Ambush interview at Rizal Technological University

Q: … yung provinces. Ito ba iyong possible na plataporma ninyo once you decided to run in the higher post?

BBM: Well, hindi naman siguro, lahat naman siguro nakikita na ang mga problemang hinaharap ng mga tiga Maynila ay talagang kailangan ay de-congestion. Dahil lahat nalang ng naghahanap ng trabaho, lahat ng naghahanap ng mga tirahan sa Metro Manila pumupunta. Dahil hindi pa natin na-develop ang mga nakapaligid na mga probinsya. Hindi pa sapat ang development kaya’t etong aking sinasabi, kailangang idevelop na yan, para hindi na kailangang pumunta lahat ng mga tiga probinsya sa Metro Manila. Kung hindi, maiwan nalang sa kanilang sariling lugar, pero mayroon namang disenteng trabaho, meron naman silang pagkakataon, meron naman silang disenteng na matitirahan, maganda ang transport and communication, ito ang nagiging kakulangan sa ating infrastructure development. Yan ay damang-dama sa nakaraang ilang taon na parang walang itinayo na bagong infrastraktura. Kaya nga tayo napunta rito sa sitwasyon na ito. It is not a platform but it is part of a plan that will de-congest Manila para naman mabigyan ng solusyon ang mga problemang hinaharap ng Kamaynilaan.

Q: Sir, why do you think it is so important to come here and discuss the issues with students?

BBM: Because they are the largest sector of our society. The young people are the largest sector of our society and if anything will happen in the future it will come from them. Kami, lilipas na kami at mawawala na kami pero ang mga kabataan, sila ang mga parating, sila ang mamumuno, sa darating na ilang taon, kaya’t kailngan nilang mapag-isipan na, kung ano ang mga problema at ano ang mga posibleng solusyon.

Q: Sir iyong mga pangarap na iyan ay magagawa lang kung kayo’y mahahalal na Pangulo. Is it a signal na you’re running for President, not only a Vice-President?

BBM: No, you’re reading too much in to it. It is just a kind of, it just a commentary on the present situation that we are feeling in Metro Manila. The reason why the problems in Metro Manila are nationally important is because malaki sa ekonomiya natin ay nandito sa Metro Manila. Kapag bumabagal ang ekonomiya ng Metro Manila, sa Metro Manila, nararamdaman ito sa buong bansa, so that is not because, I am in local government, I am not a believer in (2:43…imperial?) Manila, but we still need to fix those problems dahil ito parin ang sentro ng ating ekonomiya. Ito ang sentro ng ating pamahalaan. Lahat itong mga bagay-bagay na ito, kapag nagiging problema, ay nagiging problema sa buong ekonomiya sa buong pamahalaan.

Q: Sir, on BBL sir, 5 session days nalang po natitira, ano po ang assessment natin dito?

BBM: `Tinitignan namin, iyon na nga 5 session days, baka at the end of this session, ay matapos na kami sa interpellation. Dahil ang nag-interpellate ngayon sa amin, sa akin, ay si Senator Sotto. Sabi niya matatapos iyong kanyang interpellation by Wednesday. So that leaves another 3 days. Mayroon pa rin mga ibang Senador na nag-nagreserba so baka matapos natin iyong interpellation. Pero kailangan pang balikan yung tinatawag na period of amendments. So, ipapagpatuloy namin at pipilitin namin hangga’t maari na matapos ito ngayong session na ito.

Q: Sir paano po iyong mga Senador na hindi pa nakapag interpellate. Ano po yung…

BBM: Well nasa sa kanila kung talagang iyong reservation nila ay gagamitin nila para mag interpellate o hindi, pero alam ko mayroon pang 2 o 3 na talagang gustong mag interpellate, so.

Q: In a seriously manner what is now the chance po na tumakbo na po sa pagka-Pangulo?

BBM: Ang chance? Ewan ko, di namin ina-assess na ganoon. It’s not really that way. Tinitignan ko lang kung, ang pagdesisyon na sa mga bagay na iyan ay titignan mo kung ano ang political situation. So the political situation is slowly beginning to come clearer. So that will make it easier for that decision to be made.

Q: Sir, Mayor Duterte is considering to run in the President now. Any reaction regarding on that?

BBM: Again again?

Q: Mayor Duterte is considering to run in presidential post. Any reaction on that?

BBM: Oo nga. Kaya kami’y tinitignan din namin kasi siyempre kasama siya doon sa mga kasama na tinatawag na Presidentiables at kung siya’y tutuloy o hindi ay malaking bagay din iyon dahil magbabago ang political landscape so we are waiting for his final decision.

Q: Sir, if Duterte wants you to be his running mate are you aware na, pwedeng pagbigyan ba or pag-iisipan pa natin Sir?

BBM: Siyempre. Lahat naman. Ako siyempre basta’t sinabing mayroong offer na ganoon o sinasabi na baka puwede, magiging bagay ang aming pagsasama ay siyempre kasama sa usapan iyan. Kasama sa ating pag-iisip at magiging desisyon sa halalan.

Q: Nag-usap na ba kayo Sir?

BBM: Lagi kaming nag-uusap. Hindi natigil iyong aming pag-uusap.

Q: Sir could you discuss even further what to expect from your upcoming announcements?

BBM: Edi di na ako nag-announce, nasabi ko na sainyo.

Q: I mean kahit a bit lang, like any reactions.

BBM: The announcement that I will make is to announce what I am going to do in the next election. So that’s what will happen and it will be soon. I will make that announcement soon. Thank you, thank you.

Back to Blog