme form of disrespect to the widows and families of the heroes, the SAF 44, who gave their lives for not only the capture and neutralization of Marwan, but also para ipaalam sa tao kung ano yung talagang problema na nangyayari sa Muslim Mindanao para naman tayo ay mamulat ang ating mga mata na kailangan gawin ang ibat-ibang bagay para makamtan na natin ang kapayapaan.

So overall, considering na wala namang ipinapakita na bago, ang sinasabi ko ay bakit pa tayo babalik sa imbestigasyon? Tapos na ang imbestigasyon, so I do not see any reason kung bakit pa tayo magsisimula ng panibagong imbestigasyon.

Q: Sir tingin nyo si PNoy bakit nya sinabing may alternative version?

A: Maybe to cover himself—para ipakita na wala syang kakulangan doon sa proseso. Pero hindi na mapapalitan ang facts, andyan ang facts. Ilang buwan nating pinag-aralan dito sa Senado? Ilang buwang pinag-aralan ng CIDG, ilang buwan na pinag-aralan ng House of Representatives? E lahat naman ito ay hindi naman naimpluwensya, gusto lang nating malaman….at ang importante dyan is yung mga resulta, mga findings ay halos pare-pareho.

Q: Huli na ba sir?

A: Maliwanag na na ganun ang nangyari, maliwanag na kung ano yung nangyari. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nabuklat na naman itong isyu na ito. Ang dapat na intindihin ng Palasyo ay hindi itong pinag-uusapan na alternative reality kung hindi ang katarungan para sa mga pamilya ng SAF 44. Imbes na pagdudahan ang kabayanihan ng ating SAF 44 ay dalhin natin at dapat kasuhan na natin kung sino ba ang mga na-identify. Ano na ang nangyari doon sa sinasabi ni Sec. De Lima na kung ilan na kakasuhan na miyembro ng MILF ay bigla na lang tumahimik tungkol dyan? Papano naman ang ating SAF 44, papano naman ang kanilang pamilya? Ang kanila lamang na hinihingi ay katarungan. Yan ang dapat nilang isipin. There is no alternative reality. Reality is one thing. There is no such thing as alternative reality. We already know what happened and what the country looks to us now is to provide justice to the families of the SAF 44, not only the families of the SAF 44 but sa buong kapulisan ng PNP—that is what we should be talking about now. What happened to the NBI investigation? What happened to the cases that were supposed to be filed? What happened to the pronouncements of Sec. De Lima, that they would file cases against 90 people–ang sinabi nyang numero? What happened to all that? Tapos bibigyan tayo ng istorya na walang may kasalanan, pano naman ba yan?

Q: Pero sir huli na ba yang impormasyon na naglabasan na yan? Dapat noon pa?

A: Wala pa akong nakitang impormasyon na bago. Wala pa akong nakitang impormasyon na bago. Itong sinasabi nila na may Amerikano, na may puti, narinig na namin yan. Yung sinasabi nila na yung aide de camp, o yung security ni Marwan ang pumatay sa kanya, narinig na rin namin yan. Hindi ito bago. At sa aming pananaw ang version na nga, ang findings ng Senate Committee, ng CIDG, ng House of Representatives, that is the correct narrative na doon sa nangyari.

Q: Sir si Sen. Grace is set to declare her presidential run ngayon, what can you say ba…?

A: I wish her the best of luck in all that she does. I suppose it’s not a surprise. But what it does for the rest of us is that it clarifies a little bit the political situation for 2016.

Q: Sir, kayo po when are you set to declare your own plans?

A: I will let you know when the date is but we are not yet there. I think everybody is still watching and waiting what the others will do. Kaya nga kagaya ng sabi ko kung magdeklara si Sen. Grace today magiging mas maliwanag ang sitwasyon sa politika.

Back to Blog